~7 years later~
Your POV
Kasalukuyan akong naka upo sa opisina ko at nag aayos ng papeles. Binigay na sakin nila mama ang isa sa kumpanya na hawak ng Kim Corporation, yes KIM. Namjoon, Seokjin at Taehyung.
"Ms. Y/N?" Tawag sakin ng sekritarya ko. "Yes? Ano yun?" Inangat ko naman ang tingin ako. "Tawag ka daw ng tatay mo." Simpleng sagot ng isa ko pang sekritarya. "Ay wow, so kailangan dalawa kayo pumunta dito?" Natatawa kong sabi.
Nilagay ko sa isang tabi ang mga papeles na hawak ko. "Saka Eun, you don't need to be professional to me, remember kaibigan na kita." I calmly said.
Oo si Eunbi ang isang sekritarya ko along with Alexa, ewan ko sa dalawang to sabi ko wag na sila mag trabaho sakin, pero makulit sila at nag volunteer talaga na maging sekritarya ko.
Eunbi shrugged. "Ok, sabi mo eh." "For five years Eunbi lagi kitang sinasabihan, ginagawa mo parin." I pouted, lumabas na ako ng opisina ko at pumunta sa desk nilang dalawa.
"By the way, bakit pala ako pinapatawag?" Tanong ko, they both shrugged. "We don't even know." Sagot ni Alexa. "Pati din yung kuya mo pinapatawag din eh." Dagdag pa ni Eunbi, tumango nalang ako at tuluyang pumunta kay dad.
I knocked before opening the door at nandito na agad si kuya. "Pa, pinapatawag mo daw ako." I said, tuluyan na akong pumasok at umupo. Seryoso ang mukha nila. "We're going to bankrupt." Diretsahang sabi ni papa na ikinagulat naming dalawa.
"Pa, i thought tumaas ang stock natin?" Gulat na tanong ni kuya. "Seokjin, let me finish." Sabi ni papa tumikhim na si kuya at ako naman ay seryosong nakikinig kay papa.
"Yes, tumaas ang stock natin pero dahil sa latest project natin di kinaya ng budget natin. We're running out of supplies and we can't pay the employees." Malungkot na sabi ni papa. "So mag loan tayo?" I ask, tumango naman si papa. "I will try to get a loan, at kung hindi pumayag ang banko, mapipilitan akong ipasara ang negosyo o ipabenta."
"Pa, we can't close this business maraming empleyado ang naghihintay sa sweldo nila lalo't malapit na ang katapusan ng buwan." Kuya said cocernly, tumango naman ako. "I won't let that happen."
~Time Skip~
I felt exhausted dahil sa balita at emergency meeting. We did the meeting 5 hours straight, ngalay na nga mga binti ko sa sobrang tagal ng upo ko dun.
I plopped down on my sofa in my office and stared at the ceiling, napagkasunduan nalang nila ipabenta ang kumpanya dahil hindi pumayag ang banko.
May kumatok naman sa pinto at niluwa nito ang dalawang sikretarya ko. "We heard the news." Alexandra stated tumango naman ako, nag dalawang isip pa sila kung papasok ba sila o hindi. "Pumasok na kayo." Walang gana kong sabi.
Tumabi naman sila sakin at yumakap ako kay Alexa. "Gutom na ako." Simpleng sabi ko. "Kami din." Sagot naman ni Eunbi sabay hawak sa tiyan niya, kumunot ang noo ko. "Huh? 2 pm na tapos hindi pa kayo nakain?" Galit kong sabi. "Woah kalma lang girl, remember dapat sabay tayong kumain." Sabi ni Alexa at tinulak ang hintuturo sa noo ko.
Napatulala naman ako. "But it's not good for your health." I sadly said, umiling lang silang dalawa. "Kung magkakasakit ka kami din dapat." Sabi ni Eunbi, taena nahawa na sa ka weirduhan ng ibang kaibigan niya. "Loko." Natatawa kong sabi.
Tumayo naman si Alexa. "Tara na, kain na tayo treat ko." Biglaan niyang sabi, gulat naman kaming napatingin sa kanya. "Alexandra ikaw ba talaga yan?" "May anghel na sumanib sayo?" Tanong namin, ngumuso naman siya. "Grabe kayo ah, minsan nga lang ako manglibre mang-aasar pa." Pikon na sabi niya.
BINABASA MO ANG
My BesPar j.hs 'My' Series #1 || [Slow Update]
Fanfic"Wala na ba akong pag-asa sayo?" Tanong ko, binitawan ko naman ang mga kamay niya. "Can we be just friends?" Tanong niya sakin pabalik, then she shows her pinky to make a promise. "Fine." Naasar kong sabi at nag-promise kami sa isa't isa. "Pano ako...