3

2 0 0
                                    

08-25-19

》°•°《

Kinakabahan ako sa anumang mangyari lalo na at kapag kaharap kona ang sinasabing SM ni Maam Anne. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga naiisip ko ngayong araw na ito. Maaga palang at maaring mag iba pa ang takbo ng araw kong toh.


"Hi."



Halos mapatalon nalang ako mula sa pagtitimpla ng kape dahil sa pagkalabit sakin kung sino. Agad akong napatingin sa kung sino iyon. May babaeng naka tayo na nakapamulsa at nakangiti saakin.



Pinagmasdan ko siya ng mas maigi. Kumunot ang noo ko ng hindi ko siya ma mukhaan. 'Malamang Al bago ka palang sa kumpanyang ito.'



Nasa average type siya pagdating sa height ng isang Pilipina. Morena siya. Maganda ang pangangatawan. Naka eyeglasses rin siya na mas nagpabagay sa bilugan niyang mukha. Napailing nalang ako sa mga iniisip ko tungkol sa babaeng kumalabit sakin.




"Hello." Bati ko sakanya kasabay narin ng pag ngiti ko. Pero kaagad ko ibinalik ang atensiyon ko sa latte na pinapatimpla sakin. Mahirap ng magkamali unang araw ko palang sa trabaho.



"Sorry nga pala. Naabala atah kita." Naramdaman kong lumapit siya saakin at tinabihan ako.




"Ayos lang yun." Simpleng sagot ko.



"By the way, bago ka lang ba? Ngayon lang kasi kita nakita. Ako nga pala si Farjana. Kung nahihirapan kang bigkasin yung name ko okay lang na yung Jana." Masiglang sabi niya sakin. Nanga ngamoy positivity ah.


Sinulyapan ko siya at kita ko paring hanggang ngayon ay nakangit parin siya saakin. Ng matapos ko ang latte ay naproblemahan pako dahil naparami ata ang natrimpla ko.




Nilagay ko nalang sa isa pang paper cup yung sobra at nilagyan ng pangalan. Nasanay na siguro dahil sa pagtratrabaho ko bilang isang barista. Oh well, nasulat kona at wala nakong magagawa pa. Alangan namang burahin ko pa no? Sayang ink ng marker. Buti nalang yung kay SM hindi ko nilagyan ng pangalan.



"Nice to meet you Fara." Bigyan ko siya ng simpleng ngiti at tipid na kinuha yung isa niyang kamay para ipulupot sa paper cup. Kinuha ko pa yung isa niyang kamay ng mapansin kong medya nanginginig si Fara.


Pagtapos nun ay siya namang kinuha ko yung latte ni SM. At tinignan ang orasang nasa Stock Room. 9:00 am palang pero sa labas ay parang 7:00 pm na dahil sa makulimlim na kalangitan at nagbabadyang pag buhos ng malakas ng ulan.



Palabas nako ng Stock Room ng biglang may sinabi si Fara. Hindi ko man ito narinig ngunit lumingon parin ako sakanya at tipid na ngumiti.

°~°~°~°~°~°~°~°~°~°

HALOS takbuhin kona ang elevator dahil pupunta pa akong 14th para i-deliver ang kapeng ito. Tumunog bigla yung elevetor. Napa atras nalang akong bigla dahil sa daming taong lalabas sa floor na ito.

Inaangat ko panga ung kapeng dala ko para hindi lang masagi. Mahirap ng mag ulit uli.

Sumakay na ako at laking pasasalamat ko dahil wala akong kasabay. Pero halos mapatalon ako dahil sa biglaang pagsulpot ng kamay sa pintuan ng elevator. Pinipigilan atang umalis at may balak sumakay. Bumakas ang pintuan ng elevator at pagkakita ko sa lalaking sasakay.

Humakbang na siya papasok. Halos amuy amuyin kona ang sarili ko dahil sa napakabangong lalaking kasabay ko sa elevator na toh. Kitang kita ko ang repleksyon niya sa pintuan ng elevator. Nagsusumigaw ng karangyaan ang kanyang pustora at pananamit. Nang tumingin din siya sa pintuan ay nagpangabot kami ng tingin. Kaya naman agad akong nagbaba ng tingin sa aking mga sapatos.

Belle VueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon