Chapter 4

4.3K 35 1
                                    

Twenty years ago…

“Akala ko ba may practice kayo ngayon ng basketball?” tanong ko kay Janus na naabutan ko sa may bangkito sa porch nang hapong iyon at nagi-strum ng gitara. 

Binata na ang kapatid ko at guwapo. Sa taas na 6’4” at star player sa basketball team ng Unibersidad na pinapasukan namin, hindi malayong maabot niya ang pangarap na makapasok sa PBA pagkatapos ng college. Sa ngayon, nakikita na siya sa ilang TV commercial and print ads.

Ngumiti siya, the same signature smile na tinitilian ng mga babaeng fans niya in and out of the court. “Meron, pero nagsabi ako kay coach na absent muna ako ngayong hapon.”

Nagtaka lang ako at adik si Janus sa basketball kahit practice lang hinding-hindi siya napalya. “Na-perfect mo na ang pagtugtog diyan sa kanta,” sabi ko na lang. Ang kantang paborito namin ni Rhina.

Lumuwang ang pagkakangiti niya. “Na-master ko rin sa isang buwang pagpaprakris. Ready na ako mamaya na tumugtog.”

Napakunot-noo ako. Huling humawak si Janus ng gitara nang umalis si Rhina five years ago at nakita ko ulit nito na lang nagdaang buwan. “The last time I checked basketbolista ka pa, miyembro ka na ba ng banda ngayon?”

Umiling siya saka sumeryoso ang mukha. “May sasabihin ako sa iyo Emely pero huwag kang magagalit.”

Nakaramdam ako ng kaba, “Ano iyon?”

Atubili pa si Janus nang muling magsalita. “Mamaya na ang dating nina Rhina. Dito na ulit sa atin ang destino ng Papa niya,” tumigil siya na parang kinakapa ang magiging reaksiyon ko. “Ayaw niyang ipasabi sa’yo at para daw sorpresa kaya lang baka ako naman ang patay sa iyo.”

Tumango lang ako. “Kaya pala todo praktis mong tugtugin iyang kanta.”

Nang masiguro niyang no big deal sa akin, bumalik si Janus sa dating sigla. “Haharanahin ko siya pagdating niya. Ilang buwan na rin kaming nagsusulatan at ngayong may pagkakataon na akong patunayan sa kaniya ang mga sinabi ko sa sulat, kailangan ng mag double time.”

Tinapik ko siya sa balikat. “No worries. Magugustuhan ka ni Rhina. Wala pang babae na umayaw sa iyo,” pagpapalakas-loob ko kay Janus. “Sige mag-praktis ka pa.”

Minabuti kong pumasok na ng bahay at nagmamadaling tinungo ang aking silid. Pagkalapat ko ng pinto saka ako umiyak.

***

Para akong natuka ng ahas sa pagkatitig kay Rhina pag-ibis niya ng kotse pagbukas ni Janus ng pinto. Kagaya ng naging pakiramdam ko nang una ko siyang makita sampung taon na ngayon ang nakakaraan. Her smile taking my breathe and everything around us seems to fade away. Ang pagkakaiba lang ngayon, ang ngiting iyon ay hindi na laan sa akin kundi para kay Janus na.

Lalong gumanda si Rhina, nagkakurba at nagkalaman na ng bahagya ang katawan at lumaki na ang dibdib. Huwag lang ikukumpara sa akin na sadyang malaki. Sa tingin ko, matangkad lang siya ng dalawang pulgada sa taas kong 5’8”. Maiksi pa rin ang buhok na walang pinagbago gaya ng sa akin na hanggang balikat ang haba. Lalo siyang pumuti sa suot na V-neck na jumpsuit na kulay chocolate brown at black ankle-strap sandals.

Nang magkaharap sina Rhina at Janus, doon ko na-realize na bagay sila as a couple. A thought that sends a crushing force towards to my heart.

Lumapit siya pagkakita sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya minabuti kong huwag na lang gumalaw. Pinuno ko na lang ang baga ko ng matamis na pabango niya na amoy cherry at vanilla. Ilang saglit lang bumawi siya, hinawakan ako sa mga kamay saka nagsalita. “Kumusta ka na Emely?”

Tumingin ako sa mukha niya, girl-version pa rin siya ni Ken. Naramdaman kong bumalik ang kagustuhan kong hawakan siya sa mukha at halikan sa labi, kagaya ng pinapangarap kong gawin nitong mga nagdaang taon. Kaya bago pa magka-isip ng kaniya ang mga kamay ko at gawin ang hindi dapat lalo na’t nakatingin si Janus, I withdrew my hands from hers instantly feeling a hollow inside my heart from the lost of contact.

Her One True Love (GirlXGirl SPG - ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon