Chapter 11

792 20 2
                                    

[A/N: Pasensya na po kayo sa update ko ha? Pagbigyan niyo na. HAHAHA. Please, I need your comments. Magcomment po kayo. Kailangang kailangan ko po ng comments guys. Salamats! Hanggang sa huli, sana basahin niyo. Abangan niyo ang mangyayari kila Rem, Vince, Seb at Kat.]

Vince--

Ilang araw ko nang napapansing parang may kakaiba kay Rem. Lagi na lang siyang tulala tuwinh klase. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang bigat na dala-dala niya. Hays. Kailangan ko siyang kausapin. Sa ngayong wala sa tabi niya si Seb, ako dapat ang nasa tabi niya. Tama. Kailangan niya ako. Gagawin ko ang lahat para sa minamahal ko.

Katatapos lang ng huling klase namin ngayong araw. Kailangan ko nang simulan ang dapat kong gawin. Tumayo na ako upang lapitan si Rem.

"Rem, halika na. Hatid na kita pauwi." Ang nakangiti kong tugon sa kanya.

Tumingin siya ngunit binawi niya rin iyon. Inayos niya ang kanyang mga gamit at tumayo na.

"Kaya ko na ang sarili ko. Hindi mo na ako kailangang ihatid pa." Malamig niyang tugon sa akin.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng oras na 'yon. Hindi ko alam kung bakit na lang siyang biglang nagbago sa akin.
Tumalikod na siya't nagsimula na siyang maglakad palayo ngunit pinigilan ko siya sa pagyakap ko sa kanya mula sa likuran.

"Bakit? Ano bang problema, Rem? Bakit hindi mo sabihin sa akin? Makikinig ako." Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Ang sakit pala kapag bigla na lang nagbago ang pakikitungo sayo ng taong mahal mo.

Hindi siya sumagot sa halip tinanggal niya ang pagkakalingkis ng aking mga kamay sa kanya. Akala ko, wala ng sasakit pa sa pagiging cold niya sakin. Pero nagkamali ako. Hindi ako nakapaghanda sa mga salitang sunod niyang binitawan.

"Itigil mo na yang ginagawa mo. Ayoko na. Hindi kita pwedeng sagutin. Hindi kita mahal." Dire-diretso niyang sabi sakin. Halos manigas ang buong katawan ko sa kanyang mga sinabi. Sobrang sakit ang naidulot nito sa akin. Hindi ko na pinigilan ang mga luha ko.
Natulala ako sa nangyari. Nanlalabo na ang paningin ko ng dahil sa mga luha ko. Sobrang sakit pala kapag nalaman mong hindi ka kayang mahalin ng taong mahal na mahal mo.

---------------------------------------

Seb--

Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa namin ni Kat. Oo. Plinano namin ang lahat ng 'to. Mula sa pagiging mag-girlfriend, pagiging sweet at ang ipakita kay Rem ang halikan namin. Nung una, naghesitate ako dahil parang ginagamit ko lang si Kat pero siya na rin ang may sabing gusto niya kaming tulungan ni Rem. Gusyo niyang maibalik ang dating kami.

~Flashback~

Pauwi na sana kami ni Kat ng makita niya si Rem sa may hagdan. Hinila niya ako malapit roon.

"Seb! Andito si Rem. Kailangan na nating gawin ang susunod na plano." Sabi niya ngunit mahina lang.

Nagdadalawang-isip pa ako nun dahil ipinangako ko kay Rem na siya lang ang hahalikan ko't wala ng iba. Naputol ang pag-iisip ko ng bigla na lang niya akong halikan. Nagulat ako nun ngunit pinandilatan na lang ako ng mata ni Kat. Wala na akong nagawa kundi ang plano. Nang maputol ang halikan namin, tumingin ako kay Rem ngunit nakita ko na siyang tumatakbo palabas ng building. Hinabol namin siya ni Kat ngunit bigla na lang siyang naglahong parang bula. Nasan na kaya yun?

Napa-buntong hininga na lamang ako sa nangyayari sa amin. Kailangan kong gawin ang lahat, maibalik lang ang mga ala-ala niya. Kung kine-kailangan kong saktan ang damdamin niya, gagawin ko, magising lang ang puso niyo.

Nabalik naman ako sa wisyo nang tapikin ni Kat ang balikat ko. Napalingon ako sa kanya. Nagtaka naman ako kung bakit siya naka-ngiti. Loka-loka na ata to ah?

Mahal Ko o Mahal Ako? [Boyxboy] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon