Last Chapter

841 16 8
                                    

[A/N: Hello sa inyo, readers! So, here's the last chapter. Salamat sa mga nagbasa, nagvote at nagcomment! Na-a-appreciate ko kayong lahat. Ang next update would be the epilogue. Mag-iwan sana kayo ng comment niyo. Abangan niyo ang epilogue. Marami kayong malalaman.

Also, I dedicate this chapter to uzumaki21migs. First collaboration ko po ito. Sana magustuhan ninyo! Basahin niyo rin po ang story niyang "Rival kong Sweet Lover." Salamat!]

Excited na akong mag-uwian. Halos hilain ko na ang oras dahil hindi na ako makapaghintay para sa celebration namin mamaya. Halos hindi ko na ma-focus ang sarili ko sa mga lesson namin. Hahaha! Eh ikaw ba naman makaranas ng ganto di ba? Ganito pala kasarap magmahal. Sana, wala ng katapusan ito.

"Mr. Villanueva! What are you doing there? Are you with us?" Tawag sa akin ng aming guro sa Algebra.

"Ahh-e S-sorry po, ma'am." Napangiti na lang ako ng patago sa inasta ko. Naku naman! Iba talaga tama sakin ni Seb. Nakaka-adik!

Matapos ang klase sa buong magdamag. Nagmamadali na akong lumabas ng aming kwarto. Sa sobrang excitement ko, tumakbo na ako papuntang parking lot upang hanapin ang sundo ko.

Alam naman ng driver namin kung saan ako pupunta ngayon dahil nakapagpaalam ako sa mga magulang ko kahapon.

Masaya ako dahil sinuportahan nila ang pagmamahalan namin ni Seb. Akala ko noon, hindi na mangyayari to. Akala ko noon, hanggang tingin na lang ako sa kanya. Akala ko noon, kaibigan lang ang turing niya sakin. Pero hindi pala.

Sumakay na ako at pinaharurot na ni manong ang sasakyan. Medyo madilim na rin ang paligid dahil pasado alas sais na ng gabi.

Hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng parang may masamang mangyayari.

Iwinaksi ko na lamang iyon at itinuon ang pag-iisip sa kung anong sorpresa ang gagawin ni Seb para sakin.

Napabalikwas naman ako ng marinig kong parang umuungol ang driver namin. Tinignan ko lang siya at halata ko sa kanya na may iniinda siya.

"Manong, may problema po ba?" Tanong ko. Nag-aalala na ako sa kanya. Hindi ko mawari ang mukha niya. Para siyang...nahihirapang huminga?

"Wa-wala." Sagot niya. Hindi na ako muling nag-usisa pa.

Ngunit makalipas lang ang ilang minuto ng biglang parang hinahabol niya ang hininga niya. Dun na ako na-alarma. Hindi ko alam ang gagawin ko. Paliko-liko na rin ang pagmamaneho niya sa hirap niya sa paghinga.

"Ma-manong! Ano pong nangyayari sa inyo?!" Pag-aalala ko.

Hindi siya sumagot sa akin. Sa halip, hinawakan niya ang kanyang dibdib at nawala ang atensyon sa pagmamaneho.

Ilang sandali lang nang sumalpok ang aming sinasakyan sa isang puno.

Boogsh!

"S-seb. Ma-mahal k-ko." Ang huli kong tugon and everything went black.

Napabalikwas naman ako ng bangon. Habol habol ko ang hininga ko. Napahawak ako sa aking dibdib sa bilis nang tibok ng puso ko. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto. Puro puti lamang ang makikita ko. Napansin ko rin na may nakatusok sa aking karayom. Nasa ospital pala ako.

T-teka? Anong nangyari sa akin? Bakit ako nandito?

Pilit kong inaalala ang lahat. Nag-flash naman sa aking isipan kaming tatlo nila Vince at Seb sa loob ng sasakyan. Mga naka-ayos kami. Oo nga pala! Ngayon ang kaarawan ni Kat. Dun dapat kami pupunta hanggang sa mangyari ang lahat ng ito.

Mahal Ko o Mahal Ako? [Boyxboy] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon