2

0 0 0
                                    

08-17-19

》°•°《


"Kasalukuyang Signal number 2 ang mga sumusunod Batanes, Laoag, Ilocos Region, La Union, Pangasinan, Manila, Quezon...."

"Anak! Paki lakasan yung radyo ng malaman ko kung apektado ba tayo! Magsasampay pako ng nilabhan!" Sigaw ni Inay mula sa labas.

Kasalukuyan akong nagpapalit ng simpleng polo lang. Pupunga ulit ako sa Mémoire para i follow up na A.E. ako hindi coffee maker.


"Signal 2 tayo 'Nay!" Sigaw ko pabalik. Sa lakas ba naman ng ulan imposibleng marinig ni Inay. Lalo na't binabagyo nanga nagpapa videoke parin yung kapitbahay namin.

"'Nay una nako!"

"Ingat 'nak!"


Sumakay parin ako ng tricycle kahit na malakas yung ulan at medyo mahangin pa. Wala akong perang pang taxi.



Pag kababa ko sa tricycle ay inayos ko kaagad ang damit ko kung may gusot ba. Yung buhok kong nilipad pa ng hangin.   Basta gusto kong maging presentable tignan. Papasok nako ng bigla akong awatin mg guard.


  
"Hinahanap ka ni Miss Anne sa 8th floor." Iyon lang yung sinabi ni manong guard at pinapasok nako.
Pagka dating ko sa lobby ay dere deretso ako sa gilid kung saan naka pwesto elevator nila.


Pindot lang ako ng pindot nung down button. Ayokong malate at mag e explain pako sakanila. Hindi kalaunan ay tumunog na yung elevator saka bumukas. Pumasok naka at sakto namang may naki sabay na dalawang babae. Umusog ako palikod para mabigyan sila ng space.


"Dumating na pala yung dragona kahapon." Sabi nung isa sakanila. Wala naman talaga akong balak maki chismoso sakanila pero may naka agaw ng atensiyon ko.


"Pinabalik atah si Maam Gab dahil nagka problema yung branch sa Europe at siya yung sinisi. Ikaw ba naman linggo linggo may bagong sasakyan. Which is nakakapagtaka." Sagot nung isa pa.


"Bakit ka naman magtataka eh anak mayaman yung dragonang yun. Palibhasa spoiled masyado."

Bigla namang tumunog ung elevator. Floor atah nilang dalawa. Lumabas na sila. Pero baka pa tuluyang makalayo ay lumingon sila sa dereksyon ko at parang nagulat pa. Sakto namang nagsara na yung pinto ng elevator. Napakunot noo nalang ako. May dumi kaya sa mukha ko?


Nagkibit balikat nalang ako. Saktong tumunog uli yung elevator at saka bumukas ung pinto. 8th floor na nga.

May nakita akong isang lalaki sa may bandang water dispenser. Nilapitan ko para magtanong. Nagulat pa ito.

Tumikhim ako saka nagsalita. "Asan po si Maam Anne?"


"Ah anjan siya conference room. Bakit?" Tanong niya sakin na bahagyabg naka kunot noo.


"Ah kasi pinapatawag niya ako." Maikli kong sagot.


"Nasa loob siya ng conference room at may meeting. Teka may appointment kaba sakanya?"

"Ah wala. Ipakita ko lang sana toh." Nilabas ko yung black card at saka pinakita sakanya.

Base sa expression niya habang binabasa yung card na inabot ko ay nakakunot noo ito.


"Saan mo nakuha toh?" Matalim na tingin niya sakin.



"Woah! Binigay lang sakin nung babae kahapon." Depensa ko sakanya.



Belle VueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon