Chapter 3
Tailing
Brandon's POV
Hindi ko talaga gusto ang ugali ng babaeng 'yun kahit kailan. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako napapatulala kapag kaharap ko siya at biglang mauutal na parang tanga. Inaamin kong maganda talaga siya pero hindi siya 'yung mga tipo ng babae na gusto ko.
Keep denying it. Shut up!
I think I hate her starting today. Hindi siya 'yong tipong magugustuhan mo kahit kailan, the end! Pinakakainisan ko ang mga salitang walang habas na lumalabas sa bibig niya na parang nakikipag-usap lang sa kalye.
Ginulo ko ang aking buhok sa iritasyon while I'm thinking deeply.
Anong sinabi niya? Huh! Akala ba niya na katulad ako ng mga barkada niya na inaminan lang jinowa agad ang babae. I don't even know the girl.
Why would I? Argh! She's getting into my nerves!
I calm myself and decided to go to the library to find some references at mag-advance study sa susunod naming topic. This should be better than thinking about what happened. After going through the shelves, pumuwesto ako malapit sa bintana dahil mahangin doon.
Habang nagbabasa ng libro, hindi ko mapigilan ang kakaibang pakiramdam. Parang may nakatingin sa akin na hindi ko alam kung saan galing.
Nilibot ko ang aking tingin sa kabuuhan ng library pero wala naman akong nakitang ibang tao maliban sa akin. Tiningnan ko rin ang pwesto ng librarian ngunit walang tao roon. Siguro nagpunta ng banyo? I scratch my neck feeling uncomfortable.
Binalik ko na lang ulit ang atensyon sa aking binabasa. Matiim kong tinitigan ang nakasulat sa librong nasa aking harapan ngunit hindi talaga ako makapag-concentrate.
Humampas ang malakas na hangin na mas lalong nagpadiin sa katahimikan ng paligid. I surveyed the premises again. Dahil ako lang mag-isa ay biglang tumaas ang balahibo sa aking batok.
My eyes started to become unsettled and my palms are sweating. Pakiramdam ko talaga may nanonood sa akin. Hindi ako 'yung tipo na matatakutin pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagtaas ng aking balahibo. There's something strange that I can't explain.
Bigla akong napatayo sa gulat nang malakas na sumira ang pinto na gumawa ng malakas na ingay. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa gulat. Calm down, it's just the wind. Napagdisesyonan ko na lang na umalis dahil hindi na ako makapa-focus.
Baka pinaglalaruan na ako ng mga multo? But, should I believe in those?
Pagkagaling sa library ay dumiretso ako ng classroom. Habang naglalakad ay hindi pa rin nawala ang pagtaas ng aking balahibo. Damn hilarious of me to get scared, pero parang may kakaiba sa araw na ito kumpara sa mga nakagawian kong araw.
Nakaliko na ako sa unang hagdan nang may biglang may kumalabog ng malakas. Bigla akong naalarma roon. Bumaba ako para silipin kung ano 'yun nanggagaling na sa tingin ko ay sa C.R.
Napapalunok ako sa bawat kong hakbang dahil sa hindi maawat na pagtaas ng aking balahibo at paglakas ng kabog ng aking dibdib.
Seriously?
Nasa harap na ako ng pinto ng C.R. kaya naglakas loob na akong sumilip sa loob, wala naman akong nakitang tao. Baka nasa loob siguro ng cubicle. Bakit ba ang praning ko ngayon?
Get a hold of yourself, Brandon. Humakbang ako palabas pero hindi pa ako nakakalayo nang biglang may malamig na kamay na humawak sa aking balikat.
Suddenly, an eerie whisper made its way to my ears, "T-Tulong." Dahil sa gulat, replexes ko na siguro iyon dahil hinablot ko ang kamay na nakakapit sa aking balikat at pinihit ito paharap habang tinutulak sa pader.
YOU ARE READING
Whirlwind Chase (Seducing Series 2) COMPLETED
RomanceI'm frustrated to know the end of this chase. She is the catch of this whirlwind chase. ~Him __ You alone is what I need to calm the Whirlwind Chase emotions in my heart. ~Her *** Brenda Mariz Delos Santos and Brando...