CHAPTER 5

7 1 2
                                    

Your POV

"Bespar, goodmorning!" Ang sakit naman sa tenga tong lalaking to. Alam na natutulog eh......

"Natutulog kaya ako. Istorbo ka." Sabi ko, natulog ulit ako, pero ang kulit talaga nito pinagpapalo pa ako.

"Bespar gising na~ tanghali na~" sabi niya na may paglalambing.

Tanghali na pala eh bat good morning?

"Eto na gigising na po." Sabi ko at bumangon at nagulat ako dahil hinila niya ako pabalik ulit sa kama.

"Kala ko ba pinapagising mo? Bat mo ako hinila ulit pahiga?" Pagtataka ko. "Kasi trip ko lang hehe." Inosenteng sagot niya.

Pagkatapos kasi ng kilitian ayun napagod ako pero knock-out naman tong lalaking to.

Wala naman pala siyang laban saming dalawa ni Jimin eh.

"Bala  ka dyan." Bumangon ako at pumunta sa pinto."La teka lang." Sabi niya at kinuha ang kamay ko.

"Bawal pa tayo lumabas." Sabi niya at binitawan ako, oo nga pala mamayang hapon pa pala kami makakalabas sa kwarto ko. Huhuhu

Napapikit ako ng mariin at umikot paharap sa kanya at naka-pout ako. "La...nag papa-cute nanaman bespar ko." Sabay pinisil ang pidngi ko.

"Bespar, masakit a-aray ano ba?" Suway ko sa kanya pero di parin ako binibitawan. "A chu-chu-chu~" Sabi niya at binitawan na ako.

Tumingin ako ng masama sa kanya, at nanlaki naman yung mata niya. "Bakit?" Tanong ko.

Umiling lang siya at tumingin sa bintana lumingon sya sa kanan at sa kaliwa. "Bespar," tawag niya sakin na may mapanlokong ngiti.

"Bakit, anong kalokohang nasa isip mo nanaman?" Sabi ko at nag cross-arms ako atlumingon siya sa akin na naka ngiti.

"Wala sila hyung!" Sabi niya at tumakbo sa pinto at pag kabukas niya ay may bata sa harap niya at ngumiti sa amin.

"Hi tito!" Sabi niya at niyakap niya si bespar, he's Theo, siya lang naman ang nag-iisang pamangkin naming lahat kasama ang bangtan syempre, siya ang anak ng kaibigan ni Hoseok na si King na crush ko back in elementary kinalimutan ko na siya kasi love yourself daw sabi ni Namjoon-oppa.

Naunang bumaba si bespar para puntahan si King, nagdadalawang isip ako kung lalabas ako o hindi,at my final desicion is.... lalabas na lang ako, namiss ko yung kitchen saka yung salas namin.

Pagkababa namin ni Theo ay nakita kong nag-uusap sila ni bespar. Napatingin sa akin si King at ngumiti siya, walang pinagbago ng ngiti niya at porma kahit may asawa't anak na siya.

Last year lang siya nag-graduate, oo tama ang pagkabasa niyo last year lang, may ginawa kasing kababalaghan nung nag new year countdown yung asawa niya at si King, tinanggap nila ang bata at pinagpatuloy parin ang pag-aaral 6 years ago.

"Long time no see 'Science lover'." Bati ko sa kanya, talino kasi eh... "Bespar, may juice na iniwan sila Tae." Sabi niya.

"Oh ano gagawin ko don?" Tanong ko, sorry ah sabog eh. "Alangan kunin mo nakikita mong may bisita eh, psh." Sabay irap.

"Wao kala mo di siya bisita oh nakikitulog-kain ka lang dito eh. Kala mo kadugo ko tss." Sabi ko at padabog akong pumunta sa kusina kinuha ko ang mga baso at yung juice na sinabi ni Hoseok at nilagay iyon sa isang tray, gumawa narin ako ng sandwhich para may makain naman yung pamankin ko.

Pagkabalik ko sa sala ay nakita kong naglalaro si Theo ng mga lego na dala niya, syempre bigay yan ni Yoongi mabait yung gilagid na yun eh.

Nilapag ko na yung tray at binitawan naman ni Theo yung lego niya at kumain na.

Umupo na ako sa tabi ni Hoseok at sumandal sa couch, "Mukhang antok pa si Y/N ah." Sabi ni King, napa tawa nalang si Bespar ng mahina,

"Ginising ko kasi ng sobrang aga eh." Sabi ni Hoseok at inakbayan ako. "Tulog ka muna ulit." Sabi ni Hoseok at sumandal ako sa kanya.

"Uhm... Hoseok, alis na kami ni Theo at pupuntahan namin yung mommy nitong bata." Sabi niya habang ina-ayos ang bag ni Theo,

"Uy, alagaan mo yang si Y/N ah, alam kong mahal mo yan." Sabi ni King at may kasama pang makapanlokong ngiti.

"Gago, peyk nyus yon." Sabi ko at pinalo sya, "Siga na, alis na kami, oh Theo magbabye ka." Lumapit naman si Theo at kiniss kami  sa cheeks ang sweet talaga nitong batang to.

Umalis na yung mag-ama at tuluyan na akong nakatulog.

Hoseok's POV

Habang nanonood ako ay di ko namalayan na nakatulog na pala si Y/N. "Bespar, alam kong may pangako tayo sa isa't isa.

Pero parang masisira ko iyon dahil dito sa nararamdaman ko sayo."

~FLASHBACK~

It's our recess time at palagi kaming pumupunta ni Y/N sa playground para maglaro or mag kwentuhan.

Umupo kami ni Y/N sa bench para mag usap at kumain ng sandwhich. "Y/N, anong nangyare sayo kaganina nung free time natin? Kasi tulala ka, sinasaniban ka ba? Kasi balita ko yung mga ganyan daw sinasaniban." Sabi ko aba ang hirap kaya magkaroon ng totoong kaibigan na katulad niya.

"Baliw ka ba, ano kase..." sabi niya at tumingin siya kay King ang crush niya. "Ano ba yan! Wala na ba akong pag-asa sayo ha Y/N!" Nagwawala kong sabi, pareho kasi kaming dalawa ni Jimin may crush sa kanya.

"Sorry, Hoseok pero hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo." Y/N said, ang sakit mareject ah...

"But why? I'm always there for you." I said while fake crying, "Hoseok naman eh...ang mag bestfriend ay bestfriend lang walang hihigit ok?" Sabi niya at tumingin ako kay King, nag pout ako,

"Ok, i understand." Sagot ko.

"Great! Now let's make a promise." She said and face me while smiling, "Anong promise?" I questioned.

"Promise that we can't have feelings to each other, even crush, in love, or any feelings ok?" Sabi niya at nilabas niya ang pinky niya.

"Ok, addition ko sa promise kahit masakit pa sa akin. Kapag nagkaroon tayo ng feelings kailangan umamin at." Pinutol ko muna ng sandali. "

At?" Tanong niya.

"Kailangan i-break ang friendship natin." I said and nag pinky promise kami.

~END OF FLASHBACK~

At yun nga, alam kong weird pero I have feelings on her at di ko parin iyon nawawala dati pa nung bata pa kami di lang ako umaamin, halata naman sa umpisa ng story diba.

"I'm sorry." I said and tucked her hair behind her ear and I kiss her lips passionately at nagulat ako nung nag responce siya. She put her arms my neck and...

"OH MY GOD! WHAT IS THE MEANING OF THIS!"

Napatigil sa ginagawa namin at mukhang gulat na gulat si Jin-hyung.

Oh no baka mag-end na yung friendship namin at siguro naman na papagalitan ako ni Jin-hyung at isumbong ako kila mama. Huhu help....

My BesPar j.hs 'My' Series #1 || [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon