08-31-19
》°•°《
"IDIOT! DO EVEN HAVE A BRAIN?! O UTAK TALANGKA KA LANG TALAGA PARA MALAMAN MONG NAPAKALAKING HALAGA ANG POSIBLENG MAWALA SA KOMPANYA DAHIL SA KAPABAYAAN MO!!" Dumadagundong ang sigaw ni SM sa bawat parte ng pasilyong tinatahak namin ni Dwayn ngayon.
Napapailing nalang ako dahil sa narinig. Katakot takot ang sigaw na ito. At sa bawat empleyadong nalalagpasan namin ay halatang nagmamadali sa kanilang mga ginagawa. Para lang hindi maabutan ang halatang galit na galit na SM.
"Alam mo minsan napapaisip nalang ako kung may puso paba yang si SM o wala. Sayang at napakaganda pa naman. Kaso nakaka turn off yung ugali." Naiiling na may halong pagtawang sabi ni Dwayn.
"Malay mo nireregal lang." Pagsasakay ko sa biro niya.
"So sa sinasabi mong yan. Araw araw na nireregla si SM." At duon nga napatawa na silang dalawa.
Kalaunan ay nagpaalam na si Dwayn para tapusin ang mga paper works niya. Habang palapit ng palapit ako malapit sa office ni SM. Na obvious namang madadaanan ko dahil nasa dulo pa ang opisina ko ay kinakabahan nako ng todo.
Malamay mo pagkatapat ko sa pintuan ng opisina niya ay may hindi inaasahang mangyari. Gaya ng, may nagliliparan na palang gamit palabas ng opisina niya. Tapos saktong padaan naman ako ay nahagip ako ng kung anong ibabato niya. Ay siguradong tigok ako.
Bumubwelo nakong tatakbo ako para naman hindi ako makita ni SM. Pano pala kasi pag naka bukas pala yung pintuan? Tapos bigla akong makita. At bigla din akong pagbuntunan ng galit nun.
1....
2...
3....
Takbooooooooooo!!!!
Halos lipadin kona ang kinaroroonan ng opina ko para lang hindi ako mapansin. At parang slow motion na napatingin ako sa pintuan ng opisina niyang naka bukas pala. At seryosong nakatingin si SM saakin. Sa tingin ko ay parang nag slow motion nga talaga saakin ang lahat ng makita kong may inaambang statue porcelain siya saakin.
Kaya naman mas binilisan ko pa ang pag takbo ko. At sa awan ng Diyos. Naabot ko rin! Para akong tanga na kumakaripas papasok sa looh ng opisina ko. At mayat mayang natatarantang ini-lock ang pintuan.
Napasandal nalang ako sa pintuan sa tindi ng hingal. Para akong sumali sa Olympics at tumakbo ng 1000 meter dash run. Bigla namang nag replay sa utak ko ang imahageng nakita kanina habang tumatakbo ako.
"ALFREDO!"
"ALLFREDOOOO!!!"
"ALFREDO OPEN THIS GODDAMN DOOR!!"
Napabalik nalang ako sa realidad ng may maramdaman akong kumakalampag sa likod ko. Umalis ako mula sa pagkakasandal sa pintuan. Matamang tinitigan ito. At talagang hinintay ko kung may kakalampag paba nuon o wala na.
Mahabang minuto at wala ng kumalampag. Pero laking gulat ko nalang ng biglang bumukas ang pintuan. Sapul ang mukha ko dahil sa natamaan ito ng pinto.
Inis na hinarap ko kung sino ang pangahas na nag bukas ng pinto. Nakalock ang pinto. Paano mabubuksan yun?
Nagulat ako ng makita ang mukha ng inis na inis na SM. Napatingin ako sa hawak hawak niyang duplicate key ng opisina ko. Nakaramdam ako ng inis dahil sa ginawa niya. Wala bang salitang privacy sa babaeng toh?
BINABASA MO ANG
Belle Vue
RomanceSypnosis: Alfie is a simple man with dignity. Pumasok siya sa La Mémoire Airlines para patigilin ang Ina sa pagiging labandera. Then he met Gabrielle ang bratinelang anak ng C.E.O./founder ng airlines na papasukan niya. They dont get along well. Per...