Chapter 8

819 26 9
                                    

Rem--

Isang linggo na ang nakalilipas mula ng gabing iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi pa rin ma-absorb ng utak ko ang mga sinabi sakin ni Vince. Seriously? Gusto niya akong maging boyfriend? Hays! Makapasok na nga!

Habang naglalakad sa pathway, iniisip ko pa rin ang lahat ng mga nangyari. Si Dianne at Bryan, mag-on na? Akala ko ba magbestfriend lang yung dalawang yun? Hahaha! Hayaan na nga! Si Vince naman, ayun, nanliligaw pa rin. Oo, tama kayo. Hindi ko siya sinagot nung gabing yun. Ewan ko ba? Pero parang may mali. May mali talaga. Tapos eto pang si Seb. Walang paramdam. Naiinis na ko sa kanya. Araw-araw akong pumupunta sa bahay nila, lagi namang wala. Asan na kayo yung bestfriend kong yun? Grabe siya magpa-miss.

Sa lalim ng pag-iisip ko, bigla na lang may bumunggo sakin. Ouch! Sa lakas ay napaupo ako sa sahig. Nakita ko naman ang isang babaeng may dalang pulang rosas.

"Naku! Sorry. Hindi ko sinasadya. Hmm..eto nga pala, may nagpapabigay." Sabi ng babae na nahihiya pa. Iniabot niya muna ang kamay niya saboy takbo palayo.

Hahabulin ko sana siya pero bigla na lang siya nawala sa paningin ko. Aba? May lahi atang mangkukulam yun a? Hahaha! Joke lang!

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad. Naiilang naman ako dahil lahat ng taong nakakasalubong ko ay napapatingin sakin. Yung iba, bumubulong pa. Anong problema ng mga to?

Nang makarating ako sa kwarto namin, may nakapaskil sa pinto na kinalaki naman ng mga mata ko.

"Rem, sundan mo ang mga arrow na nakapaskil sa gilid. Sa dulo, may taong naghihintay sayo."

O.O

Ano to? Sinong may pakana nito? Hindi ko na sana papansinin iyon ngunit nang akmang bubuksan ko ang pinto, naka-lock ito.

"Hala. Bakit nakalock to?" Tanong ko sa aking sarili.

Dahil wala naman na akong pupuntahan, sinundan ko na lang ang nakapaskil dito.

Habang sinusundan ang mga arrow sa gilid, napansin ko naman na merong mga nakakalat na petals sa daanan. Sino naman kayang nagkalat nito? Nako! Kawawa na naman ang janitor nito.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Tadan! Nakarating na ako sa rooftop ng building namin. Lumingon ako sa paligid. Wala namang tao a? Baka naman pinagti-tripan lang ako nun? Hays!

Nakaka-ilang hakbang pa lamang ako papuntang pintuan ng may marinig akong strum ng gitara.

Napalingon naman ako sa pinanggalingan nun.

"...Vince." Bulalas ko.

Hindi siya lumapit sakin, sa halip, kumanta siya.

"I wanna make you smile whenever you're sad

Carry you around when your arthritis is bad

All I wanna do is grow old with you

I'll get your medicine when your tummy aches

Build you a fire if the furnace breaks

Oh it could be so nice, growing old with you

I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold

Need you

Feed you

Even let ya hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink

Put you to bed if you've had too much to drink

I could be the man who grows old with you

I wanna grow old with you..."

Matapos niyang kumanta, bigla namang lumabas ang mga kaklase naming na nagtatago sa likuran niya. At napanganga naman ako ng itaas nila ang banner na may nakasulat na,

"I love you, Rem!"

Lumapit siya sakin. Hindi ako makapaniwala. So ngayon, hindi na private ang amin ni Vince dahil pinagsigawan na niya sa buong campus na nililigawan niya ako.

Inabot niya ang isang bouquet ng bulaklak. Inamoy ko yun. Napakabango. Shems! Nakakakilig. Pero bakit ganun? Meron sa loob kong nagsasabing hindi tama.

"Maghihintay ako sayo. Gaano man katagal. Hindi kita pipilitin ngayon. Ipaparamdam ko muna sayo kung gaano kita kamahal, Rem. Kahit ilang araw, ilang linggo, ilang buwan, taon o dekada man, maghihintay pa rin ako sayo. Mahal na mahal kita." Sincere niyang sabi.

Narinig ko pang pumalakpak ang aming mga kaklase.

Hindi naman nakatakas sakin ang isang luhang kumawala sa kanya. Matapos iyon, niyakap niya ako ng mahigpit.

---------------------------------------------------

Seb---

Habang nakikita ko silang magkayakap, hindi ko mapigilang humagulgol. Wala na. Mukhang talo na ata ako. Ano nang gagawin ko? Shit! Hindi ko na kaya 'to.

Tulala ako habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Basta ang alam ko, sobrang nasasaktan ako. Bakit hindi niya iyon maramdaman?

Napansin ko na lamang na nasa harapan na ako ng lugar kung saan ako nagtapat sa kanya dati. Kung saan...naging kami.

Pumasok ako. Bawat sulok ng parkeng ito, may ala-ala kaming dalawa. Masaya o malungkot man. Parehas kaming lumalaban. Pero ano ng nangyari samin? Nang dahil lang sa isang pangyayari...nawala siya sakin.

Nagring naman ang telepono ko. Si Kat pala ang tumatawag.

"Oh? Napatawag ka?" Tanong ko sa kanya.

"Wala man lang bang pagbati dyan? Ano nang nangyari? Kasama mo na ba si Rem?" Tanong niya. Napahagulgol na naman ako nang maalala ko ang mga nakita ko kanina lang.

"Hey, Seb! Bakit ka umiiyak? Ano bang nangyari? Teka, asan ka ba? Pupuntahan kita." Aniya.

"Nasa park ako. Sa tagpuan." Ang tanging nasabi habang umiiyak pa rin.

"O sige, I'll be there in 15 minutes. Bye!" Sabi niya sabay end of call.

Mahal na mahal ko si Rem. Hindi ko siya kayang isuko. Gagawin ko lahat makuha ko lang ulit siya. Pero kung masaya na siya, hindi ko na siya guguluhin pa. Papalayain ko na siya.

Makalipas ang kinse minutos, nakarating na si Kat. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Ano bang nangyari?" Tanong niya kaagad sakin.

Kinuwento ang lahat nang nakita ko. Mula sa pagsunod ko kay Rem hanggang sa makarating sa rooftop. Hindi ako tumigil sa pag-iyak habang nagku-kwento.

"Kat, ano nang gagawin ko? Paano kung mahal na ni Rem si Vince? Hindi ko kakayaning mawala siya sakin." Sabi ko habang nagpupunas ng mga luha.

"Kailangan na nating gawin ang naisip ko. Kailangang ma-trigger ang damdamin niya. Basta Seb, wag kang susuko kay Rem. Tandaan mo, isip ang nakakalimot at hindi ang puso." Dahil sa mga sinabi niya, nabuhayan muli ako ng loob.

"Mahal na mahal kita, Rem. Marami na tayong pinagdaanan, nakabangon tayo sa lahat nang pagkakadapa natin noon. Hindi ito ang sisira sa pagmamahalan natin..."

"..."

"..."

"...hindi ang pagkakaroon mo ng Amnesia ang makakapagpahiwalay sa atin, hindi."

Sabi ko sa'king sarili.

----------------------------------------------
A/N: Pasensya na kayo kung medyo natagalan sa pag-update. Hahaha! Medyo nabangag lang ako sa kakaisip. So ayan na! Comment naman po kayo. Hindi ko na pahahabain pa ang love story nila Rem, Seb at Vince. 6-7 chapters na lang po ito. Suportahan niyo po sana ang story ko! Salamat!

Mahal Ko o Mahal Ako? [Boyxboy] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon