Chapter 12

827 15 15
                                    

[A/N: Last Chapter na next update. Sana suportahan niyo ang MKOMA hanggang sa huli. Abangan niyo kung ano ang mangyayari sa apat nating bida na sina Rem, Seb, Vince at Kat. 2 updates pa to including the epilogue. Sana magustuhan niyo. Osya, basa na!]

Vince--

Narito kami ngayon ni Rem sa Mall. Buti na lang at napapayag ko siyang sumama sa aking mamili ng gagamitin para sa debut ni Kat na gaganapin bukas. Akala ko, tatanggihan niya ako ngunit hindi pala.

Nagkaroon na rin kami ng closure about sa kung ano na lang ang meron kami. Nasabi niya sa akin na wala siyang nararamdaman para sa akin. Hanggang kaibigan lang daw ang pwede niyang ibigay sakin. Masakit pero kailangan kong tanggapin yun. Na hindi pwedeng maging kami. Dahil pagmamay-ari na siya ng iba. Pero hindi pa niya pwedeng malaman yun. Kusa dapat bumalik ang sa kanila ni Seb. Ang mga alaalang nagmamahalan pa sila ni Seb.

"Uyy! Natulala ka na dyan? Akala ko ba tutulungan mo kong mamili ng kung anong susuotin ko?" Si Rem. Halata naman ang pagkainis sa mukha niya.

Ngumiti na lang ako sa kanya't lumapit.

"Tara dun tayo." Nakangiti kong tugon sa kanya.

"Baliw na ata to? Matutulala tapos biglang ngingiti." Narinig kong sabi niya kahit mahina lang. Natawa na lang ako sa kanya.

Matapos naming makapamili ng mga gagamitin namin, niyaya ko siyang kumain sa isang kilalang fastfood chain. Humanap na siya ng pwesto at ako na ang um-order.

Habang nakapila ako, tinitigan ko muna siya. Kapansin-pansin sa kanyang may pinagdadaanan siya. Malungkot ang mga mata niya.

"Siguro kung nauna mo lang akong nakilala, ako siguro ang minahal mo no?" Sabi ko sa sarili ko. Pero imposible yun. Magkababata kayo kaya hindi rin mababago iyon. Kayo talaga ang nakatadhana. Sana nga lang, tadhana na rin ang gumawa ng paraan para bumalik ang ala-ala mo.

"Sir, can I take your order?" Tanong sakin ng crew na nagpabalik sa wisyo ko.

"O, sorry." Paumanhin ko. Sinabi ko na ang order ko at ilang saglit lang ng ibigay to sakin.

"Thank you, Sir! Enjoy your meal." Ngumiti naman ako sa kanya at hinatid na ang order namin sa table.

"Ang dami naman ata ng in-order mo?" Tanong niya sa akin.

"Syempre naman. Dapat magpakabusog ka. Maggagala pa tayo e." Sabay ngiti sa kanya.

"Hay nako. Bahala ka na nga. Haha." Sabay kain sa order namin.

Matapos naming mananghalian, niyaya ko siyang manuod ng sine. Gusto ko muna siyang magrelax. Ayoko munang isipin niya ang mangyayari kinabukasan. Kailangan niyang ihanda ang sarili niya.

"Di ba takot ka sa mga masyadong madidilim na lugar? Remember, last time?" Nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha niya. Parang hinaplos nito ang puso ko. Ngunit nang marealize kong bilang kaibigan lang ang turing niya sakin, hindi ko na naman naiwasang masaktan.

"Basta, hawakan mo lang ang kamay ko, mapapanatag na ko." Ngumiti ako sa kanya tanda ng okay lang ako.

"Oh sige, tara na." Hinawakan niya ang kamay ko sabay takbo. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Grabe talaga ang tama ko sa lalaking to. Nakakapang-abnormal. Hahaha!

Makalipas ang dalawang oras nang panunuod, hinila ko siya sa kotse ko. Kailangan kong tulungan si Seb. Siguro, eto ang paraan.

"Saan ba tayo pupunta ha?!" Inis na niyang sambit sa akin. Ngiti lang ang ganti ko sa kanya. Makalipas ang kalahating oras ng byahe, narating na namin ang destinasyon..ang park.

Kitang kita ko sa ekspresyon ng mukha niya ang lungkot na dinadala niya. Naging tahimik ang paligid. Binasag ko iyon ng magsalita siya.

"B-bakit mo ko dinala rito?" Tanong niya ngunit ang tingin niya'y nasa bintana ng kotse ko.

Mahal Ko o Mahal Ako? [Boyxboy] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon