Chapter 3

4.4K 35 5
                                    

Twenty-five years ago…

“Tara na Emely!” sigaw ni Rhina na naka-two-piece lang. Lumusong sa pool na nagpaalon sa tubig na nasisinagan ng liwanag ng bilog na buwan at mga ilaw sa gilid ng swimming pool. “Hanggang ngayon pa rin ba nahihiya ka pa ring maligo ng naka-bathing suit?”

Katatapos lang ng handaan para sa pagtatapos namin ng elementarya kaninang umaga. Nakibakas na rin sa handa namin ni Janus si Rhina at may inaayos ang kaniyang mga magulang kaya hindi siya naipaghanda ng bukod. Pagkatapos magsipag-alisan ng mga bisita at tumahimik na ang kabahayan, nagyaya si Rhina na mag-night swimming kaming tatlo.

Hindi kasi talaga ako sanay ng naka-bathing suit maligo, palaging shorts at tshirt lang kung saan ako mas komportableng kumilos. Pinilit lang ako ni Rhina at bago ako lumabas ng bahay ibinalot ko ang puting bath robe sa aking katawan.

Lumubog ng bahagya si Rhina at pag-angat, tumipon ng tubig sa mga magkadikit na palad at isinaboy kay Janus na nakaupo sa gilid ng puting sun bathing chair na malapit sa pool habang nagi-strum sa gitara. “Ikaw din Janus maligo na!”

Payat pa rin si Rhina pero kagaya ko nagsımula na ring magkahubog ang katawan. Medyo flat-chested pa rin siya kung ikukumpara sa akin na malaking bulas daw ako sabi ng karamihan. Maiksi pa rin ang buhok niya at mahaba pa rin ang sa akin. Kahit gusto kong magpagupit gaya ng sa kaniya, hindi ko ginawa at tiyak hindi iyon magugustuhan ni Mommy. Nabawasan lang ngayon ang pagka-astig ni Rhina. Siguro dahil sa pinupuna na rin siya ng mga magulang niya kaya huminhin ng bahagya ang kilos.

Tumingin si Janus kay Rhina, pinahid ang tubig na nagkalat sa gitara. Maging si Janus nagkakaporma na rin ang katawan niya, nawala na ang baby fats at nagsisimula ng pumintog ang mga muscles sa mga braso, dibdib at tiyan.

“Maya-maya lang at makukuha ko na,” sabi ni Janus at binigyan si Rhina ng ngiting tinitilian ng mga kaklase naming babae na nagkakagusto sa kaniya. Isa iyon sa napapansin ko nitong nagdaan kay Janus, kung dati hinahayaan lang kami ni Rhina mag-solo sa mga kulitan at bonding time, ngayon palagi na siyang kasama.

“Patugtugin mo na lang kasi sa cassete player,” suhestiyon ko sa kaniya. Wala siyang hilig kung hindi ang mag-basketball at iyon ang pangarap niya, ang maging professional player ng PBA kaya nakakapagtakang bigla na lang siyang humawak ng gitara at pinag-aaralang tugtugın ang kanta ng Foreigner na ‘I Know What Love Is’. Ang kantang naging paborito namin ni Rhina na naging bahagi na ng aming pagkakaibigan.

“Oo nga,” sang-ayon ni Rhina at muli sinabuyan ng tubig si Janus pero mabilis na nakaiwas at pumasok sa loob ng bahay para patugtugin ang kanta. “Ikaw naman tanggalin mo na iyang roba na iyan at wala namang ibang makakakita sa iyo. Tayong tatlo na lang ang gising at lampas hatinggabi na.”

Nang hindi pa rin ako sumunod sa sinabi niya, umahon siya sa tubig at patakbong lumapit sa akin. Hinawakan ang aking roba at hinila na siya ko namang pinigilan sa pagyakap ng mahigpit ng aking mga kamay.

“Hintay lang,” natatawang sabi ko.

Kahit siguro araw-araw kaming nagkukulitan ni Rhina, lagi ko pa ring nami-miss ang ganito sa mga oras na hindi kami magkasama. Iyong mga oras na nasa bahay ang mga magulang niya kaya hindi siya pwedeng mag-sleep over sa amin. Makatabi ko sa aking kama at sa pagtulog ko ang maganda niyang mukha ang makikita ko at maging sa paggising kinaumagahan. Mga oras na hindi ko alam kung bakit sa edad kong trese, gusto ko siyang hawakan sa mukha at mapulang labi, malaman kung kasin-lambot ba ng sa akin. Sa tuwing naalala ko lang ang pangako ko kay Mommy na hindi ako gagawa ng ikagagalit niya saka nawawala ang pakiramdam at nakakatulog ako habang nakatingin sa mukha ni Rhina.

Her One True Love (GirlXGirl SPG - ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon