Chapter 6
I Think...
Brenda's POV
Bago pa rin sa akin ang pakiramdam kapag nagkakatinginan kami ni Brandon at ang biglang pagwawala ng aking puso. Kahapon, pagkatapos ko siyang samahan sa locker niya ay nagpresenta siyang ihatid ako sa amin kahit okay lang naman na hanggang sakayan lang. Akala ko galit siya dahil sa masungit niyang mukha pero akalain mo 'yun?
Ang daling natapos ng araw at dismissal na namin ngayon sa hapon. Nagi-guilty nga ako kila Mike at Clinton dahil hindi na ako masyadong nakakasama sa kanila nitong mga nakaraang araw.
Paano ba naman eh ang dami naming ginagawa. Nakasanayan ko na nga na sabay kaming pumupunta ni Brandon sa theater club.
"Bran! Hintay naman! H'wag ka namang magmadali, bro!"
Walang habas kong pinasok sa aking bag ang aking mga gamit at nagmadaling humabol sa kanya.
"Teka," inakbayan ko siya nang makahabol ako. Tumigil siya sa paglalakad dahil sa ginawa ko at hinarap ako ng may nakakunot na noo.
"Since when did you start to comfortably talk to me? As far as I remember we are not friends and we're not that close as classmates."
I pouted my lips while averting my gaze. Well, masama ba 'yun?
"Hehe, well I assumed that we're friends. My problema, bro? Masaya akong maging kaibigan." I said with a big smile on my face.
Nakakunot pa rin ang noo niya na kinanguso ko. "H'wag mong sabihing galit ka pa rin dahil sa nangyari kaya tayo nagbo-volunteer ngayon. Nagtatago ka pala ng sama ng loob. Nako! Masama 'yan!"
Tinapik ko ang kanyang balikat. "Stop that! I'm over it, okay? I just don't want to get associated with you, you're trouble, and don't call me bro!"
Napahawak ako sa aking dibdib nang parang patalim na tumarak roon ang mga salitang kanyang binitawan.
"Ouch! Ang bias mo naman. Hindi mo man lang ba ako kikilalanin? Baka magbago ang isip mo. Sinabi ko nga 'di ba, masaya akong maging kaibigan, promise." Nag-puppy eyes pa ako sa kanya pero dinedma lang ako ng gago.
Tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad. Nagmadali naman akong tumakbo para makahabol sa kanya.
"Hoy! Ano ba?! Ayaw mo talaga akong maging kaibigan?!" pangungulit ko pa.
"Don't come near me! By the way we're late, better hurry." Pinanlakihan niya ako ng mata. Ang sungit talaga!
"Daan muna tayo sa canteen! Gutom na mga alaga ko. Please." Pinagmukha kong nakakaawa ang mukha ko sa harap niya.
"Ikaw na lang. I'll pass, I'm not hungry." He said with a stoic expression.
Parang may tumulak sa'kin sa bangin nang marinig ang sagot niya na 'yun.
Napanguso ako sabay hawak sa aking t'yan. "Pero gutom na talaga ako eh."
"Then go on your own." Malamig niyang turan na sa tingin ko ay seryoso talagang ayaw akong samahan.
"Hay, mamaya na nga lang." Saad ko sabay buntong hininga sa pagkatalo.
Binilisan ko na lang ulit ang aking lakad para makasabay sa bilis ni Brandon.
He looks annoyed while looking at me by his side. Nginitian ko siya pero mas lalo niyang kinasimangot iyon. Akala siguro niya pinagtitripan ko lang siya.
Hmp!
Nang makarating kami sa teatro ay napansin naming sobrang busy ng lahat. Nasa taas ng stage ang mga nagi-ensayo ng play, samantalang ang mga nasa likod naman ay busy para sa paggawa ng mga props.
YOU ARE READING
Whirlwind Chase (Seducing Series 2) COMPLETED
RomanceI'm frustrated to know the end of this chase. She is the catch of this whirlwind chase. ~Him __ You alone is what I need to calm the Whirlwind Chase emotions in my heart. ~Her *** Brenda Mariz Delos Santos and Brando...