Chapter 22

66 0 0
                                    

Always and Forevermore

After three years....

Nasa park lang si Belle, nag-iisa, malalim ang kanyang ini-isip dahil siguro sa mga pinagdaanan nya sa buhay, tatlong taon na din ang nakalipas nung huling nagkita sila ni Lucas, yun na din ang kanilang huling pag-uusap.

Nag desisyon na din si Belle na hindi na nya balikan ang kanyang nakaraan dahil kontento na sya kung anong meron at yung mga taong nasa paligid nya, ayaw na nyang masaktan gaya noon.

Bigla na lang nag ring yung cellphone nya.

Hello?

Belle? nasaan ka? 

Si Jake pala ang tumawag.

Oh Jake, 'bat napatawag ka?

Gusto ko lang malaman kung nasaan ka.

Nandito lang ako sa park.


One year ng kasal sila Jake at Belle, may anak na din sila at pinangalanan nila ng Roseanne, one year old. 

Ok, kasama ko ngayon si Rosie, hintayin mo kami.

Ok, miss ko na anak ko.

Pagkatapos nilang mamasyal sa park ay pumunta muna sila sa Rosabelle.

Hi! Chels! si Chelsea na ang namamahala ngayon sa kanilang cafe.

Belle! kamusta kana? tagal na din na hindi tayo nagkita.

Oo, nga.. ay kasama ko sila Jake at Rosie.

Uy! ang cute ng anak mo Belle, mana sayo..

Syempre naman.. Jake mag-uusap muna kami  ni Chelsea.. sabi nya kay Jake.

Ok, dito lang kami ni Rosie.


Nag-usap muna ang mag kaibigan sa may office sa taas ng cafe.

Belle, how are you?

Ok naman ako.

Sure ka? haha.. matagal na din tayong hindi nagkita pagkatapos mong magpakasal ay nawala ka na lang bigla.

May inayos lang ako.

Alam ko na, so move on na talaga?

Oo Chels naka move on na ako, hmm medyo matagal din sa una pero ok na ako kahit hanggang ngayon na konti lang ang na aalala ko sa kanya sigurado na ako sa sarili ko na wala na yung sakit nararamdadaman ko. 

Paano na si Annie?

Ako pa rin si Annie, pero Chels siiguro mas gusto ko na ako si Belle.

Ay! muntik ko ng makalimutan may dumaan dito na babae, Nikki daw ang pangalan.

Nikki? pamilyar sya sa'kin, bakit daw?

Heto oh, sabi nya ibigay ko 'to sayo.

Isang mp3 recorder ang ibinigay sa kanya at may card na ang naka sulat always and forevermore.

[A/N]

Hello!!!! its been years.. este weeks? days? ngayon lang ako naka update..haha sorry sa mga readers.. andami ko lang ini-isip ngayon.. haha.. enjoy pa rin sa pagbabasa.

peace yow! :)

Confessions of a Nerdy Girl and the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon