Chapter 21

65 0 0
                                    

Second Chance No More

Ring ring.....

Early morning may tumawag sa cellphone ni Belle na unknown ang number sa caller i.d at nagtataka sya kung bakit may alam ng number nya.

Pinindot yung end call at bumalik sa kanyang pagtulog...

Ring ring... ayan na naman...

Kaya sinagot ni Belle ang cellphone..

" Hello, may I know who's calling?"

" Hello, is this Rosabelle?"

"Yes, speaking.. sino ba 'to"

Inis na sagot ni Belle...

"Ahm sorry, Belle it's me Lucas."

"Oh I'm sorry Lucas, ahm 'bat napatawag ka?"

" Ah gusto ko sana na magkita tayo sa may park ngayon?"

" Huh? ano? ngayon na?"

"Oo, please?"

"Ok, I'll be there in 10 minutes."

Nagmamadaling pumunta si Belle sa park at pagdating nya ay nakita nya agad si Lucas na nakaupo sa may benches.

" Ahm Lucas, kanina ka pa?"

"Kararating ko lang din, upo ka muna."

Umupo si Belle sa benches..

" So may problema ba?" tanong ni Belle kay Lucas

" Kasi Belle may gusto lang akong sabihin sayo."

" Ano yun Lucas?"

" Belle ayokong magalit ka sa'kin pero gusto ko lang malaman kung may kilala kang Annie Villanueva?"

Gulat na gulat si Belle sa tanong ni Lucas, kaya ba nyang sabihin kay Lucas na sya si Annie?

" Lucas alam mo sa totoo lang naguguluhan ako ngayon sa sitwasyon ko, hindi ko alam kung sino talaga ako o kung totoo ba ito lahat, Lucas sino ba si Annie sayo?"

Natahimik si Lucas...

Si Annie.....si Annie ang babaeng unang minahal ko, si Annie ang lahat....si Annie na nasaktan ko dahil sa nagawa kung kasalanan sa kanya at si Annie na miss na miss ko na sya hanggang ngayon."

Speechless si Belle...maniniwala kaya sya?

"Lucas paano kung si Annie na tinutukoy mo ay hindi na makaka-alala, ano ang gagawin mo?"

" Wala, kasi ayoko naman na ipilit ang sarili ko sa taong hindi naman ako kilala at kung makaka-alala man si Annie hindi rin ko sya kayang saktan pa ulit, gusto ko lang na makita syang masaya, masaya na din ako, alam mo Belle kahit masakit man sa'kin kailangan kung tanggapin yun at kung ano man ang kanyang desisyon ay nirerespeto ko yun."

" Lucas, salamat dahil minahal mo si Annie kung sino sya, tinanggap mo sya ng buong-buo at masaya din ako para sayo Lucas kasi hindi ko man maintindihan ang lahat alam kung ginawa mo lang yun dahil mahal mo si Annie, masakit man isipin pero Lucas mahal ka din ni Annie kahit hindi nya ito nasabi sayo noon."

" Belle salamat din sa lahat kahit sandali lang tayo nagkakilala, kung ikaw man si Annie, I'm sorry dahil naging selfish ako noon hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa."

" Lucas siguro pinatawad ka na ni Annie."

"Sana nga Belle, sana..."

Ito na kaya ang ending???? 

[A/N]

malapit na syang matapos at sana nag enjoy kayo kahit short lang hehe... peace:) 

Confessions of a Nerdy Girl and the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon