Chapter 6

1K 24 4
                                    

Rem--

Narito kami ngayon sa sinehan at nanunuod ng horror movie. Ewan ko ba rito kay Seb, ang hilig sa horror! Sakit kaya sa utak yan pag matutulog na! Maaalala mo sila, malay mo nasa ilalim lang pala sila ng kama mo? O kaya nasa loob naman ng cabinet? Kung ako yun, titili ako ng mala-Mariah Carey, at least may harmony.

Nung nasa climax na, halos lumabas na mga lalamunan ng mga tao rito. Wagas kamatili e! Sakit sa eardrums! Nawala ako sa pokus nang may marinig akong parang umiiyak. At ganun na lang ang gulat ko nang maalala kong takot nga pala si Vince sa madidilim. Nai-kwento rin niyang ayaw niya ng mga horror movies! Patay! Shonga mo Rem!

Inalo ko siya hanggang sa tumahan. Hinawakan ko ang mga kamay niya para hindi na siya matakot. Mukhang effective naman kase tumahan na rin siya.

Nang lingunin ko si Seb ay laking pagtataka ko ng wala na siya sa tabi ko. Hala ka? San na nagpunta yon? Baka naman pumunta lang sa CR? Oo nga. Baka nag-CR lang.

Natapos na ang movie at nakalabas na rin sa sinehan pero wala pa ring Seb na dumadating. Nagtaka naman si Vince kung bakit nawala si Seb.

"O? Asan na yung bestfriend mo?" Tanong ni Vince.

"Ewan ko nga e. Bigla na lang nawala? Hindi man lang nagpasabing aalis na siya. Nakakainis talaga yung lalaking yun." Sagot ko kay Vince.

Dahil hindi na bumalik si Seb, nag-ikot ikot na lang kami ni Vince. At nang mapagod na ay nagpaalamanan na kami at umuwi.

Nang makauwi, dumiretso ako sa kwarto ko upang makapagpahinga na. Alas sais na rin ako nakauwi a? Grabeng gala buong magdamag? Hahaha!

Nang maalala ko si Seb, nainis naman ako! Nakakaasar siya a? First time siyang umalis ng walang paalam? Ganun ba talaga ka-emergency yung tumawag sa kanya kaya pati pagpaalam hindi na nagawa? Bwiset!

Kaya ang ginawa ko, hindi ko siya tinext. Hindi ko tinanong kung san siya nagpunta. Mamaya makaabala pa ko. Malay ko ba kung may ka-date yung mokong na yun? Ako pa sisihin pag nasira ko di ba? Bahala siya sa buhay niya!

Natulog na lang ako para makapagpahinga na.

------------------------

Seb--

Nang marinig ko ang mga sinabi ni Rem kay Vince, hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa lugar na yon. Mababaw na sa kung mababaw. Pero nasasaktan na ko. Simula ng dumating yang Vince na yan, feeling ko nawawala na yung bestfriend ko. Possesive na kung titignan pero...ganun ko siya kamahal.

Pumunta ako sa isang kaibigan na alam kong hindi ako ipagpapalit. Siguro para sa akin, kaibigan lang pero para sa kanya, iba ang tingin niya sakin.

Nagdoor bell muna ako hanggang sa may lumabas na maid nila.

"Sir Seb! Napadalaw ho kayo? Pasok po kayo nasa may kwarto niya lang siya." Ang nakangiting bati sakin ni Manang.

"Sige po, salamat!" Ang tugon ko.

Dali-dali akong umakyat sa kwarto niya. Kumatok muna ako sabay pihit sa doorknob. Naabutan kong hawak niya ang laptop niya. Nabaling naman ang tingin niya sakin sabay ngiti.

"Seb! Long time no see!" Sabay takbo papunta sakin at yumakap.

"Katrina..." Ang tanging bulalas ko.

-----------------------------

Narito kami sa pool area ng bahay nila. Hindi maitatangging mayaman talaga ang pamilya nila. Dito rin namin napiling kumain ng meryenda.

"Ano nga palang sadya mo rito, Seb? Ba't ganyan mukha mo? Para kang natalo sa sugal a?" Ang takang tanong niya sakin.

"Kasi...si Rem, Kat..." Ani ko.

"Anong nangyari kay Rem? Alam na ba niya?" Ang sunod sunod niya tanong.

"No, hindi pa niya alam. At mas mabuting itago ko muna." At kinuwento ko sa kanya ang lahat-lahat. Nakakatuwa lang dahil kahit papano, nagagawa ko pa ring sabihin sa kanya itong nararamdaman ko para kay Rem kahit na, alam kong may nararamdaman siya sakin. Oo, maganda si Katrina, sexy, makinis ang balat, mayaman, mabait, lahat na yata ng magagandang traits ay pwedeng ikabit dito sa kanya pero sadyang si Rem ang tinitibok ng puso ko noon pa man...hanggang ngayon.

"Alam mo, kailangan na nating gumawa ng paraan. Hindi pwedeng ganun na lang mangyayari. Sasayangin mo ba yung nakaraan niyo?" Inis na sabi ni Kat.

"Syempre hindi ko sasayangin yun. Hindi ko alam kung pa'nong paraan ang gagawin natin. Akala ko noon, kapag nagpakilala akong bestfriend niya, babalik ang dati." Ang malungkot kong tugon.

"May isa pa kong naiisip na paraan para maibalik ang dati. Susuko ka na ba kagad? Akala ko ba mahal mo si Rem? Kung mahal mo siya, ipaglalaban mo siya! Gagawin mo ang lahat!" Nagulat ako sa mga sinabi niya. Oo nga, dapat ipaglaban ko siya.

Mula ng ipagtapat ni Rem sakin na may nararamdaman na siya kay Vince, hindi na ko natahimik. Dinamdam ko ang lahat ng yon dahil natatakot akong mawala na siya sakin ng tuluyan. Mahal na mahal ko siya kaya marapat lang na gawin ko ang lahat.

"Anong paraan naman yan?" Ang taka kong tanong.

"You'll see. Ibabalik natin kung anong marapat na para sayo...noon pa." Sabay ngiti ng nakakaloko.

-----------------------------

Vince--

Hindi ko alam pero may iba akong nararamdaman. Bago to sakin. Hindi naman ako nakikipagkaibigan sa kahit kanino. Dakilang loner lang talaga ako noon pero mula ng makita ko si Rem, nagbago ang lahat. Parang gusto ko siyang kaibiganin kahit na bakla pa siya. May kung ano sa loob ko na humahatak papunta sa kanya. Weird kung tutuusin pero yun ang nararamdaman ko.

Kaya nung una, sinungitan ko siya hindi ko naman alam na lumalaban din pala to. Palabas ko lang noon ang lahat. Bibiruin ko lang sana siyang susuntukin pero bigla namang umeksena ang kaibigan niya. Hindi ko na tuloy nasabing biro lang naman iyon.

Akala ko noon, hindi ko na siya makikita. Pero nagkamali ako, naging magka-block pala kami kaya lagi ko siyang inaasar. Pero syempre, hindi pa rin ako nagpahalata sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw na magkasama kami sa office ng Student Council ng kami lang dalawa.

Mainit talaga ang dugo ko nun dahil sa badtrip. At nagulat na lang ako sa ginawa ko sa kanya, napagbuhatan ko siya ng kamay. Dahil nga hindi ko alam ang paghingi ng sorry, hindi ko ginawa. Tinuloy-tuloy ko na lang dahil wala na kong magagawa. Nagawa ko na. Nasaktan ko na siya.

Pero, hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari, namatay ang ilaw at na-lock kami sa loob. Halos mamatay ako sa nginig noon. Takot ako sa dilim. Kung bakit? Hindi ko alam. At dahil din nun, naging maayos ang samin ni Rem. Ewan ko, laking pasasalamat ko't mabait na tao si Rem. Kung iba yon? Nako! Tinakot pa ko lalo.

Kakauwi ko lang at nandito ako sa garden namin, nagmumuni-muni. Iniisip ang mga nangyari. Ang bilis nga e. Naging magbestfriend kami kagad. Hindi ko lubos maisip na bakla pa ang una kong magiging kaibigan.

Iniisip ko rin tong gumugulo sa sistema ko. Ewan ko, pero parang may kung ano akong nararamdaman kapag andyan si Rem. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Mukhang na-wrong move ako a..."

"..."

"..."

"...nahuhulog na pala ako sa kanya."

Mahal Ko o Mahal Ako? [Boyxboy] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon