08-12-19
》°•°《
"'Nay alis nako. Nag hihintay na si Pecho sa labas eh!" Sigaw ko habang nag susuot ng sapatos.
"Sige 'nak ingat ka!" Ganting sigaw ni Nanay.
Bago pumunta kay Pecho ay huminga muna ako ng malalim at bumuntong hininga. Sinampal sampal ko yung pisngi ko na ramdam kong hindi mamula dahil sa kapal ng mukha ko.
Pagkasampa ko sa motor ni Pecho ay siya namang nagdasal nako. Ayst! Sana nga talaga matanggap ako sa trabaho. Pag nagkataon mapapatigil ko na rin si Inay sa pagiging labandera niya. Na siyang nagtaguyod sakin sa pagtatapos ng pag aaral.
Nagtapos ako bilang Aeronautical Engineering. Pangarap ko talagang maging piloto. Pero A.E. palang natatapos ko. Ang plano ko ay pagnakaipon nako sa pagtra trabaho ko bilang A.E. ay makakapag aral uli ako para maging piloto. At ngayon mag a-apply sa La Mémoire Airlines.
"Nako!! Insan, bigtime 'tong pagtra trabahuhan mo!! Hindi mo man lang binalita sakin na dito ka pala magtra trabaho!!" Sigaw ni Pecho. Para naman marinig ko dahil sa pagka lakas lakas na area kung saan pa take off at pa landing ang mga eroplano.
"Wag kang ano insan! Hahaha, mag a-apply palang ako! Saka nalang tayo mag saya kung tanggap nako!" Pabiro ngunit seryoso kong sabi sakanya.
"Aba sana nga! At para mapatigil mo nadin si Tiya Clara sa paglalaba!" Sabi niya.
"Sana nga makuha." Napabulong nalang ako. At taimtim na nagdasal. Medyo malayo pa ang wearhouse na usapan kung saan magpapa hire.
°~°~°~°~°~°
"OH i-te text nalang kita insan kung masusundo kita. Alam mo naman si Sarra may labing labing kami nun mamaya." Natatawang sabi ni Pecho habang nag susuot ng helmet.
"Sige insan. Salamat. Ingat ka." Iyon lang at tumalikod nako para pumasok sa loob ng warehouse.
Kumuha ako ng number mula kay manong guard at naupo na sa mga monoblock na nakahilera. Madami ang naghihintay para sa kanilang interview.
Number 86,
"Number 36!" Sigaw nung nasa booth. Siguro siya ung nagpapa interview.
Hanggang sa umabot nako ng 3 hours dito. Nako naman. Gutom nadin ako! Pero may sampu pa atah o higit pa! Napasampal ako ng wala sa oras sa pisngi ko. Kung ganitong mag re rekla reklamo ako aba hindi ako makakahanap ng trabaho nito.
Mula sa booth na kinalalagyan ng nagpapa interview ay tumayo siya. At nagpapalakpak animo para maka kuha ng atensiyon. Lahat naman ay natigil at tumingin sakanya.
"Okay! Mamayang 3 pm ang resume ng interview. Kaya lunch time muna o umuwi muna kayo!" Yun lang ang sinabi niya saka umalis na sa wearhouse.
Napatanga nalang ako. Ganuon din ang mga kasama kong mag aapply. Ano daw? Pag minamalas ka nga naman oh.nag hintay ako sa napakahabang pilang yun. At maghihintay na naman ng tatlong oras para ipagpatuloy yung interview? Nako naman!
Nagsilabasan na yung iba pang aplicante na kasama ko sa pila. Siguro manananghalian o gaya ng sabi nung masungit na babae kanina ay pwede namang umuwi.
Nilapag ko yung hawak kong folder sa malapit upuan sakin. At saka inayos yung suot ko necktie. Pinagpagan ko rin yung suot kong suit na hiniram ko pa sa asawa ng kababata kong si Tere. Mahirap ng madumihan baka nga ipa laundry ko pa eh napakamahal nun. Ayoko namang ipalaba nalang kay Inay.
"Darating pala ngayon si Maam Gab. Suguradong magiging impyerno na naman sa kompanya."
"Oo nga. Kaya nga nagpa hiring agad para pag may nasesante. Matic ng may kapalit." Rinig kong usapan ng dalawang guard na dumaan. Nako nako sino kaya yun? Aish napaka chismoso ko talaga.

BINABASA MO ANG
Belle Vue
RomanceSypnosis: Alfie is a simple man with dignity. Pumasok siya sa La Mémoire Airlines para patigilin ang Ina sa pagiging labandera. Then he met Gabrielle ang bratinelang anak ng C.E.O./founder ng airlines na papasukan niya. They dont get along well. Per...