"Good afternoon, Ma'am Cheetah hehe," bati ko sa current teacher nina Ren, at saka naghanap ng mauupuan.
"Afternoon. Dun ka maupo sa tabi ni Ren," sabi ni Ma'am, kaya naman nag alangan ako.
Hala? Bat sa tabi pa ni Ren? Paano kapag nakita ni Seongwoo? Mag aaway lang kami, hindi kami magpapalitan! Kasi naman, e! Saka anong one week dito? Tsk!
Nagtaas naman ng kamay si Ren, at nakita ko na siya. Katabi niya si JR, kaya lang ay sinipa niya yun paalis, dahilan para maggroan si JR, at saka umupo sa likuran na desk.
Dahan dahan akong naupo sa tabi ni Ren, and he furrowed his brows at me.
"Anong nangyari, bakit kaklase ka na namin?" Tanong ni Ren, and I pouted.
"Nag away kami ni Seongwoo. Naguidance kami. Nilipat ako ni Mr Dongwook dito," sabi ko, and he chuckled.
"Nako, anong buwan pa lang, naranasan mo nang mapunta sa lahat ng section ng batch natin- RAAAAY HAHAHA JOKE LANG-"
"Isa pa, Ren, gago ka talaga," sabi ko, at tumawa nalang siya.
Inilibot ko naman yung mata ko sa room habang nagdidiscuss si Ma'am Cheetah, kaya lang may isang nakaagaw ng pansin ko. Gago? Si Chen Sanchez ba to?!
"Oo, si Chen yan," sabi ni Ren, and I looked at him. "Ex ni Seongwoo. Naging loyal dyan si Seongwoo, pero laging nanlalalaki si Chen kaya hindi na kinaya ni Seongwoo. Kaya matagal din na naging single yan si Seongwoo."
"Gago? Bat ganun?" Tanong ko, and he shrugged his shoulders.
"Dahilan din yan si Chen bakit ayaw na niyang magkagirlfriend. Kaso ewan ko kung anong nangyari, he risked his own promise to himself para lang sayo," sabi ni Ren, and I couldn't speak. "Hinding hindi naman niya babalikan si Chen, e."
"Shit." Sabi ko, at tinignan ako ni Ren nang nakangiti.
"Oo. Di ka ipagpapalit nun. Kahit kelan," sabi ni Ren.
Hindi na ako nakapagsalita. Bakit ba hindi ko pinakinggan si Seongwoo? Napangunahan naman ako ng selos, e! Ng takot!
Sino ba namang hindi matatakot, e si Seongwoo yung boyfriend mo? Tapos ang gwapo, ang bilis lang na pwede ka niyang palitan.
But hearing what Ren had to say, alam ko na nagkamali ako to doubt Seongwoo. Shit. Paano na to?
♡♡♡
Habang naglalakad ako palabas ng room nina Ren, nakasalubong ko naman si Jaehwan, kaya nilapitan niya agad ako saka sumabay sa paglalakad.
"Samahan mo ako pauwi," sabi ni Jaehwan, dahilan para magpout ako at umiling.
"Ayoko. Naguiguilty ako. Hindi ko pinakinggan si Seongwoo," sabi ko, and he chuckled.
"Kaya nga samahan mo ako, kasabay natin si Seongwoo. Sa dorm kami ngayon uuwi," sabi ni Jaehwan, dahilan para matigil ako.
"Paano kapag nagalit siya sa akin? Paano kapag pinagpalit na niya ako?"
"Tangek, di kita ipagpapalit," rinig kong sabi ng isang boses, at nakita si Seongwoo na nakatayo sa likod namin.
Sana nga.
YOU ARE READING
crush back ♡ ong seongwoo
Fanfiction[ wannatwoball series #2 ] "uy crush, crush back hehe," in which venus hwang crushes on ong seongwoo, but he doesn't acknowledge her feelings. yet. cover by @venleyy