crush back ♡ six

73 4 1
                                    

I'M SORRY, YOU CAN'T OPEN YOUR FACEBOOK ACCOUNT.

Paulit ulit kong nilolog in yung account ko, pero hindi ko na magawa. Nako?! Anong nangyari? Nakakainis naman! Nadisable?! Nareport?!

Agad ko naman na sinigawan yung unan ko, dahilan para may sumigaw sa kabilang side ng pinto.

"Ano ba yan, Venus! Anong oras na. Malelate na o. Pumasok ka na nga," sabi ni Minhyun oppa, at naggroan naman ako bago kinuha nalang yung bag ko at saka tumakbo na palayas sa bahay namin.

Hindi kasi kami magkasabay na pumapasok ni Minhyun oppa. Bukod sa family kasi ay si Jaehwan lang ang nakakaalam na maghalf-siblings kami ni Minhyun. Ayaw din ipasabi ng parents namin. Pero, Hwang naman ang gamit kong apelyido.

Nakarating na rin ako sa school at saka may nakita na freshman na nahihirapan magdala ng books niya.

"Uy, freshie, kasipag masyado?" Sabi ko, at saka tumawa bago pumunta na sa kwarto namin.

Kaya nga lang, on the way ay biglang nakasalubong ko si Seongwoo. Agad naman na namula ang pisngi ko at saka nagwave sa kanya na nahihiya, kaya lang ay kumunot ang noo niya.

"Hey, Seongwoo," bati ko, at tumigil siya sa paglalakad. Kumunot ang noo niya, saka kinamot ang ulo.

"Um, hello. Teka, sino ka na ba?" Tanong niya, kaya naman nalaglag ang panga ko.

Pota? Agad niya akong nakalimutan? Kahapon lang yun, ah?

Ano bang mabuting gawing sabihin? Kanina kasi, pinag iisipan ko din kung paano ako makakapag umpisa sa araw na to. Natatakot ako na baka makausap ko si Seongwoo at madulas ako. Paano kapag nadulas ako tapos mabuko ako?

Sino daw ako? Aamin ba ako o magpapanggap na Aphrodite?

"U-Uh, wala." Sabi ko, at tumango naman siya saka nagjog na palayo na parang wala lang.

God. Bakit ang hirap mong abutin, Seongwoo? Ganun ba kadami ang nakakasalamuha mong babae na hindi mo man lang matandaan kahit na yung pekeng pangalan ko lang?

Habang papasok na sana ako sa classroom namin ay pinigilan naman ako ni Jaehwan. Walang gana ko siyang liningon, and then he sighed.

"Sabi ko naman sayo, wag kang aasa. Nakita ko kayo." Sabi ni Jaehwan, and I sighed saka nagpout.

"Ang hirap niyang abutin, Jaehwan. Saka natatakot ako na baka mabuko niya ako sa katauhang Aphrodite. Itutuloy ko ba yun?" Tanong ko, at tumawa naman siya saka umiling.

"Tangek, wag na yun. Niloloko lang kita kaya ko pinagamit sayo yung pangalan na yun. I want you to leave a mark on him, with your own name. Pero nasasayo naman yan," sabi niya, at saka nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Leave a mark on him with my own name?

Or pretend to be someone else?

Nakakainis naman!

Ganun na ba kadami ang babae mo para hindi ako matandaan? Pwes! Gagawa ako ng paraan para matandaan mo ako.

Tandaan mo yan, Seongwoo Ong.

crush back ♡ ong seongwooWhere stories live. Discover now