Seducing 7

81 16 4
                                    

Chapter 7

Slow motion

Brandon's POV

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang buhat si Delos Santos papuntang clinic.Hindi ko mapigilan ang pag-aalala sa lagay niya dahil sa lakas ng pagkakatama ng noo niya sa props na may halong metal kanina.

"Nurse, paki asikaso po!" Nilapag ko siya sa pinakamalapit na higaan at mabuting agad naman siyang dinaluhan ng nurse at sinuri ang ulo niya.

"Anong tumama sa ulo niya?"

"Tumama po ang noo niya sa metal prop namin, nurse." Kinakabahan kong turan.

"D'yan ka na muna sa labas maghintay. Gigising din siya." Tumango na lang ako habang hindi napapanatag na palakad lakad sa harap ng pinto.

"Brandon! Is she okay?" Tiningnan ko ang mga bagong dating. It's Mina with the art club President, Ms. Clara.

"Ginagamot pa siya sa loob."

"Sana okay lang siya." Bulong ni Ms. Clara. Napatango na lang ako at pinipilit na pakalmahin ang aking sarili. I don't know why I'm so worried.

'Gusto mo kasi' Napailing ako sa biglang pumasok sa isip ko.

No! Hindi ko na siya gusto simula nung makasalamuha ko na ang walang habas na bunganga at ugali niya.

Nakaka-turn off. She is better when she's silent.

'Really?' Shut up mind! Sita ko sa pakialamero kong isip.

Fifteen minutes pass ay pinapasok na kami ng nurse.

"Ok na po siya." Inporma ng nurse. Eh, bakit hindi pa po siya gumigising?" Nag-aalala kong tanong.

"Bumabawi lang siya ng lakas 'wag kayong mag-aalala. Kung gusto niyo naman makasigurado ay pumunta na lang kayo sa hospital."

"Alright." I sigh in relief.

"Oh, by the way. Paki lagay na lang itong hot compress sa noo niya para mabawasan ang pamamaga."

"Salamat po."

"Walang ano man." She said and disappeared in the door.

Lumapit ako sa kinahihigaan ni Delos Santos at dinampian ng hot compress ang noo niya.Tsk! Ang engot kasi hindi nag-iingat!

Habang dinadampian ko ang noo niya ay biglang may malalakas na boses mula sa labas na bigla na lang sumugod sa loob.

"Nasaan ang tropa namin?!" I look outside and found several male students.

My forehead crest with the commotion they're making. Tropa? Baka nagkamali sila ng pinuntahan.

Sinuri ko ang mukha ng dalawang lalaki sa aking harapan. They look suspicious in their uniforms. More like trouble for me.

"Delos Santos, anong nangyari sayo, tol!?" Nagulat ako nang lumapit sila kay Brenda.

"Sino kayo?" Tanong ni Ms. Clara.

"Mga kaibigan po kami ni Santos." Sagot ng isa.

"Sino bang may gawa nito sa kanya?! Ang lakas ng loob! Sabahin niyo kung sino para maturuan namin ng leksyon!" someone said while cracking his knuckles.

"Aksidente ang nangyari kaya hindi kayo dapat maging bayolente." Saad naman ni Mina.

"Abay! Pinagtatakpan niyo pa!" Sigaw ng isa na may pa talsik laway pa. I recline to avoid it.

"A-Ang lakas ng boses mo C-Clinton, M-Mahiya ka naman!"

Lumapit ako kay Brenda. She's awake! Natigil sila sa pag-iingay sa mahinang sigaw na ' yun. I look so worried seeing her cup his head.

Whirlwind Chase  (Seducing Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now