Chapter 9
How to be a girl
Brenda's POV
After the awkward atmosphere between me and Brandon ay tuloy pa rin ang pagtuturo niya sa akin. We meet every lunch break at dismissal sa library para turuan ako sa mga lessons na hindi ko maintindihan. Mabuti na lang din at tapos na ang pagbo-volunteer namin sa teatro at nakaka-focus na kami sa pag-aaral.
Halos isang linggo na niya akong tinuturuan at kada may-tutorial kami ay na-e-excite ako palagi. Kahit mahirap ang pinagdadaanan ko sa pag-aaral ay inspirado ako dahil siya ang nagtuturo.
Katatapos lang ng klase para sa buong araw and it is another time for our tutorial in the library hanggang sa magsira iyon.
"Brenda, are you going to the library again?" si Christine na nakasimangot na naman dahil hindi ko siya masasamahan sa pag-uwi.
"I'm sorry Christine, kailangan talaga eh para sa grades ko."
"I understand, bestfriend. Iche-cheer na lang kita para may tulong naman ako."
"Thank you, bestfriend."
You heard it right folks. Mag bestfriend na kami ni Christine. Kahit minsan ay hindi ako nakakasabay sa kanya at marami akong pagkukulang bilang kaibigan ay hindi niya ako iniwanan.
Nakakatulong din na marami kaming mga parehang hilig kaya nagkakasundo talaga kami. I'm very thankful that I meet a girl who is true like her for my first ever girl bestfriend.
"Mauna na ako ah? H'wag kang mag-alala gagala tayo ngayong weekend. Ililibre kita." I promise her.
"Oh my God! You keep your promise, okay?" masaya niyang turan.
"Of course, see yah then!" paalam ko.
"Bye!! Kinawayan ko siya bago ako tumakbo patalikod. Hindi pa ako nakakalayo nang biglang may nabunggo ako. Pagharap ko ay nagulat ako nang makita ang nakangising mukha ni Clinton kasama ang iba pa naming tropa.
"Kaibigan mo? Chiks ah, pakilala mo naman kami." Aniya habang tinatanaw si Christine.
"Loko kayo! Tigilan niyo nga ako. 'Wag niyong pakialaman si Christine malalagot talaga kayo sa'kin. Tsaka 'wag na kayong mangarap hindi kayo magugustuhan no'n."
"Hoy! Isang linya lang sinabi naman napakarami mo ng sinabi. Nagtatanong lang naman ah? Kahit kailian talaga ang judgmental mo." Turan ni Mike.
"Mas mabuti ng handa, Enriquez. Hindi natin alam kung kalian sasalakay ang daga kapag nakaidlip si pusa."
"So, daga ang tingin mo samin?" paglilinaw ni Kris.
"Hindi naman pero parang ganon nga. Haha!" Napatili ako nang habulin nila akong tatlo habang nagtatawanan naman ang iba pa.
"Tama na nga! Nagmamadali ako eh. Hoy Kris! H'wag ka ng magbalak na gumanti sa'kin dahil hindi mangyayari 'yun, okay?!" sigaw ko sa kanya mula sa malayo.
"Bakit ba ang busy mo yata nitong nakaraan? Hindi ka tuloy nakasama sa amin. May narentahan kaming skateboard kahapon sayang hindi ka nakasama." Imporma ni Clinton.
"Talaga?! Bakit hindi niyo ako sinama?"
"Eh hindi ka namin mahanap eh." Si Mike. Napakamot naman ako ng batok nang maalalang may tutorial pala kami ni Brandon no'n.
Sayang! Speaking of Brandon—shit! Hinihintay na ako no'n!
"Sa susunod na lang ulit tayo magkwentuhan mga, tol. Nakalimutan kong nagmamadali pala ako. Pasensya na!" Iniwan ko na sila at nagmadali akong tumakbo papunta sa library.
YOU ARE READING
Whirlwind Chase (Seducing Series 2) COMPLETED
RomanceI'm frustrated to know the end of this chase. She is the catch of this whirlwind chase. ~Him __ You alone is what I need to calm the Whirlwind Chase emotions in my heart. ~Her *** Brenda Mariz Delos Santos and Brando...