Chapter 6

3.4K 29 1
                                    

SI JANUS na marahil ang pinakamasayang tao sa mga sumunod ng ilang linggo. Sobrang inspired ito sa paglalaro lalo na tuwing nanonood si Rhina. May mga pagkakataong nagdadahilan ako na masama ang pakiramdam kaya hindi nakakasama sa panonood at meron namang wala akong magawa kundi ang sumama at manood na sa ganoong pagkakataon, isinasama ko si Yaya Floring at nang maiwasan iyong mga oras na magkasarilinan kami Ni Rhina.

At pagkatapos ng laro nauuna na kaming lumabas ni Yaya Floring habang si Rhina naman ay naghihintay sa paglabas ni Janus. Mabuti na rin iyon para hindi ko makita ang halikan at sweetness nila lalo na’t palaging panalo ang team nina Janus.

Natuwa na rin ako at least maganda ang resulta ng naging desisyon ko. Hanggang isang gabi, pag-uwi ni Janus galing sa mga Heng, bigla na lang itong nagwala sa loob ng kaniyang silid at pinagsusuntok ang dingding. Tinawag ako ni Aling Floring at nagkataon naman noon na out of town sina Mommy at Daddy.

Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko si Janus na nakayukyok sa sahig, lapat ang ibaba ng likod sa gilid ng kama, agos ang dugo mula sa daliri at pumapatak-patak sa sahig.

“Anong problema?” tanong ko. Kinuha ko ang kaniyang kamao at dinampian ng malinis na bimpo na iniabot ni Yaya Floring.

Sobrang lungkot ng kaniyang mukha na tumingin sa akin at may pait ang tinig na nagsalita, “Nakipag-break si Rhina…”

“Bakit daw?”

“Madedestino na ulit si Mr. Heng sa Singapore. Biglaan ang naging desisyon ng kumpanya nila kaya bukas din ng umaga ang alis nila. Ayaw ni Rhina ng long-distance relationship kaya pinapalaya niya ako. Nakiusap akong subukan namin, kahit man lang sa sulat gaya dati pero tumanggi siya. Mahal na mahal ko si Rhina, Emely.”

Si Rhina ang unang babaeng sineryoso ni Janus at ngayon ko rin lang nakitang umiyak ang kapatid ko kaya alam kong masakit sa dibdib ang nararamdaman niya. “Kakausapin ko si Rhina para sa iyo.”

Pagkatapos naming linisan ang sugat sa kamao ni Janus at balutan ng gasa, binilinan ko si Yaya Floring na bantayan muna si Janus at baka ulitin ang pananakit sa sarili. Siniguro ko munang nakaidlip na siya sa kaniyang higaan bago ako lumabas ng bahay at binaybay ang daan patungo sa mga Heng.

Hindi ko na kinailangang pumasok pa sa loob ng bahay nang maabutan ko si Rhina sa may beranda na nakaupo sa isang kahoy na sofa. Tumingin siya sa direksiyon ko nang makita niya akong palapit.

“Bakit ka nakipag-break sa kapatid ko?”

“Magandandang gabi rin sa ‘yo,” tugon niya. Tinagayan ulit ang hawak na wine glass saka ibinaba sa mesita ang boteng wala na sa kalahati ang laman. Tumingin siya sa akin. “Gusto mo?”

Hindi ako sumagot kaya muli siyang nagsalita. “Alam mo ang sagot diyan. Mali ang teorya mo. Hindi ako nabago ng pakikipag-relsyon kay Janus. Malaking pagkakamali na nakinig ako sa iyo na subukan.” Isang lagukan ang ginawa niya sa alak saka tumayo at lumapit sa akin. “Ginamit ko lang si Janus at wala akong karapatang paglaruan ang damdamin niya. I felt really bad about it. It just made the situation worst dahil nakapanakit ako ng tao. Nasaktan ko din ang sarili ko. Aminin mo man o hindi nasaktan ka din.

“Kaya tama na ang panlilinlang, Emely. Ayoko ng dayain pa si Janus. Ayoko na ring dayain ang sarili ko. Alam ko na ngayon kung sino ako. I just have to embrace it and accept it. Tell my parents I’m proud of who I am and free myself from the burdens it brought to me for the last ten years. I hope you will do the same.”

“I’m not like you,” sabi ko kay Rhina. Hindi ganoon kalakas ang loob ko para saktan ang mga taong nag-alaga sa akin at itinuring akong kapamilya.

Inihagis niya ang wineglass at nabasag sa sahig. Napaatras ako nang lumapit siya hanggang dumikit na ang likod ko sa poste ng beranda.

“Yes you are not.” Inilapit niya ang mukha niya sa akin, her breathe with the sweet scent of wine flooding on my face.

Run! Emily run! Sigaw ng isip ko.

“I’m not,” ulit ko. Nang lumapit pa siya lalo, gabuhok na lang ang layo ng labi niya sa labi ko.

“Yes, I know,” sang-ayon niya saka tinakpan ng bibig niya ang labi ko.

Kontra ang isip ko pero gusto ng katawan ko. Nang yumapos na ako sa kaniya, tuluyan na akong ipinagkanulo ng aking nararamdaman. Feelings I subdued for the last ten years blasted like an erupting volcano. Tinabig ng nagmamadaling kamay ni Rhina ang lahat ng nakapatong sa mesita sa kailangan naming espasyo. Sinayaw ko ang sayaw ni Rhina, kapwa kami nagpaanod sa agos ng pagnanasa. Sinunod ang pangangailangan ng aming mga katawan.
.
And when it was finally over, namutla kami pareho ni Rhina nang makita naming nakatayo ilang piye sa amin si Janus, kahit malamlam na ang liwanag sa kinatatayuan niya, halata pa rin ang pamumula ng leeg at pisngi, nakatiim-bagang at kuyom ang mga kamao na ang kanang may gasa ay nagsimula ulit dumugo.

“Bakit ninyo ako niloko?” kita ko ang pagtitimpi na marahil kung mga lalaki lang kami, nasuntok na niya kami sa galit.

Humakbang ako palapit. “Magpapaliwanag ako Janus…”

Pero bago pa ako makalapit kay Janus, tumalikod na siya at lumabas ng gate. Mabilis kong inayos ang aking damit. Hinabol ko siya, kasunod ko naman si Rhina. Malapit na kami sa bahay nang lumabas ang kotseng minamaneho ni Janus at humarurot ng takbo pagdating sa kalsada. Ilang bahay pa lang ang nalalampasan at abot pa ng paningin namin ang kotse ni Janus nang bumangga ito sa isang poste.

Naalala ko noong ikalimang birthday ko, nang hilingin kong dalhin ako sa perya nina Tatay. Nang naisin ko ang bagay na makakapagpasaya sa akin at mangyari ang aksidente na kumitil sa buhay nila. Ngayon namang nagpatangay ako kay Rhina at nakuha ang pinakamimithi ko, kapalit ba nito ang buhay ni Janus?

Tumakbo akong isinisigaw ang pangalan ni Janus at humihingi ng saklolo habang hindi mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko sa magkahalong takot, guilt, at inis sa sarili ko. Sumunod na tanda ko, nasa labas kami ng emergency room. Ako, si Yaya Floring at si Rhina. Hindi pa rin maubos ang luha ko.

Nilapitan ako ni Rhina para yakapin pero itinaas ko ang mga kamay para pigilan siya. “Mali talaga Rhina. Ang nangyari ngayon ay isang senyales.”

Umiling si Rhina. “Huwag mong sabihing isisisi mo naman sa sarili mo ang nangyari ngayon kagaya nang sisihin mo ang sarili mo sa pagkamatay ng parents mo.”

Pinahid ko ang luha sa aking pisngi gamit ang mga daliri. "Kasalanan ko ito Rhina. Dapat hindi ako nagpatukso sa iyo. Iwanan mo na lang kami ng kapatid ko. Okay naman kami nang wala ka. Just leave us alone."

//Fuel my passion to keep me writing with your Votes and Comments on every part...tc 

Her One True Love (GirlXGirl SPG - ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon