Chapter 2

4.8K 30 0
                                    

PAGTAPOS NAMING makapananghalian, nagpunta na si Janus sa bakanteng lote na nilagyan ng ring na malapit lang sa bahay namin para maglaro ng basketball. Binibigyan naman kami nina Mommy ng dalawang oras na maglaro bago patulugin sa hapon kaya pagkatapos kong magsuot ng maluwang na tshirt at palda tsaka i-pony tail ang buhak ko, nagpasya na lang akong sundan si Janus.

Hindi ang mga naglalarong sina Janus ang pumukaw ng atensiyon ko pagdating kundi si Rhina na nakasuot ng shorts at sandong pambasketbol tutok na tutok sa panonood ng laro. Nakangiti akong lumapit sa kaniya.

Nang mapansin niya ang presensiya ko, tinapunan ako ng tingin saka ngumiti. “Emely pangalan mo ‘di ba?”

“Alam mo?” sa hiya ko kanina hindi ko na nakuhang magpakilala.

Lumuwang pagkakangiti ni Rhina. “Kita ko sa ID mo.” Tama siya at parang hindi na ID ang sa amin kundi name tag na. Tumingin siya ulit sa mga naglalaro. “Gusto ko ding maglaro, ayaw lang akong isali ng kapatid mong si Janus.”

Tumango ako. “Parehas pala tayo. Gusto ko nga ring maglaro niyan pero ayaw ni Mommy, gusto ko rin magkaroon ng sariling bola pero para sa lalaki daw iyon at ang ibinili sa akin e iyong Barbie doll at bahagya ko ng napapayag na bilhin din si Ken.” Mabilis akong nakaisip ng suhestiyon. “Kung gusto mo Rhina maglaro na lang tayo ng Barbie doll sa amin.”

Disgusto ang ekspresyong ng mukhang napatingin sa akin, parang sa isang hinainan ng pinakainaayawang pagkain. “Hindi ako naglalaro ng manyika.”

Natameme ako at nang makita niya ang disappointment sa aking mukha, lumambot ang kalooban niya. “Okay sige. Payag na ako. Mukha namang tatanghod lang ako dito hanggang matapos silang maglaro.”

Tatlong bahay lang pala ang pagitan ng bahay nila Rhina sa amin nang ituro niya pagdating namin sa labas ng gate. “Nasa inyo ba magulang mo?” tanong ko sa kaniya.

“Wala. Si Yaya lang at ang driver, gabi na sila palagi dumadating galing trabaho.”

Binuksan ko ang gate at pinauna siyang pumasok. “Parehas lang pala tayo,” tugon ko saka muling inilapat ang gate.

Tumuloy na kami sa aking silid. Binistahan muna niya ang palibot ng aking kwarto bago siya umupo sa gilid ng kama. Mukhang hindi ayon sa panlasa niya ang puro pink na kulay, mula sa pintura ng dingding, kisame, bedsheet, cabinet, frame ng salamin pati mgawall decors ay may touch of pink. Kung ako lang ang masusunod gusto ko sana asul.

Inilabas ko ang Barbie, mga accessories at doll house saka ko siya niyayang maupo sa puting carpet na nakalatag sa sahig paharap sa akin. Kita ko ang kawalan ng interes sa mukha niya. Pero nakakatuwang pinagbibigyan niya ako kahit siya napipilitan.

“Heto sa iyo,” sabay abot sa kaniya ng manyikang si Ken. “Ikaw iyan at kamukha mo. Ako naman si Barbie.”

Doon lang siya medyo nagkainteres maglaro ng bahay-bahayan na umabot lang ng ilang minuto. Ilang minuto na ikinatuwa ko na rin. Ilang minutong kasama sa mga tatatak sa aking memorya bilang unang laro namin ni Rhina.

Sa muling pagkainip tumayo siya at nag-unat-unat. Biglang nanlaki ang mata sa tuwa nang masilip mula sa nakabukas na jaluosies ng bintana ang swimming pool sa labas ng bahay namin. ‘Wow! Emely pwede ba tayong maligo sa pool ninyo?”

Nakakahawa ang tuwa sa kaniyang mukha. “Oo naman, tara!” ayon ko at bago lumabas ng bahay nagpatugtog muna ako ng radyo at nilakasan para marinig namin hanggang labas.

Pagdating namin nasa pool, nagulat ako ng hubarin niya lahat ng damit. “May pool kami sa dating bahay pero itong bago wala.” Tumalon siya sa tubig at ilang saglit saka umibabaw. “Ano pang ginagawa mo Emely, hubad na.”

“Ayaw ni Mommy ng nakahubad pag naliligo sa swimming pool,” puno ng pag-aalalang tugon ko sa kaniya.

“Tayo lang naman ‘di ba?”

Iyon ang unang pagkakataon na sirain ko ang pramis ko kay Mommy. Iyon din ang unang pagkakaton na naging masaya ako mula nang mamatay ang aking mga magulang. Ngumiti ako at tumawa ng walang halong pagbabalatkayo habang kapwa hubo’t hubad kami ni Rhina na lumangoy at nagkulitan sa pool. Narinig kong tumugtog sa radyo ang ‘I Want To Know What Love Is’ na kasikatan ng mga panahong iyon.

~~~

I'm gonna take a little time
A little time to look around me
I've got nowhere left to hide
It looks like love has finally found me
~~~

Naging simula iyon ng pagiging matalik na magkaibigan namin ni Rhina na bumuo ulit ng aking pagkato at nagpasaya sa akin sa susunod na limang taon.

 //Fuel my passion to keep me writing with your Votes and Comments on every part...tc 

Her One True Love (GirlXGirl SPG - ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon