Seducing 1

404 24 3
                                    

Chapter 1

Brenda Mariz Delos Santos

Brandon's POV

Naabutan ko siyang nakayuko sa kanyang lamesa habang may nakalagay na headphone sa kanyang tenga.

The room is silent; everyone is out for the break.

Ilang ulit akong napabuga ng hangin dahil sa bilis ng tibok ng aking puso.

I keep on walking back and forth undecided to continue. Napatingin pa nga ako sa hawak na notebook at muling binaling ang aking tingin sa kanyang direksyon.

Ang hangin na mula sa ceiling fan ay nililipad ang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Parang biglang humina ang takbo ng oras habang nakatitig ako sa kanyang maamong mukha.

I didn't notice that I'm already staring at her.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan, Brandon? Gago ka ba? Bakit mo ako tinititigan? Type mo ako noh?" pasaring niya nang mapansin ang aking pagsulyap.

Nagising ako sa pagkakatulala nang marinig ang mala-lalaking basagulero na boses ng anghel sa aking harapan. I can't believe those words came from her. It's shameless.

Napaka balahura talaga ng bawat salita na lumalabas sa bibig niya. For a woman, she's quite different.

Pinanlakihan niya ako ng mga mata nang napansing nakatulala lang ako sa kanya habang nakaawang ang mga labi sa gulat. Bigla akong nanliit sa mga tingin niya. Shame on me too.

"Uhm... A-Ano, kasi tapos ko na 'yung assignment na pinapagawa mo." I finally brought up. Damn with my stuttering.

Nanginginig na inabot ko sa kanya ang notebook na dala ko. My eyes widen when she expertly snatch it from me.

"Ayos! Maaasahan ka talaga, tol." Aniya na kumikinang ang mga mata sa tuwa.

Tinanguan niya ako at tinapik ang aking balikat. Napahawak ako sa aking salamin nang muntik na itong tumilapon dahil sa lakas ng pagkakatapik niya sa'kin na may halong tulak.

"Uhm... s-salamat?" nagdadalawang isip kong bulong na may halong sarkastikong tono, para kasing wala siyang balak magpasalamat man lang.

"Sa susunod ulit ah?" pinasok niya sa loob ng bag ang notebook at nginitian ako. Natulala ako sa ngiti niyang iyon pero mabilis ko iyong winaksi sa isip ko.

There's a next time? Anong tingin niya sa'kin taga gawa ng assignments niya? I know I feel different for her but I won't tolerate students like her.

"Sige, mauna na ako. See you next class." Paalam niya. I'm left with no words watching her going out.

Brenda Mariz Delos Santos, siya ang siga namin sa klase, the sergeant at arms. Malakas ang loob niya na mangbugbog ng mga kaklase naming lalaki na mas malaki pa sa kanya.

Hindi siya takot sa kamao, pinagmamalaki pa niya ang mga iyon kapag pumasok siya nang may mga pasa sa bibig at kilay galing sa pakikipag- away. She's totally not your typical girl.

Buti na lang hindi na siya masyadong nasasangkot sa gulo nitong nakaraan. Sounds unbelievable for me!

Mahigit kumulang apat na buwan din siyang tahimik. Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan niya? God! I'm so nosy.

As I said, hindi siya typical na babae na kolorete ang palaging inaatupag dahil hindi na niya kailangan ang mga iyon. She's beautiful at hindi lang ako ang nakaka-appreciate roon. Honestly, kabaliktaran ng maamo niyang mukha ang ugali niya.

She is a bully pero hindi ko siya magawang pigilan. She is my total opposite too. I am Brandon Emanuel Garcia, the president of our class and a total nerd with glasses minus the braces and books.

Whirlwind Chase  (Seducing Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now