Seducing 5

83 17 6
                                    

Chapter 5

Towel

Brenda's POV

Napatulala ako habang pinakiramdaman si Brandon na nakayakap sa akin. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko. Kung normal lang ito na araw ay siguro nasuntok ko na siya. Pero iba ngayon, parang may ibang komokontrol sa aking sarili.

"Hey, are you listening?" tanong niya.

"A-Ano 'yun?" Wala sa sarili kong tanong.

"Brenda?! Are you okay?" nakaramdam ako ng malakas na pagyugyog sa aking balikat.

Nabalik ako sa aking sarili dahil doon. Napatingin ako kay Brandon na may pag-aalala sa mukha na nakatingin sa'kin.

"Ha? A-Ayos lang ako." Mahina kong sabi na nauutal pa sa kaba.

"I'm sorry about that, I didn't mean what I said, nabigla lang ako." Defensive niyang paliwanag. Tinanguan ko lang siya, hindi makatingin ng diretso dahil sa pagka-ilang.

"Ayos lang, hindi ko naman kasi alam na mag-re-react ka ng gano'n. Binibiro lang naman kita, sorry din." Natahimik kami pagkatapos ko iyong sabihin. I honestly can't think of anything to say.

Binalik na lang namin ang aming atensyon sa ginagawa hindi alintana ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin.

Ang awkward.

Kinabukasan ay gano'n pa rin ang set up namin, sabay kaming umaalis ng classroom para pumunta sa theater club. Nasanay na rin ako sa mga bulungan ng mga kaklase namin. Mamatay sila sa pag-uusisa!

Pagdating namin doon ay agad naming sinimulan ang aming dapat gawin. Ngayon ko lang napagtanto na mas mahirap pala ang trabaho ng mga props men tapos hindi pa sila masyadong napupuri. Saludo ako sa kanila!

"Brenda, paki tabi nga nitong mga tapos na nating gawin para lumaki ang space rito." Utos sa akin ng president ng art club na agad ko naman ginawa.

Kasama namin silang gumawa ng props dahil forte nila ang mga ganito.

"Okay po." saad ko na lang.

Nilapag ko ang aking hawak at agad nang sinimulan ang paglilipat. Hindi pa ako nangangalahati sa aking ginagawa ay pawisan na ako.

Bubuhatin ko na sana ang sunod na props na ililipat ko nang hindi inaasahang dumulas iyon sa aking kamay.

"Careful." Nanlaki ang aking mga mata nang nasa harap ko na pala si Brandon. Sinalo niya ang nabitawan kong props.

"Salamat, ako na. Kaya ko naman." Binalik ko ang aking hawak sa props pero nagulat ako nang mahawakan ko ang kanyang kamay.

Agad ko iyong binitawan nang makuryente ako sa paglapat ng mga balat namin. 'Yung totoo, kabli ba siya ng kuryente?

"Let me help you." Napatulala ulit ako habang sinusundan siya ng tingin.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil nag-iingay na naman ito katulad noong nakaraan.

"Hindi mo ba ako tutulungan?" parang may sumapak sa akin para mabalik sa realidad dahil sa tanong niya.

"To clear it up, I just offered to help you, not to do it on my own." Masungit niyang sabi na kina taas ng kilay ko.

"Tutulong naman ako." saad ko na sekretong napa-irap.

Sungit! Akala mo naman kung sino, eh hindi naman ako proud sa epekto niya sa akin. Mahaba ang nguso kong bumalik sa ginagawa.

Baka ipa-blater ko pa siya dahil sa ginagawa niyang pangunguryente at pagiging sanhi ng pawawala ng puso ko!

Sigurado akong pinakulam niya ako kaya ako nagkakaganito! Affirmative! Lagot talaga siya kay Itay.

Whirlwind Chase  (Seducing Series 2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now