09-12-19
》°•°《
"'NAY!!! Nakita mo ba yung brief ko?!" Buong lakas kong tanong kay Nanay. Aba! Nakakahiya kaya magtanong sa Nanay mo kung nasaan ang brief mo! Pero bakit naman ako mahihiya kung siya lang naman yung taong unang nakakita ng ---- ahemmm ko.... nuong bata palang ako?
"Nakasampay sa labas ng tokador anak!!" Sigaw pabalik ni Nanay.
"Salamat 'Nay!"
Wala akong nakuhang brief kanina sa kwarto. Nakakatakot kasi pumasok duon. May nakita ba naman akong ---- ughhh..... basta ano....
Nagtungo nako sa pinto. Huminga muna ako ng malalim. Lord please sana walang mangyaring masama saakin sa loob. Please lang po.
Halos tawagin kona lahat ng Santo at Santa. Sana nga gabayan nila ako. Nagsimulan konang pihitin ang doorknob. Toda parin ang dasal ko na sana nga walang sumunggab saakin sa loob.
Ng mabuksan ng tuluyan ang pintuan ay. Hindi ko alam kung mas uunahin kong mahimatay o mamula nalang ang pisngi ko. Nasa harapan ko lang naman si SM na hawak hawak at sobrang titig na titig sa brief ko!
Naka upo ito sa kama. Nakataas ang dalawang kamay habang hawak hawak ang salawal ko. Maiging inoobserbahan kung ano ang hawak. Kung titignan ay para itong bata at ngayon lang nakakita nh brief.
Kusang gumalaw ang mga kamay at paa ko patungo sa direksiyon niya. Hinablot ang brief na kanina ay hawak hawak niya. Inilagay ko ito sa likod ko para itago. Siguro ay nanguna na ang pag iinit ng pisngi ko. At sigurado nako sa itsura kong parang kamatis sa sobrang pula!
"H-hoy! Bakit hawak mo b-brief ko?" Nauutal kong tanong sakanya.
Tinitigan niya lang ako. Kaya nakipag titigan ako sakanya. Kitang kita ko kung paano umangat ang kilay niya. At bigla niya akong ni- head-to-toe.
Napalunok ako bigla dahil sa ginawa niyang iyon. Kaya naman nag iwas nalang ako ng tingin. At mas hinigpitan pa ang hawak sa brief ko. Problema ng babaeng 'toh?
"B-bakit ka ganyan m-makatingin?!" Napamura nalang ako bigla. Nang bigla akong napapiyok.
Narinig ko munting tawa niya. Kaya naman bigla akong napatingin sakanya. Sunod sunod ang ginawa kong paglunok ng nag simula siyang gumapang sa kama. Palapit sa kinaroroonan ko.
"What's the matter? Bakit ka naco conscious sa tingin ko?" Pang asar niyang sabi. Paunti unti ang ginagawang pag lapit saakin.
"HAH! Sinong nagsabing na co consious ako dahil sayo?"
"Oh come on iba ang sinasabi ng mga titig mo saakin, Alfredo."
"Tss."
"Tsk. Akala mo naman malaki yung ano. Tsk." Rinig kong bulong niya. Bulong pa ba yun? Parang normal na tono ng pananalita lang iyon ah. Bingi nadin atah tong babaeng toh.
"Huh? May sinasabi kaba jan?" Tanong ko sakanya. Nasa pinaka sulok na siya ng kama. At yakap yakap ang dalawang binti. Mukhang yagit kung titignan ang postura niya ngayon.
"Nothing!" Inis na sumbat niya. Ayun nasa sulok parin na kama. Kanina parang cobra lang kung gumapang. Ngayon parang nabatukan na unggoy at mukhang nag mumukmok na.
"Above average kaya 'toh." Parinig ko sakanya sa simpleng pagbulong lang. Sinadya kong lakasan konti. Nakita kong kumunot ang noo niya.
Pero imbes na asarin pa ay pumunta nako sa tokador. Binuksan ito at kumuha ng pares na damit pang opisina. Nagdesisyong sa banyo nalang magpapalit ng damit kesa dito sa loob ng kwarto. Ayokong magpalit sa harap ng demonyitang 'toh. Mahirap na baka dakmain ako ng wala sa oras.

BINABASA MO ANG
Belle Vue
RomanceSypnosis: Alfie is a simple man with dignity. Pumasok siya sa La Mémoire Airlines para patigilin ang Ina sa pagiging labandera. Then he met Gabrielle ang bratinelang anak ng C.E.O./founder ng airlines na papasukan niya. They dont get along well. Per...