Your POV
Lupet din nitong kabayong to eh.... namumuro sa halik. Bastos na lalake.
"Bespar!" Sigaw niya mula sa terrace ng bahay nila. Mangungulit nanaman yan.
Alam niyo kung ano nangyare? Kung bakit na siya sa bahay na niya?
~FLASHBACK~
Pagkatapos ko patawarin si bespar ay bumana na kami at nakarating na pala yung iba.
"Oh, noona!" Sigaw ni Jungkook, bigla namang tumingin sa akin si Jimin, malungkot yung mukha niya, anyare dto? Di ata to nakipaglandian kay Yoongi-oppa kaya ganyan si Jimin.
"Andaya, naunahan ako ni Hope-hyung." Sabi niya at nag crossed arms sabay pout pa. Achuchu... wow. Napaka chismoso-- I mean chismosa si kuya talaga, isang beses nga umabot yung chismis sa buong subdivision namin eh.
"Awit, nag seselos sya uy." Pang-asar ko kay Jimin and I cup his face, huhulaan ko si bespar ngayon naka simangot narin, ang hirap talaga pag may nagkaka-crush sayo tas dalawa or tatlo pa.
De jk lang lumingon na ako kay bespar pero ayun, walang pake umupo na sa upuan niya at tiningnan ako nang seryoso sa akin, sa totoo lang hindi ako comfortable kasi ako lang nag iisang babae sa bahay nato.
Pero alam ko naman na mabait sila, mga bakla kasi tong mga to eh de jk lang umupo na ako sa upuan.
"So kumpleto naman na tayo, may kailangan tayong pag usapan." Sabi ni kuya.
"Bakit hyung lilipat ka na ng school?"
"Ikaw na magiging bagong leader?"
"Di na tayo magkikita ulit?"
"Tapos na yung kontraya natin sa school as a boyband?"
Takteng mga tanong yan...
"Lilipat lang tayo ng bahay." Sabi ni kuya. "Yun lang pala akala ko tapos na tayo." Sabi naman ni Namjoon.
"Oy walang kayo." Bitter na sagot ni Yoongi-oppa."Okay di ko gets." Sabi ni Taehyung at binatukan naman siya ni Jungkook. "Tanga lilipat daw tayo ng bahay." Sabi ni Jungkook at napatawa naman si Yoongi-oppa sa ka bobohan ni tae.
"Yan kase." Sabi ni Yoongi-oppa at napa sandal sa couch. "Pano yon?" Tanong ko at umakbay naman si kuya sa akin at ngumiti sa aming lahat.
"May sarili na tayong dorm!" Sabi ni kuya at napangiti at nagwala yung bangtan. "So guys, matulog na kayo sa mismong bahay natin at mag ayos na ng gamit dahil bukas daw tayo lilipat!" Sabi ni kuya at nagsiakyatan sila para kunin yung mga gamit nila sa mga guest room nila.
"Saka don't worry guys nakapag paalam na kami ni pdnim sa mga magulang niyo." Sabi ni kuya. "Grabe, lahat kami di informed." Sabi ni bespar at umakyat na ng kwarto ko.
~END OF FLASHBACK~
Pagkatapos non ayun nagsi uwian na sila buti nga bumawas yung ingay eh...pero iba parin kapag marami kayo sa bahay masaya palaging may movie marathon, saka naka uwi narin sila mama pero mga tulog na yun eh...

BINABASA MO ANG
My BesPar j.hs 'My' Series #1 || [Slow Update]
Fiksi Penggemar"Wala na ba akong pag-asa sayo?" Tanong ko, binitawan ko naman ang mga kamay niya. "Can we be just friends?" Tanong niya sakin pabalik, then she shows her pinky to make a promise. "Fine." Naasar kong sabi at nag-promise kami sa isa't isa. "Pano ako...