CHAPTER 11

12 1 0
                                    

A/N: hayeop pang apat ko na to😥 dami kong update neto.

°•○•°○°•○•°○°•○•°

Jin's POV

Eto yung time bago kami pumunta sa locker namin.

~Flashback~

"Why she's here?" He asked, atsinundan niya yung babaeng may colorful ang bag at naka black na hoodie. Parang familiar yung bag niya.......

Napakunot naman yung noo ko sa nakita ko, bat pa siya nandito? Pagka alam ko ay pumunta siya sa ibang bansa kasama ang magulang niya.

Hindi kaya.......

"Sa tingin niyo, sunusundan niya ba ako?" Tanong ni Yoongi. Natango naman sila nina Jimin, V at kuya. Di nalang ako tumango dahil wala akong paki-alam"Iniisip ko talaga na dapat di ko siya hiniwalayan." Dismayadong sabi ni Yoongi, bat niya pa hiniwalayan eh iiwan din naman niya yung kapatid ko ng ganon ganon lang?

Tumayo ako sa upuan ko ay napa tingin naman ang iba sakin. "Kuya, san ka pupunta?" Tanong sakin ng kapatid ko. "Huh? Bat ka pupunta dun eh di ka pa tapos kumain? Ubusin mo muna yan." Suway sakin ni Y/N, di ko nalang siya pinansin at pumunta na ako papunta sa babae kaganina.

Pagkalabas ko ng cafè ay hinanap ko kaagad siya. Di naman ako nabigo dahil nandoon lang siya sa bench, lumapit ako sa kanya at umaasang sana siya yun.

"Ah, miss?" Tinapik ko ang balikat niya dahilan para makita ko ang mukha niya. Nanlaki naman ang mga mata ko, tama nga ako siya yun. "Oh, Jin-oppa nag-aaral ka pa?" Pagbibiro niya sakin pero di ako natuwa dahil nandito siya. "Bat nandito ka?" Malamig kong tanong sa kanya.

Nawala ang mga ngiti niya at naging seryoso na ngayon. "Bakit, masama bang bumalik ulit ako dito?" Tumayo siya at tiningnan na ako sa mga mata, kinakalaban niya ako?

"Ibabalik mo lang lahat ng hinanakit ng kapatid ko saka ng ex-boyfriend mo." Mariin kong bulong sa kanya at kinuha niya ang bag niya at balak niya umalis, mabuti nalang ay nahawakan ko kaagad ang braso niya. "Wag na wag mo kong kakalabanin at wag na wag mong susubukan na bumalik sa buhay namin." Mariin kong sabi ulit.

Napa taas naman ang kilay niya. "At bakit naman?" Paghahamon niya sakin, hinawi ko ang polo ko at hinawakan ko ang baril ko, oo may baril din ako kaya di ako natakot kaganina dahil lahat namang kami ay may baril pero di pa nila nahahawakan o nakikita iyon kaming dalawa lang ni Suga ang may baril sa grupo dahil nakapagtapos na kaming dalawa. "Bat may baril ka?" Gulat na tanong niya, sabi ko nga matatakot siya tss.....

"Bakit, natatakot ka?" Tanong ko sakanya di naman maalis ang tingin niya sa baril ko. "Wag ka mag-alala, di kita sasaktan, tinatakot lang kita." Pagbibiro ko ay tinago ko na ang baril at binitawan ko ang braso niya. "Nandito ako para kay Yoongi." Malamig na sabi niya at umalis na siya, tinawag ko siya ulit pero di na siya lumingon.

Napa kuyom naman ang mga kamao ko at bumalik na sa cafè.

~End Of Flashback~

Kasalukuyang nasa sahig na siya sa lakas ng suntok ko sa kanya may putok na pareho ang mga labi namin at inaawat na kami ng co-members namin. Pumipiglas ako sa kanila dahil sa init ng ulo ko sa kanya. "Bakit bigla ka nalang nanununtok diyan!" Sigaw sakin ni Yoongi saka tumayo at pinunasan ang dugo sa labi niya. "Nandito nga siya." Malamig kong sabi ko sa kanya. "Huh? Sino?" Nag tatakang tanong niya, pumiglas ako sa hawak nila pero di parin nila ako binibitawan. "ANO BA! BITAWAN NIYO KO!" Sigaw ko at wala na akong pake kung sino yung matamaan ko, humarap ako sa kanila at sinuntok ko sila at ang una kong nasuntok ay si Hoseok, na black eye ko.

My BesPar j.hs 'My' Series #1 || [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon