Seducing 4

106 17 2
                                    

Chapter 4

The Suitor

Brandon's POV

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Sa dinami rami ng mga tao, bakit ang Principal pa ang napadaan?

What a coincidence. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa guidance office ako ngayon dahil napagkamalan akong gumagawa ng milagro kasama ng tomboy na 'to.

Binalingan ko ng tingin ang direksyon kung saan nakaupo si Brenda.

Nangunot ang aking noo nang makitang wala itong kapaki-pakialam sa sinasabi ng Principal. Hindi ba siya natatakot? Well, sanay na siguro dahil palagi siyang na-i-involve sa ganitong mga bagay?

"Ipaliwanag ninyo ang nakita ng principal, Mr. Garcia?" Ani ng guidance counselor. Umayos ako sa pagkakaupo

"Wala pong ibig sabihin 'yung nakita niyo, ma'am. We didn't do anything wrong, nagulat lang po ako kay Delos Santos kaya ko po siya natulak sa pader." I reasoned out honestly. Sana maniwala sila

"How can you explain your two centimeter distance with her face, Garcia?" Tanong ng Principal sa my diin na tuno.

"K-Kasi po—" Naputol ang aking sasabihin nang biglang sumabat si Brenda.

"Gusto po talaga niya akong halikan, ma'am." Napabaling ako sa pwesto niya na nanlalaki ang mga mata sa gulat. Did I heard her right?

"Wait, I didn't want to kiss you. Please don't make up stories." I give her a take it back look. Hindi ako makapaniwalang nilaglag niya ako.

But instead of listening to me she just rolled her eyes, "Hindi ako gumagawa ng kwento, ma'am. 'Yun po talaga ang totoo. Nagsisinungaling po siya." She sounded like a victim and now I'm at fault.

Napatayo ako sa sinabi niya dahil hindi ko iyon inasahan. Binigyan ko siya ng masamang tingin pero kalmado lang itong nakaupo habang binabaliwala ang aking mga titig. My hands balled into a fist.

"Ma'am, she's lying. Hindi ko magagawa ang bagay na binibintang niya, tsaka wala po kaming relasyon. We're just plain classmates." Saad ko habang sinisikap na maging kalmado.

"Sino ba talaga ang nagsisinungaling sa inyong dalawa?"

"Siya po!"

"Her!" Nagkasabay pa kaming dalawa sa pagsagot na kina buntong hininga ko.

"Pwes, kung walang aamin sa inyo kayong dalawa ang may kasalanan. Wala kaming magagawa kundi bigyan kayo ng suspension."

"Po!?" Sabay kaming napatayo sa pagkaalarma sa narinig. Suspension? Are they kidding?! Napahawak ako sa aking noo, contemplating what I heard.

"Ma'am, pwede naman po natin 'tong pag-usapan 'di ba? Hindi na po kailangang umabot pa 'to sa mga magulang namin." Katwiran ko. Pero tanging pagbuntong hininga lamang nila ang natanggap kong sagot.

"Ganito na lang, humingi kayo ng patawad sa isa't isa tapos mag-volunteer kayo sa ating Annual Theater Festival. Is that okay to the both of you?"

Theater—?

"Theater, ma'am? Ano namang gagawin namin do'n? Magpapasaway?" Lantarang tanong ni Brenda. There's sarcasm in her question. Napailing na lang ako. Pinalala lang niya ang lahat. Kahit kailan talaga hindi mapigilan ang bibig niya.

"She's right, ma'am." Pagsang-ayon ko na lang.

"Well, I'm glad you ask. The both of you will volunteer as props men. It's better than a suspension right? Kapag narinig kung nagpasaway kayo ay ma-i-extend pa 'yon." The guidance counselor gleefully said. Tuwang-tuwa dahil nakahanap ng aalilain.

Whirlwind Chase  (Seducing Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now