Chapter 2

1.6K 34 0
                                    

Dalawang buwan ang mabilis na lumipas na bakasyon. Wala namang akong ginawa kundi sa bahay lang, konting gala kasama ang mga dati kong kaklase, ngunit madalas, si Seb. Halos dito na nga tumira yung mokong na yun e. Minsan nakiki-sleep over. Buti hindi siya pinapagalitan ng Mommy niya? Sabagay... Sa tapat lang naman yung bahay nila. Hahaha!

Sa loob ng dalawang buwan, lagi na lang akong tulala. Iniisip ko pa rin yung nangyari sa school nung nag-inquire kami. Oo, normal lang sigurong kabahan sa tuwing maaalala mo yun. Ikaw ba namang makabanggaan mo ang anak ng may-ari ng school, di ka kakabahan? Tibay mo te a?! Hahaha! Pero, ang lubos kong pinagtataka ay sa tuwing naaalala ko yun, iba yung nararamdaman ko. Lalo na kapag naaalala ko ang magandang mukha ni Vince. Laging bumibilis ang tibok ng puso ko. Para bang nakikipagkarerahan? Ngayon ko lang to naramdaman. Bakit kaya? Hindi kaya...

May sakit na ko sa puso?!! Mamamatay na ko, ganon?! OMG!! Di ko pa keri yun! Magkaka-boyfriend pa ko! Hahaha! Pero bakit nga kaya... Nakakapagtaka.

"Hoy Rem!" Pagtawag sakin ni Seb. Andito kami sa kwarto ko e. Nakahiga lang. Bukas na kasi simula ng pasukan. Lalo tuloy akong kinabahan. Baka kasi makita na naman namin si Vince e. "Hmm.." Pagtugon ko. "Tulala ka na naman. Ilang araw ka ng ganyan a? Iniisip mo pa rin ba yun? Wag ka ng mag-alala. Magkaklase naman tayo sa lahat ng subject natin e. Hindi ka nun magagalaw. Iwasan na lang natin siya." Puno ng pag-aalala ang mga sinabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya. Wala talaga akong maitatago sa bestfriend ko. Alam niya kung kelan ako nangangamba. Hindi niya talaga ako pinapabayaan. Ang swerte ko no? Hindi lang siya mabait, pogi pa. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon, wala pang girlfriend to.

Saglit ko siyang tinignan saka binalik ang tingin ko sa kisame. "Ok lang ako. Wag mo na kong intindihin. Kaya ko ng sarili ko, Seb." Naramdaman ko namang tumingin siya sakin. Alam kong nag-aalala siya pero kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Dapat maging matatag ako. Pano na lang kung magka-girlfriend na siya? Edi, hindi na niya ko makakasama lagi. Kaya dapat ngayon pa lang, matuto na ko. Matutong...lumaban.

"Oo nga pala, bessy. Napapansin ko lang a. Bakit hanggang ngayon, wala ka pa ring pinapakilala saking girlfriend mo? O kaya nililigawang babae?" Out of curiosity kong tanong sa kanya. Nakakapagtaka e. Tsaka para maalis na rin sa isip ko yung kabang nararamdaman ko para bukas. "Kase, may mahal ako ngayon e. Kaso, hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya kase natatakot ako na baka layuan niya ko. Ayoko nun, gusto ko lagi ko siyang kasama. Kaya kahit magkaibigan pa lang kami ngayon, tinitiis ko ang lahat para makasama siya." Mahaba niyang litanya. Alam kong seryoso siya sa oras na to. Kakaiba talaga ang lalake pag nagmamahal. Sino kaya yung babaeng yun? Kakilala ko kaya? Ang swerte naman niya.

"Kakilala ko ba yan? Sabihin mo naman sakin!" Pamimilit ko sa kanya. Nagmamahal na pala to, hindi ko man lang nahalata? Hahaha! Baliw kase e. "Oo, kilalang kilala mo siya." Sagot naman niya. "E sino nga?" Tanong ko pa rin.

"Malalaman mo rin yun...sa tamang panahon." Nang marinig ko ang sinabi niya, bumilis ang tibok ng puso ko. Hala, ano na naman to? Baka talaga may sakit na ko sa puso. Wag naman talaga sana.

--------------------

Kinabukasan, maaga akong gumising para makapaghanda na. Syempre, mixed emotions na naman ang lola niya. Kinakabahan, na-eexcite, natatae, nauutot. Hahaha! Syempre joke lang yung dalawang huli. Matapos gawin ang aking daily routine pagkagising, bumaba na ko para makapag-almusal. "Good Morning Momski!" Bati ko sa kanya. Oha? Ang jologs ng tawag ko sa mama ko no? Well, ganyan talaga. Mahal ko e. "Good Morning din, baby girl!" Kitams? Ganyan ang tawag niya sakin. Tanggap na tanggap talaga ako ng pamilya ko. Ang saya! Hahaha! "Nasan po si Popski, Momski?" Pagtatanong ko sa kanya. Ang aga-aga pa lang, wala na kagad? Over a? "Naku, baby girl, maagang pumasok e. Tara na, mag-almusal ka na't papasok ka pa sa school." Pagsagot niya sakin. Tumango na lang ako bilang tugon.

Mahal Ko o Mahal Ako? [Boyxboy] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon