Your POV
*play intro of fire*
Nagising ako sa alarm ko sa sobrang ingay bat ba kasi yun yung alarm ko?
Hindi parin ako nabangon at tinakpan ko ang tenga ko gamit ang unan ko. At may pumatay ng alarm ko.
"Bespar gising na~" sabi ni bespar at ginugulo niya ang buhok ko. "Ehh.. 5 minutes." Sabi ko at bigla nanaman ako dinaganan ni Hoseok. "Bespar gising na please~" sabi ulit ni Hoseok at ngayon naman ay gumagalaw siya at patalon-talon pa siya sakin.
"Ano ba ang bigat mo." Bumangon ako at kumamot ng ulo ko. "Hoseok kung gusto mo lang akong maligo, mauna ka na please." Sabi ko sa kanya at tumango lang siya.
Yun lang pala eh... ginigising pa ako, ano ako magulang niya?
Bumangon nalang ako, sarap ng tulog ko eh... at nung pagkabangon ko nakita ko yung speak yourself t-shirt ni Bespar, pano napunta sa kwarto ko?
Kinuha ko iyon at isinampay ko malapit sa bintana ng kwarto ko, meron kasi akong sampayan dito sa loob ng kwarto ko kasi minsan tinatamad akong bumaba para magsampay sa likod-bahay namin.
Pagkatapos non ay pumasok ako banyo, uy wag kayo may shower curtain ako noh, baka kasi pumasok yung ibang tao sa banyo ko.
Kinuha ko na ang sipilyo ko at nilagyan ko ng toothpaste at nagsipilyo na ako.
At maya-maya ay lumabas na si bespar sa shower room ko at naka-tuwalya lang siya, kala niyo naka-tapis lang siya noh?
Wuy, may private space din kami at may respect for each other.
"Hi bespar!" Masayang sabi ni bespar sabay yakap sakin patalikod.
Kumaway nalang ako sa reflection ni bespar sa salamin, habang siya naman habang nakayakap sakin at ipinahinga niya ang baba niya sa shoulder ko at pumikit.
"Antok pa ako..." sabi niya at natapos na akong mag-sipiliyo, at tiningnan ko lang ang repleksyon ni Hoseok sa salamin...ang haba ng baba niya. De joke.
Wala lang ang gwapo kasi ng bespar ko eh..bat ba ang gwapo niya!?!?$^=;/^^4&€÷^
Umiling nalang ako at inangat ang ulo niya at kinuha ko ang towel ko.
"Tsupe, maliligo na ako." Pagtataboy ko sakanya.
Nag-pout naman siya, la, kainin ko yang nguso mo eh--erase erase! Nu ba Y/N bawal ka mag ka gusto kay Hoseok, bespar mo siya ok? Ok.
Di ko namalayan na nakalabas na si Hoseok sa banyo, at naligo na ako.
Hoseok's POV
Nandito na ako sa labas ng banyo, pina-alis ako eh...habang ako naka pout...huhuhu naiwan ko yung relo ko. Baka mabasa yun...kaya papasok ako ulit ng banyo.
Pagkabukas ko ng pinto ay kumakanta si Y/N...pfft, may concert ang babaita.
"Dashi run, run, run!" Sigaw ni Y/N sa shower room. Ahahaha di ako makahinga, naubusan na ata to ng boses kaya nasigaw nalang.
"Bespar, wag kang sumigaw wala pang pasukan, saka baka maging officer ka." Sabi ko.
"Pake ko, nage-enjoy ako eh." Sabi niya at nagpatuloy sa pagkanta. "Bahala ka." Sabi ko at kinuha ko na ang relo ko at lumabas na ng banyo para magbihis.
Pagkatapos ko magbihis ay may kumatok sa pintuan at iyon si Jimin na may dalang pagkain para sa amin.
"Hyung, kain na kayo." Sabi ni Jimin at inabot sa akin ang tray. "Salamat." Sabi ko at kinuha ang tray.
"Nasan si Y/N baby my only one already no breakdown?"
Luh...baby daw niya saka ano pinag-sasabi niya? "Baby ka ba?" Sabi ko, nilapag ko ang ang tray at pumasok si Jimin na naka-pout. "Oo baby niya...sa height. Huhu😢." Sabi niya habang sinasarado ang pintuan at pumasok sa kwarto.
At kinuha ko ang isang mangkok, habang kinukuha ko iyon ay may dalawa pang mangkok at siguro ay kay Jimin iyon.....at infairness may pa soup pa si mayor, sopas ang soup ngayon.
"Hyung may ipapabili ka ba kasi aalis kami mamaya." Sabi ni Jimin habang nasipsip ng sabaw ng sopas.
"Ah, yung mga gamit ko para sa pasukan paki kuha nalang sa school saka bumili ka nalang ng mga notes, pati rin kay Y/N ha paki kuha din ng sakanya alam na yun Jin-hyung ipaalala mo lang sa kanya." Sabi ko at lumabas na si bespar mula sa banyo na naka-damit na syempre hindi yan lalabas ng naka-hubad, o kaya naka-tapis.
"Hi Y/N!" Masayang sabi ni Jimin na todong ngiti at kumaway kay bespar. Alam niyo naman kung paano ngumiti si Jimin diba, yung tipong hindi na kita ang mata niya. Kumaway naman pabalik si bespar at nagsuklay ng buhok.
"Y/N kain ka oh." Pag-aalok ni Jimin kay Y/N. Sus, gawa-gawa lang ng paraan para mapansin siya ng crush niya.
"Sige lapag mo muna diyan." Sabi ni Y/N at nilapag naman ni Jimin yung mangkok.
Aw wawa naman si Jimin na-LapagMoMunaDiyanZone siya wawa.....
"Okiee~" sabi ni Jimin na pa-cute pa, jusko kung si Suga-hyung lang yung wala ka-ship araw-araw ko tong hahalikan sa sobrabg cute eh.....
"Bat ang cute mo?" Tanong ko kay Jimin habang sinisimot ko ang sopas, sarap eh bat ba.
"Kasi pandak ako?" Sagot ni Jimin. "Oo na alam kong pandak ka, pero bat mas cute ka pa kay Suga-hyung?" Sabi ko at naririnig kong tumatawa ng mahina si bespar.
"Ay, nandiyan ka pala bespar kala ko naging duwende ka na ulit at bumalik sa tribo niyo ni Jimin." Sabi ko at nilapag nilang dalawa yung mangkok nila at tumingin sa akin ng masama...paktay tayo diyan, world war 3 na.....
"Hoseok-hyung~" Sabi ni Jimin na medyo cute pero naaasar. At pinaghahampas na nila ako.
"Hoseok, bawiin mo yung sinabi mo." Sabi ni bespar habang pinapalo ako. Siguro mamaya bugbog sarado na ako nito.
~Time Skip~
Jimin's POV
Matapos ang ilang oras na harutan naming tatlo sa kwarto--actually giyera yun eh nauwi lang sa kilitian. Knock down si Hope-hyung eh.
Nandito na ako sa baba kasama ang ibang members, naghahanda kasi kami para umalis para mamasyal ulit, at hulaan niyo kung saan kami pumunta, wala nang iba kundi sa bar.
Daming chicks. La lang skl de jk. Wuy wag kayo nag-inom lang kami kunti tas sayaw tas pahinga punta sa gym at nagpahangin sa park.
"Oh, ok na ba ang lahat?" Tanong ni Jin-hyung. "Opo~." Sabay naming sabi na parang nasa school kame.
"Ay, Kook at Tae bigyan niyo muna ng pagkain yung dalawa sa taas at baka magutom yung dalawang daga kapag hindi natin iniwanan ng pagkain." Sabi ni Jin-hyung at sabay labas ng bahay.
Sumunod naman sa utos yung dalawa at kaming natira ay laumabas na din at sumakay na sa kotse.
Maya-maya ay dumating na yung dalawa at sumakay na din sa kotse. "So guys, saan tayo pupunta?" Tanong ni Namjoon-hyung.
"Kahit saan basta matutulog lang ako dito." Sabi ni Suga-hyung. "Paano tayo maghaharutan kung tulog ka? Dapat pala di ka na sumama." Sabi ko at sinuksok ko ang earphones ko sa cp ko at nakinig nalang ng music.
"Sa grocery muna tayo paubos na yung pagkain namin dahil sa inyo." Sabi ni Jin-hyung. At yun lang ang narinig ko at nakatulog na ako ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
My BesPar j.hs 'My' Series #1 || [Slow Update]
Фанфик"Wala na ba akong pag-asa sayo?" Tanong ko, binitawan ko naman ang mga kamay niya. "Can we be just friends?" Tanong niya sakin pabalik, then she shows her pinky to make a promise. "Fine." Naasar kong sabi at nag-promise kami sa isa't isa. "Pano ako...