6

3 0 0
                                    

09-26-19

》°•°《

Tunong ng orasan na marahang gumagawa ng ingay ang tanging maririnig sa opisina ko ngayon. Bumuhos nadin ang kaninang nagbabadyang ulan dahil sa kaninang pag silip ko sa bintana.

Alas-dies na ng gabi. At sa puntong ito ay nag o-overtime nako para matapos ko ang napakadaming dokumentong ipinapa encode saakin ni SM.

Malang ay halos wala ng natirang tao mabilan nalang sa mga epleyadong katulad ko rin na nag a-abot ng deadline. Marahan kong hinilot ang sentido ko dahil sa kanina pang sumasakit kong ulo. Babad nadin ako sa pc. Kaya naman nasasalo ko na atah ang radiation na galing sa monitor.

Sumandal ako sa swivel chair dahil narin sa sumasakit kong likod. Napabuntong hininga nalang ako. Naalala kong hindi pa ako naghahapunan dala narin ng hindi ko pagtingin sa orasan kanina. Nalipasan na naman ako ng gutom.

Napabalikwas ako ng marahang katok. Biglang sumingaw ang mukha ng isang security guard na siguro ay nagroronda.

"Overtime Sir?" Tanong ni Manong Guard.

"Opo." Tipid na sagot ko nalang. At muling tinuon ang atensyion ko sa ginagawa ko.

"Kunin niyo nalang po sa parking lot yung  ticket sa Overtime pagkatapos niyo. Para maipasa sa head." Sosyal ang companyang ito. May pa-ticket ticket pang nalalaman. Oh well, ano nga ba ang aasahan ko sa isa sa pinaka sikat na Air lines?

"Sige po." Iyon lang at sinara na ulit ni Manong yung pinto.

Mag 11 pm na ng malapit konang matapos ang pag e encode. Kaya naman ng matapos ko ay halos mag lulundag at masisigaw ako sa tuwa. Buti nalang talaga mabilis ako magtype.

Nag ayos nako at na save ko narin ang lahat ng tinype ko sa Pc. Wala nakong aalalahanin pa kaya naman nag unat unat ako ng katawan. Napapaungol ako dahil nga sa ginhawang nararamdaman ko ng mag unat unat ako. Parang isang taon ako umupo. At namamanhind narin ang aking pwet dahil sa mahabang oras na pag upo lang ang ginawa.

Nagpatay nako ng ilaw at nilock ang opisina. Nasa ground floor narin ako at palabas na ng building. Tinanguan ko nalang ang mga guard na nakakasalubong ko. Lakas maka astig ang dating, parang saakin lang kompanya sa inaasal ko ngayon.

Papunta na ako sa harap na parte ng parking lot ng mapansin kong may nagtatalo hindi kalayuan sa posisyon ko ngayon. Aalis na sana ako dahil nga ayokong madamay. Ng biglang marinig ko ang boses na iyon.

Dahan dahan akong napalingon sa direksiyon nila. At halos magulat ako ng makita si SM hindi kalayuan. Wala na sana akong pake alam ng biglang may sumigaw. Kaya naman dahan dahan akong lumapit at nagtago sa ilang sasakyang naka park.

Rinig na rinig ko ang inis mula kay SM. Tumingin ako sa katalo ni SM. At mas naintriga ako ng makitang pamilyar saakin ang lalaking kausap niya.

Wala na sana akong balak magtagal pa. Dahil nga kapag may nakakita saakin ay sabihing stalker ako, pake alamero o chismoso. Pero para talangang may pumipigil saakin kaya naman nanatili akong nakaupo at natatago.

"Ano ba Dale! Lumayo kanga saakin!" Mula sa window frame ng pinatataguan ko sakakayan ay kitang kita ko kung paano ang marahas na pagtulak ni SM sa lalaking kausap niya.

"Ano ba Fleur? Just shut up. You will surely like it!" Nabosesan ko kung sino yung lalaking iyon dahil siya lang naman yung walang hiyang sumagi saakin nung nakaraang araw. Gago talaga! Ano kayang gagawn niya kay SM?  Nangamgamoy may masamang balak.

"Ano ba! Did I tell you were over?!" Halos pasigaw na boses ni SM ang maririnig.

Agad namang tinakpan nung gagong Dale yung bibig ni SM. Naging alerto ako ng sinimulan niyang hipuan si SM. At halos mapamura ako ng bigla nalang niyang dinilaan ang leeg ni SM. Kitang kita ko sa mata ni SM ang takot at waring diring diri narin sa lalaki.

Belle VueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon