Chapter 5

1.1K 29 8
                                    

Seb----

"Oo, Seb. May nararamdaman na ko para kay Vince."

Halos gumuho ang mundo ko nang sabihin iyon sakin ni Rem. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya.

"P-pero hindi ko siya mahal. I mean, paghanga lang ang meron ako sa kanya." Nang marinig ko iyon ay nagkaroon ako ng pag-asang maging akin pa ang bestfriend ko, ang minamahal ko.

Oo, siya ang minamahal ko. Noon pa mang mga bata kami. Akala ko noon, hanggang crush lang pero hindi ko aakalaing mahuhulog ako sa kanya, sa bestfriend ko pa.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay naging maayos na ang lahat samin. Balik na sa normal. Hindi ko alam kung bakit nagagawa kong magselos kay Vince. Siguro sa paraan ng pagtingin ni Rem dito kaya ako nagkakaganito.

Dahil wala ang parents ko, dito muna ako sa bahay nila Rem nakitulog. Ganto naman lagi kapag wala sila. Kaya ganoon na lang kami ka-close ng parents ni Rem at maski siya.

Paggising ko pa lang, kumpleto na kagad ang araw ko. Katabi ko siyang matulog kapag dito ako tumutuloy. Masaya akong tinititigan ang mukha ng pinakamamahal ko. Hindi ko napansin na nakangiti na pala akong ginagawa yun. Para naman akong nahi-hypnotize nang madako ang paningin ko sa mga labi niya. Ang mapupula niyang labi, napakasarap halikan. Unti-unti kong nilapitan ang kanyang mga upang halikan nang biglang...

"Hmmm..." Ang pag-ungol ni Rem habang natutulog. Sa ginawang paggalaw nito ay napabangon ako. Napakalakas ng tibok ng puso ko. Parang matatanggal sa dibdib ko. Muntik na ko dun a? Hindi ko na talaga mapigilan tong nararamdaman ko para sa kanya.

Kaya naman pumunta muna ako ng banyo upang makapag-ayos ng sarili. Matapos iyon ay nagtungo ako sa dirty kitchen upang makapaghanda ako ng agahan namin ni Rem. Maagang umalis ang mga magulang ni Rem kaya wala na ang mga ito.

Simpleng hotdog, bacon at fried rice lang ang niluto ko dahil hindi naman ako marunong magluto maliban dito. Nang matapos akong makapaghanda sa lamesa ay narinig ko ang mga habag ng paa pababa sa hagdanan. Nang makapasok siya sa kusina...

"Good Morning, bessy! Nakapaghanda na ko ng almusal natin. Tara kain na tayo." Ang masaya kong bati sa kanya.

"Good Morning din, bessy! Diba, hindi ka marunong magluto bessy?" Ang nagtatakang tanong naman ni Rem.

"Oo, pero alam ko namang iluto to." Sabay turo sa mga pagkain sa lamesa.

Tango lang ang naging sagot niya. Kumain na kami at masayang nagkwentuhan ni Rem. Kapag kami ang magkasama, walang humpay na kulitan at harutan ang nagaganap. Habang kumakain...

"Bessy, punta tayo ngayon sa Mall. Wala naman tayong homeworks e." Ang pag-aya ko rito.

"Sige ba! Ang boring kasi sa bahay e. Mabuti na lang naisip mo yan." Ang sabi niya habang napakalawak ng ngiti. Ibayong saya naman ang hatid ng ngiti niyang yon.

Matapos kumain ay nagpresinta si Rem na maghugas ngunit tumutol ako rito. Sinabi ko na lang na maghanda na siya para sa pag-alis namin. Nagpaalam na rin kami sa magulang ni Rem na aalis muna kami.

Nang nasa mall na kami, agad akong hinila ni Rem papasok sa isang kilalang boutique ng mga damit. Mahilig kasi itong mamili ng mga damit kaya pag malungkot to, dito ko siya dinadala sa mall upang makapag-aliw.

"Bessy! Halika dito, tignan mo o! Ang cute nito di ba? Bagay ba sakin?" Ang tanong niya ng isukat niya ang damit. Napahanga naman ako rito dahil bagay nga sa kanya ang damit pati na ang kulay nito.

"Oo bessy! Bagay na bagay sayo." Sabi ko habang naka-thumbs up pa ang dalawa kong mga kamay.

Marami pa siyang sinukat at lahat din yun ay binili niya. Nakakatuwa lang siyang tingnan habang namimili. Lalo akong nahuhulog sa mga ngiti at halakhak niya.

Nang makapamili ay umakyat kami sa taas upang puntahan ang Timezone. Dito kami nag-ubos ng oras hanggang sa mapagod kami kakalaro. Marami nga ang napapatingin saming mga tao dahil mukha kaming magnobyo. Wala naman na yun samin ni Rem, pero siyempre pabor yun sakin. Hihihi.

Nang sumapit na ang tanghalian ay kumain kami sa isang fastfood chain. Halos hindi huminga sa pagkain si Rem dahil sobrang nagutom daw siya sa pagsha-shopping at paglalaro. Ngiti lang ang tanging tugon ko sa kanya.

Matapos iyon ay napagpasyahan naming manuod ng sine. Nang makita namin ang mga pwedeng panuorin, napili ko ang "Maria Leonora Teresa" dahil favorite ko ang horror movies. Kahit tutol si Rem dito ay wala siyang nagawa ng gamitan ko siya ng charms ko. Hahaha! Iba ka talaga, Seb!

Iniwan ko saglit si Rem upang pumila at bumili ng ticket namin. Nang makabili na ako ay bumalik na ako kung saan ko iniwan si Rem. Ngunit laking gulat ko ng hindi siya nag-iisa at parang may kasama. Teka, mukhang pamilyar yung mukha nun a?

Lumapit pa ko sa kanya upang malaman kung sino ang kausap niya ngunit laking gulat ko ng makita ko siya...

"Vince.." Ang tanging nabulalas ko ng makita siya.

Nagtatawanan pa ang dalawa na parang matagal na silang magkakilala. Kumirot ang dibdib ko sa nakikita. Nasasaktan ako na may ibang lalaking nakakapagpasaya sa kanya ng gaya ko.

Tiniis ko na lamang ang lahat at lumapit na sa kanilang dalawa.

"Nakabili na ako ng ticket natin. Tara na sa loob." Ang sabi ko sa kanya sabay pilit na ngiti. Gusto ko lang makaalis na rito kasama si Rem at iwan ang lalaking yan.

"A-eh, t-teka! Vince, nuod tayo ng sine! Para na rin makapagbonding tayo." Ang pag-aya niya dun sa Vince.

Tumaas naman ang kilay ko sa inasta ni Rem. Oo nga pala, nakalimutan ko, bestfriend na rin pala ang turingan nila.

"A-ah. S-sige!" Ang nauutal pang sabi nung Vince. Akala mo kung sinong mabait? E sinaktan nga niya yung mahal ko e! Upakan kita dyan e.

Umalis saglit si Vince upang bumili ng ticket niya. Matapos nun ay pumasok na kami sa loob. Ang naging pwesto namin ay si Rem ang nasa gitna, ako ang nasa kaliwa at si Vince naman ang nasa kanan ni Rem.

Nang magsimula na ang palabas ay pinokus ko ang sarili sa palabas. Gusto kong isipin na kaming dalawa ang magkasama at hindi kasama ang ungas na yon. Nang nasa climax na, ay puro sigawan at tilian na lang ang maririnig mo sa sinehan. Habang ako? Chill lang. Sanay na ko sa mga ganto. Hahaha!

Nawala lang ako sa pokus ng may marinig akong parang umiiyak. Nang tignan ko ay si Vince pala. Ano ba to? Bakla ata to! Tinalo pa ni Rem. Inalo naman siya ni Rem at parang may sinasabi. Sumikip naman ang dibdib ko sa nakikita. Dahil dun, mas binigyan kong pansin kung ano ang mga sinasabi ni Rem kay Vince. At dahil dun unti-unting dinurog ang puso ko...

"Shhh.. Tahan na Vince. Patawad kung nakalimutan kong hindi ka pala pwede sa mga ganto." Ang narinig kong sabi ni Rem.

"Andito lang ako...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

hindi kita iiwan."

At kasabay nun ang paghawak ni Rem sa kamay ni Vince. At tuluyan na ring bumagsak ang pinipigilan kong mga luha.

-----------------------------------

A/N: Hello sa inyo! Sana naman mapansin niyo tong story ko. HAHAHA! Follow me guys. Vote, comment, and share this story guys! Tonight will be P-Pop Love Songs Awards Night. Suportahan natin si Ms. KZ Tandingan sa kantang "Mahal ko o Mahal ako?" Osya. See you next update! Thanks!

Mahal Ko o Mahal Ako? [Boyxboy] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon