8

6 1 0
                                    

08-27-19

》°•°《

Nagdadabog ulit na pumasok si SM sa kwarto ko. Hindi ko mapigilang mapangisi dahil sa tangkang pagbili niya sana ng Sinangag. Buti nga ay ngisi o ngiti lang ginawa ko kanina. Dahil kung nagkataon ay kanina pa sana ako humalgapak ng tawa.

Na check kona ang sasakyan ni SM kanina. Samahan ko naman mamaya para i-pick up.

"Laging nangunot noo ng boss mo Al." Rinig kong sabi ni Inay habang naghuhugas ng pinggan. Saglit kong nilingon si Inay bago ipinagpatuloy ang paglilinis ng mesa.

"Laging dinadalaw ang taong iyon 'Nay." Natatawang sabi ko nalang.

"Aba eh! Magpalit kana. Hindi kaba papasok ngayon?" Kasalukuyan ng nagpapagpag si Nanay ng basang kamay. Tapos nang iligpit at itabi ang mga hinugasan.

"Papasok 'Nay. Mala late siguro ako. Kailangan ko pang samahan itong boss ko. " Saglit kong tinapunan ng tingin ang nakasarado kong kwarto.

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Inay ay pumunta na ako sa labas para maligo. Pagkatapos maligo ay itinapis nalang ang tuwalya dahil nga nasa loob ng kwarto ang damit pamalit ko. Kaya naman pagtapat ko sa kwarto ko ay kumatok ako.

"Maam. Papasok nako ah? Kukunin ko lang yung pamalit kong damit." Kumatok pako at walang sumasagot. Ng pihitin ko naman ang door knob ay bukas hindi naka lock ito.

Nagulat naman ako sa nadatnan ko. Anduon siya nakahiga at mahimbing na tutulog. Natigilan ako dahil sa nakapatong na isang paa niya sa unan kong malaki habang yakap yakap ito. Medyo naka lislis pa ang damit kaya kita na ang sideview ng tiyan niya.

"Ano ba naman Al boss mo yan. Respeto naman." Bulong ko sa sarili ko saka kinurot ng bahagya ang pisngi ko para magising ako. Hayst.

Nagtungo nalang ako sa drawer at nagpalit ng pang opisina ko. Iling ako ng iling dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

°~°~°~°~°~°~°~°

°°°
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa tunog pag pag-pagpag sa isang piraso ng tela. Mabigat pa ang mga talukap ko dahil rin siguro sa pagkakagising. I was half asleep when a glipmse of Alfredo half naked captured my system.

Awtomatikong nanlaki ang mata ko hindi dahil sa pagsasampay niya ng tuwalya sa sulok. Kundi dahil nakabalandra sakin ang katawan niya!

Hindi pa atah napapansin ng mokong na toh na gising na ako. Nang bigla ulit siyang maglakad para may kunin sa loob ng drawer nito. Iyon ay ang isang pink polo sleeve.

Dahil naka hubad pa ito ay dahan dahan niyang pinagpagan ng marahan ang polo. Bago niya ito dahan dahan ding isinusuot. Napalunok ako dahil sa nakikita.

From his damn messy hair. Broad shoulders and that flexing biceps is infront of me! For g^ddamn sake!

Gusto kong saktan ang sarili ko sa mga oras na toh. Dahil sa parang sinasabi kong isa akong unprofessional. At walang delikadesang babae. But damn! This idiot here has a.... well.... not so great body.

'Sinong niloko mo Gab? That man is like a greek god!' Sinuway ko nalang ang nasa isipan ko mahirap na. Pinikit ko ang mga mata para huminga ng malalim. Siguro na su suffocate nako dito sa maliit na bahay na toh kaya kung ano ano na naiisip ko.

"Cover your eyes when someone is changing clothes Maam." Agad akong napamulat ng mata. Matalim ang tinging ipinukol ko sakanya. How dare he? Parang sinabi narin niyang naninilip ako! Ang kapal ng mukha!

"How dare---" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng mabilis niyang putulin ito at masalita.

"Ayokong malate ng pasok Maam. Kaya please lang. Kung maliligo ka, o magbibihis ay sabihin mo. Kukinin pa natin ang sasakyan mo kina Manong Kiko." Dederetso niyang sabi.

Belle VueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon