Chapter 3

1.1K 25 0
                                    

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Isang linggong puno ng inis. Bakit? Pa'no ba naman? Ka-course ko ang damuhong si Vince. Hindi lang 'yon. Lagi pang tumatabi sa'kin ang gunggong. Idagdag mo pa ang pagbulong niya sa'kin ng kung anu-anong pananakot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung magsusumbong ako sa Dean namin. Syempre ba naman, representative siya ng first year, mataas ang tingin sa kanya dahil nga anak siya ng may-ari ng iskwelahang ito. Inikot ko na lang ang paningin ko sa loob ng room. Halos lahat ay may agenda. May ka-kwentuhan, ka-harutan, kalandian, at kung anu-ano pa. Naputol ako sa pag-iisip ng kausapin ako ni Dianne.

"Hoy bakla! Lalim ng iniisip a? Hulaan ko, si Vince na naman ba yan bruha?" Tanong niya habang pataas-taas pa ang kilay niya sakin. Nakakatuwa talaga 'tong babaeng to. Naalala ko tuloy yung nagpakilala sila ni Bryan samin.

~Flashback~

Maagang natapos ang klase namin ngayon. Malamang first day kaya halos pagpapakilala lang ang ginawa namin. Nakaupo kami ni Seb ngayon sa ilalim ng puno. Alas kwatro pa lang. Maaga pa para umuwi kaya andito kami para tumambay. Naputol ang katahimikan nang may magsalita sa likuran namin.

"Hello guys! Pwede bang maki-tambay din?" Ang sabi ng isang babae. Teka? Parang namumukhaan ko to a?

"Oo naman. Magkaklase naman tayo e. Saka hindi naman namin pagmamay-ari 'tong tambayan na to. Hehehe." Sagot ni Seb dun sa babae. Kaklase pala namin siya kaya mukhang pamilyar.

"Nga pala, ako si Dianne. Eto naman ang bestfriend ko, si Bryan." Pagpapakilala ni Dianne sa kanila. "Hello sa inyo." Ang nakangiti namang sabi ni Bryan samin.

"Tara kwentuhan tayo. Wala kasi kaming kaibigan dito kaya kung pwede kayo na lang." Ang pagsingit ko. Umupo sila sa harapan namin at nagsimula na ang kwentuhan. Napag-alaman namin na parehas pala kami ni Seb kila Dianne at Bryan. Mula bata kasi, sila na raw ang magkasama.

"Matanong ko lang a? Magsyota ba kayong dalawa?" Ang biglang tanong ni Dianne. Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahang itatanong niya yun. Mukha ba kaming magsyota ni Seb?

"Naku, hindi. Magbestfriend kami kaya ganto kami ka-close." Ang sagot ko kay Dianne. "Ahh." Ang tanging sagot na lang niya.

"Rem, di ba bakla ka?" Ang tanong na naman ni Dianne. Napanganga ako sa tanong niya. Nung una, magboyfriend kami ni Seb ngayon naman, ang pagiging bakla ko.

"Oo." Ang nakangiti kong tugon sa kanya. "Wow! Magiging masaya to! Hahaha! Gustong gusto ko kasi ng kaibigang bakla. Ayoko sa mga babae, masyadong insekyora." Ang sabi niya habang nakapamaywang at may paikot-ikot pa ang mga mata.

Nagtawanan kami sa inasal ni Dianne maliban kay Bryan. Nakatitig siya sakin. Actually, nawi-wirduhan ako rito sa isang to e. Kanina pa titig na titig sakin.

Nang mag-uwian na kami ay nagsipagpaalam na kami sa isa't isa. "Bakla! Bukas ulit a? Parehas naman lahat ng sched natin kaya for sure! Lagi tayong magsasama! Hahaha!" Ang ligalig pala neto? Dinaig pa ko e? Tapos maka-bakla, so kelangan talagang ibroadcast?

"Maka-bakla ka naman! Hahaha! Buti na lang walang nakarinig." Sabay hampas sa braso niya pero mahina lang. Hindi naman ako brutal. Hahaha! At naghiwalay na ng landas.

~End of Flashback~

"Ay nako, wag mo nang itanong bruha! E alam mo namang siya lang kinaiinisan ko rito." Sagot ko habang naka-pout. Nakakaasar kasi talaga yung lalaking yun.

"Wag mo na lang pansinin kase. Ikaw lang mai-stress niyan e. Ang ganda mo pa namang bakla. Androgynous." Ang sabi niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya. Marami na kasing nagsabing androgynous daw ako. Sabi ko na nga ba e, maganda ako. Hahaha!

Napatingin naman ako sa harapan ng pumasok ang lalaking ayokong makita sa tala ng buhay ko, si Vince. Nilibot ng kanyang paningin ang kwarto at dumako ang tingin niya sakin. Tinawag niya ko.

"Mr. Rem Villanueva, would you please follow me at the students council office. Kailangan ko ang tulong mo." Ang dire-diretso niyang sabi sabay labas ng kwarto. Napatingin naman ang lahat sa akin. May mga nagbubulungan at parang mga bubuyog, meron namang mga naka-taas ang kilay na akala mo e, naagawan ng syota. The hell? Hindi ako magkakagusto sa damuhong iyon.

"Susunod ka ba sa kanya? Wag na lang kaya?" Si Seb na mukhang nag-aalala. Ngumiti ako sa kanya at tumungo. Pero bago pa man ako makatayo ay hinawakan niya ang kamay ko. "Kapag may ginawa siya sayong hindi maganda, sabihin mo agad sakin, malilintikan siya."

"Oo naman. Ikaw ata ang bestfriend ko." Matapos sabihin iyon kay Seb ay dumiretso na ko sa students council office. Pagbukas pa lang ng pinto ay tumambad na sa akin ang nakabusangot na mukha ni Vince. Anong problema ng damuhong ito?

"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ko nag-aantay sayo dito. Ayoko ng pinaghihintay!" Singhal niya sakin. Mabuti na lang walang tao ngayon kaya nakasagot ako. "Hoy! Ano bang problema mo sakin?! Tsaka sinabi ko bang mag-antay ka?! Hindi naman ako um-oo kanina a?!" Singhal ko rin sa kanya. Nakita ko naman ang pagyukom ng mga kamao nito, nagsimula naman akong mangatog dahil alam ko kung paano ito magalit. Unti-unti siyang lumapit at ng makalapit na siya ng husto ay napapikit na ko. Sobrang bilis ng takbo ng puso ko. Mabilis ang naging pangyayari. Namanhid ang pisngi ko sa ginawa niyang pagsampal niya sakin. Masakit yon, sobra.

"Ayoko ng sinisigawan ako. Saan ka ba nakakakuha ng lakas ng loob para labanan ako ha?! Wala kang karapatan!" Sigaw niya sakin. Dahil dun, sunod-sunod ang pag-agos ng luha. Sa tala ng buhay ko, ngayon lang ako nasampal. Hindi yon ginawa sakin ng mga magulang ko, pero siya? Nagawa niya.

"Wag ka ng umiyak dyan bakla! Simulan mo ng gawin tong mga ipapagawa ko sayo!" Dahil dun ay napapitlag ako at naging sunod-sunuran na lamang. Hindi ako makapag-concentrate dahil sa nangyari. Ang gusto ko na lang ay makaalis na rito sa lugar na to.

Nang matapos ko na ang mga pinapagawa niya ay nagpaalam na ko. Ngunit ng hilain ko ang pinto ay hindi ko mabuksan. Nilakasan ko pero hindi pa rin to mabuksan. Patay na. Mukhang may naglock samin dito sa loob. Nako naman! Wala pa naman dito yung cellphone ko. Naiwan ko sa bag.

Nang mapansin ni Vince na hindi pa rin ako nakakalabas ay tinanong niya ko. "O bakit hindi ka pa lumalabas? May problema ba?"

"Yun-g p-int-o k-asi, a-ya-w m-mabuksa-n." Ang pautal-utak kong sabi sa kanya.

"Ano? Umalis ka nga dyan! Ako ang magbubukas." Lumapit siya sakin at tinulak ako ng marahan. Ilang beses na niyang pinihit ngunit hindi pa rin bumubukas ang pinto. "Shit! Sino namang gagawa nito? Malalagot sakin yun!" Inis niyang sabi.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya ngunit bago pa man niya ito magamit, na-lowbat na. Inis niyang hinagis ang cellphone niya sa kung saan. "Shit! Hindi to pwede!" Frustrated niyang sabi sa sarili. Tahimik ko lang siyang tinititigan sa pwesto ko at bigla na lang siyang napatingin sa akin.

"Hoy bakla! May cellphone ka bang dala?" Tanong niya sakin.

"W-wala." Tugon ko. "Alam kong tinatago mo lang dahil gusto mo kong masolo rito! Sasabihin ko sayo, wala akong panahon sa gaya mong bakla! Salot ka! Salot! Kaya ibigay mo na yang cellphone mo para makalabas ka na!" Nagsimula na naman akong manginig sa takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Unti-unting nababawasan ang agwat namin sa isa't isa at ng akmang ku-kwelyuhan na niya ako ay biglang...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
namatay ang mga ilaw.

-------------
A/N: Pasensya na po kung ngayon lang nakapag-update. Medyo busy sa requirements for OJT e. Guys, keep reading and please support this story. Vote and comment naman po kayo (nagmamakaawa ako.) hahaha! Pasensya rin kung medyo maikli tong chapter na to. Sa susunod pong chapter ako babawi. Salamat readers! Pa-follow din po.

Mahal Ko o Mahal Ako? [Boyxboy] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon