Chapter 4

1K 27 2
                                    

Sa gulat ko ay napa-upo na lang ako sa kinatatayuan ko. Shems! Wala akong makita. Sobrang dilim dito. Sino kayang gumawa ng to?

"R-rem.." Sabi ni Vince na parang...nanginginig? Hala? Takot siya sa dilim?

"A-asan k-ka? T-takot s-sa dilim." Sa pag-alala ko sa kanya, hinanap ko agad siya. Siguro nga nasaktan niya ko pero hindi naman pwedeng takutin ko lalo to. Mamaya niyan may mangyari pa rito ako pa sisihin. Nahanap ko agad siya't hinawakan ang mga kamay.

Ngunit nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. At...umiiyak? Totoo ba to? E kalalaking tao. Hay. Hayaan na nga lang.

"W-wag k-kang a-aalis ah? D-dito k-ka l-lang. A-ayoko s-sa d-dilim." At lalo pang humigpit ang pagyakap niya sakin. Niyakap ko na lang din siya. Halos dikit dikit ang aming mga katawan. Nararamdaman ko rin ang bawat hininga niya na sadya namang nagpapalakas ng tibok ng puso ko.

"Hinding hindi kita iiwan, Vince." Ang sabi ko na lang.

Mahabang katahimikan ang namagitan samin. Wala akong naririnig kundi ang bawat paghinga lang namin at ang tibok ng puso ko. Nabasag naman ang katahimikan ng magsalita siya.

"R-rem." Pagtawag niya sakin. "Hmm? Bakit?" Sagot ko.

"S-sorry nga pala sa nagawa ko kanina. Mainit lang talaga ang dugo ko sa mga gaya mo. Ayoko kasi sa mga bakla. Lalo na dun sa mga mapagsamantala. Kaya lahat ginagawa ko para lumayo sila sakin." May kung ano naman ang kumirot sa aking dibdib. Yun pala ang dahilan kung bakit niya ako kinamumuhian.

"P-pero wag kang mag-alala. Hindi ko na uulitin yun sayo. Akala ko kasi kagaya ka nila. N-nagkamali pala ako. S-sorry ulit, Rem." Pagpapatuloy niya. Dahil dun, napangiti ako. Oo nga't nasaktan niya ko, pero tao lang din siya, nagkakamali. Siguro, eto na yung chance namin para makapagsimula muli ng bago.

"Ayos lang yun. Gusto mo lang din namang protektahan ang sarili mo e. Pero sana, sa susunod, wag ka ng mananakit ng ibang tao, lalaki man, babae, bakla, o kahit tomboy. Kase, wala naman yan sa kasarian e. Oo nga, hindi lahat mabubuti pero hindi lahat masasama." Mahaba kong paliwanag sa kanya. Gusto ko kasing imulat siya sa mundo naming nabibilang sa LGBT. Dapat marunong siyang tumanggap.

"S-salamat. Hmm..so, friends na tayo a? Ay, p-pwede b-bang b-bestfriends na l-lang?" Pautal-utal niyang sabi sakin. Kung tutuusin, mabait namang tao si Vince e. Yun nga lang, hindi niya kami tanggap, noon pero alam kong tanggap na rin niya kami ngayon.

"Oo ba! Para marami na kong bestfriends dito sa school." Nakangiti kong tugon sa kanya. Kahit hindi man niya makitang masaya ako, at least naipadadama ko sa kanya.

"Sa wakas, nagkaroon din ako ng kaibigan dito. Hahaha!" Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Sa unang pagkakataon, narinig ko siyang tumawa. Ang sarap sa pakiramdam.

Marami pa kaming napagkwentuhan. Nalaman kong wala pala talagang girlfriend. Sinabi niya lang yun para hindi siya kulitin ng mga babae rito sa school. Ang daddy niya, andun sa ibang bansa dahil andun naka-base ang business nila. May katiwala pala ang daddy niya rito para magpatakbo ng iskwelahan.

Nalaman ko ring wala na rin ang mommy niya. Namatay daw ito sa panganganak sa kanya. At ang nakakalungkot pa, only child lang siya kaya mag-isa lang siya sa bahay nila. Siguro kaya walang kaibigan si Vince dahil wala siyang kapatid. Maids at driver lang daw ang lagi niyang nakakasama.

Marami rin akong nai-kwento sa kanya. Naikwento ko rin ang barkada sa kanya. Sabi ko, ipapakilala ko siya sa kanila para maging magkaibigan na rin sila. Hindi pala siya masama gaya ng iniisip ko noon.

Tahimik ang paligid nang bumukas ang pinto at iniluwa si Manong Jeremy, isa sa mga janitor ng school.

"O? Gabing-gabi na, andito pa kayong dalawa? Ano bang ginagawa niyo dyan?" Takang tanong ni manong Jeremy.

Mahal Ko o Mahal Ako? [Boyxboy] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon