Chapter 5

3.6K 30 4
                                    

TATLONG LINGGO kaming hindi nagkita ni Rhina. Tatlong linggo na iniiwasan ko siya kapag dumadalaw sa bahay. Hindi rin ako sumasama kay Janus kahit yayain ako kapag dadalaw siya sa bahay ng mga Heng. Maging ang mga tawag niya sa landline ay si Yaya Floring ang sumasagot at pinasasabing wala ako sa bahay.

Isang gabi, pagdating ni Janus mula sa pag-akyat ng ligaw kay Rhina, dumiretso ito sa aking silid. Abot-tainga ang ngiti na lalong nagpatindi sa kaniyang kagwapuhan. Isinara ko ang binabasang pocketbook saka umisod pasandal sa headboard ng kama. “Masaya ka yata anong meron?”

Umupo siya sa gilid ng kama. “Hulaan mo.”

Kinabahan ako. Alam kong isa lang ang makakapagpasaya kay Janus. “Sinagot ka na ni Rhina?”

Ngumisi siya. “Hindi pa naman pero malamang bago matapos ang gabi bukas baka maging kami na. Pumayag siyang makipag-date sa akin.”

“Okay iyon,” pinilit kong pasayahin ang tinig ko.

“Pero kailangan ng chaperone at gusto ni Rhina ikaw ang kasama namin.”

“Janus…” sunod-sunod ang pag-iling ko. Janus, huwag naman parang awa mo na.

Lumapit siya sa akin saka ikinulong ang mga kamay ko sa magkadikit niyang mga palad at parang sa nagdadasal, “Emely naman, pagbigyan mo na ako. Huwag mo namang hayaang mawala sa akin ang pagkakataong ito. Malay natin bigla na namang madestino sa ibang lugar ang Papa ni Rhina. At least man lang mabigyan ko siya ng rason para hindi sumama.”

Naalala ko ang sinabi sa akin noon ni Rhina noong una niya akong hinalikan. Gusto niyang magkaroon ng rason para mag-stay na hindi ko naibigay sa kaniya. Tumangin ako sa mga mata ni Janus, kita ko ang determinasyon at pagiging seryoso sa nararamdaman niya kay Rhina. Naisip ko tutal ako rin naman ang nagtutulak kay Rhina na subukang makipag-relasyon kay Janus, bakit hindi ko pagbigyan ang munting hiling ng aking kapatid?

Tumango ako at parang batang tumayo si Janus at nag-happy dance sa harapan ko.

***

Kotse ni Janus na regalo sa kaniya ng parents namin noong eighteenth birthday niya ang sinakyan namin pagsundo kay Rhina. Naabutan na namin siyang nag-aabang sa labas ng gate. Parehas kaming nahipnotismo ni Janus nang makita siya paglabas namin ng kotse.

“Ang ganda mo,” paghangang sabi ni Janus nang makalapit sa kaniya. 

“Ikaw din bagay sa iyo ang suot mo,” tugon ni Rhina na binistahan ang suot ni Janus na medyo hakab na pantalong itim at puting polo shirt na kumapit sa mga mga muscles nito sa braso at dibdib. Nang bumaling sa akin si Rhina, mabilis akong umiwas ng tingin.

Nakasuot si Rhina ng bulaklaking pencil-cut na palda, hanging blouse na puti at pinatungan ng itim na blazer. Tumangkad lalo sa suot na heeled booties kaya nang alalayan siya sa siko ni Janus at maglakad sila magkatabi palapit sa kotse, napagtanto ko na sila talaga ang bagay at never na maging kami.

Sa suot kong simpleng bulaklaking bestida, talagang nagmukha akong chaperone o baka alalay pa nga.

Nauna na akong pumasok sa backseat ng kotse. Gusto kong takpan ang mga tenga ko habang nag-uusap sila sa byahe at pumikit para hindi ko makita ang panlilimbang ni Janus kay Rhina na nauuwi sa tawanan.

Kumain muna kami at pagkatapos nagyaya si Janus na manood ng sine. Sa loob ng sinehan umupo ako sa tabi ni Janus, isang bakanteng upuan ang sinadya kong ipagitan sa amin para bigyan sila ng privacy. Halos bilangin ko ang bawat segundong nagdaraan na kung pwede lang pabilisan ang tiktak ng orasan, ginawa ko na para matapos na ang pagpapahirap ko sa aking sarili.

Wala akong maintindihan sa palabas kaya nagpaalam ako kay Janus na pupunta muna ng comfort room. Eksakto namang walang tao pagpasok ko at pagharap ko sa salamin kita ko ang lungkot na nakabalatay sa aking mukha. Huminga ako ng paulit-ulit para huminahon ang loob ko nang bumukas ang pinto at pumasok si Rhina.

Hindi ko na napigilan ang magsalita. “Bakit mo ito ginagawa Rhina? Bakit gusto mong ako pa ang kasama ninyo ngayon?”

Namilog ang mga mata niya. “Sa pagkakatanda ko na huli kong narinig, ito ang eksaktong gusto mong mangyari hindi ba?” Para akong sinampal sa katotohanan ng sinabi niya. “Sabihin mo lang na itigil ko na ito, gagawin ko ngayon din. Sabihin mo sa aking mahal mo ako at pwedeng maging tayo, babalik ako sa loob para bastedin si Janus.”

Umiling ako na ikinainis niya. “Last chance?”

“No,” pinal na sabi ko.

Lumabas si Rhina ng comfort room. Ilang minuto akong namalagi sa loob hanggang mabawi ko ang lakas ng loob sa aking sarili na ituloy ito. Dahil ito ang dapat. Ito ang tamang gawin.

Pagbalik ko sa upuan, kita ko ang kamay ni Janus na nakapatong sa kamay ni Rhina at magsalikop ang mga daliri nila. Nang halikan ni Janus si Rhina hindi ko na napigilang mapaluha habang nagtatawanan ang karamihan sa nakakatawang tagpo ng palabas sa malaking tabing.

Nang ihatid namin si Rhina sa kanila, minabuti kong maghintay na lang kay Janus sa loob ng kotse nang lumabas din ito para sundan si Rhina hanggang harapan ng gate. Nilabanan ko na ang sariling tumingin pa sa kanila at baka lalo lang akong masaktan kapag muli silang naghalikan.

Masayang-masaya si Janus nang bumalik sa loob ng kotse. “Hulaan mo Emely?”

Naramdaman ko ang pangangatog ng aking mga tuhod. “Ano?” tanong ko kahit alam ko na ang sasabihin niya.

“Girlfriend ko na si Rhina. Sinagot na niya ako.”

God help me my heart is bleeding.

//Fuel my passion to keep me writing with your Votes and Comments on every part...tc 

Her One True Love (GirlXGirl SPG - ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon