08-25-19
》°•°《
"What the fuck Elliot?! That way can raise the funds! Why did you let it slip away from us?! Useless shit!" Napapapikit nalang ako dahil sa mainit na namang ulo ni SM.
"I want this mess to be clean right now!" Halos sumigaw na si SM dahil sa kausap niya sa telopono. Nanghihina ito umupo sa sariling swivel chair. At sinenyasan akong ibigay sakanya ang pinakuhang tubig saakin.
"Those people are stupid." Rinig kong sabi pa niya.
"'Wag namang lahatin Maam." Napamura nalang ako sa isipan ko ng hindi sinasadyang sagutin ang sinabi niya.
"So your saying?" Napaangat ang isang kilay niya na kaninang nakakunot noo lang.
"Sinabi ko po na hindi lahat ng tao bobo." Gusto kong ipaalala sa sarili kong magdala na ng ducktape sa susunod na ipatawag ako ni SM.
"Is that so?" Makahulugan niyang sabi saakin.
"Opinyon ko lang iyon Maam. Pasensiya na." Napayuko nalang ako.
Pareho kaming napapitlang ng biglang tumunog ang intercom niya. Agad namang sinagot yun ni SM.
"What?!" Mahihimigan sa boses ni SM na nairita ito.
"Maam humihingi ng permiso si Sir Dale para makipagkita sayo. Naghihintay po siya sa lobby." Rinig mula sa intercom ang sinasabi ni Maam Anne. Naka loud speaker kaya naman dinig na dinig.
"Tell him to leave. I want pest in my building!" Mataray na sabi ni SM.
"Right away SM." Iyon lang at namatay na agad ang intercom.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita sa mataray kong boss.
"Bilang P.A. mo Maam hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila." Tanong ko sakanya.
Tinignan naman niya ako at agad ding binawi. Bahagyang yumuko ito at tila may kinukuha. Kaya naman maagap akong lumapit sa desk niya para sana tulungan ito. Ngunit kasabay ng pag angat niya ng tingin ay ang hawak hawak niyang makapal na pile ng bondpapers. Yung iba ay nakafolder pa, yung iba naman ay naka binder.
"This are manually encoded through a type writer. It includes important details. I want you to re-encode this, all of this." Halos manlula ako dahil sa matayog na mga papel sa harap ko.
"Kayang kaya Maam!" Pinasigla ko ang boses ko kahit na ang totoo ay nanghihina na ako ngayon palang. Ngumisi ako sakanya.
"I need it tomorrow morning." Agad nabura ang ngisi ko nang marinig iyon kay SM. 'Ang sama mo!'
"Okay Maam." Tanging sagot ko nalang bago kinuha ang mga 'dokumento' na nasa table niya at tuluyan ng lumabas sa opisina niya.
°~°~°~°~°~°~°~°
PADABOG kong binuksan ang pc na nasa harap ko ngayon. Naupo na ako at mabilisang nag unat ng mga kamay.
In-exercise ko narin ang ulo ko para hindi mangawit mamaya. Tinitigan ko ang matayog na mga papel na nakapatong na sa table ko."Mapapasabak ako nito." Tanging sabi ko nalang.
Buti at tinuruan ako ng prof naming gumamit ng pc kahit pa nahihirapan ako sa unang gamit ko nito. Nagsimula nakong kumuha ng isang piraso mula sa binigay na mga 'dokumento' ni Sm saakin. Tahimik na nag umpisa na akong mag encode sa pc.

BINABASA MO ANG
Belle Vue
RomansaSypnosis: Alfie is a simple man with dignity. Pumasok siya sa La Mémoire Airlines para patigilin ang Ina sa pagiging labandera. Then he met Gabrielle ang bratinelang anak ng C.E.O./founder ng airlines na papasukan niya. They dont get along well. Per...