Hoseok's POV
"Mygahd! My heart is oh my-- aray naman!" Raulo naman ni Tae, pinokpok sa ulo ko yung baseball bat ko.
"HAHAHAHA! Yan ka-artehan pa." Takte naman kwarto ko to eh tas guguluhin nila yung ayos ng kwarto ko, ano to? Party?
Takte dorm tour lang ginera na yung kwarto ko. Modern prince pa naman yung theme ng room ko with matching sprite pa.
Mahal ko yun eh, pero mukhang candy bar yung room ko dahil sa silver and red wall paper ko pero maganda naman yung design ng wallpaper.
"Uy, ayos to hyung ah laro tayo mamaya ng tennis!" Tuwang-tuwa na si Namjoon habang hawak-hawak yung tennis racket ko.
"Papayag sana ako kaso baka masira mo." Naiinis kong sabi, habang nilalagyan naman ni Y/N ng cold compress yung ulo ko, and I automatically smiled.
"Thank you bespar, kaya mahal kita eh hehe." With matching eye smile at ang pinaka gusto ni Y/N, 'heart-shaped smile' ko, napa ngiti naman siya at lalong idiniin yung cold compress sa ulo ko.
"Aray naman bespar! Nagpapacute lang eh." Sabi ko at nag pout naman ako. "Sige... magpacute ka pa at sasapakin na kita." Pagbabanta naman ni bespar, di na ako ngumuso, sayang tong mukha konh to saka live pa naman kami.
"Ok mga kaigan, may nag-aaway po na isang gwapong kabayo at isang pandak na magandang fairy." Sabi namam ni JK.
Babatukan ko sana kaso may 'gwapo' eh, di na baleng kabayo atleast gwapo hehe, de jk lang kailangan humble hoseok ok? Ok.
"So guys, since na nagulo na natin yunh kwarto ni Hope, eh kwarto naman ni Y/N, gusto niyo yun? Pwes ako hindi." Sabi ni Jin-hyung.
"Kuya naman eh!" Sigaw ni Y/N at binatuhan ng cold compress, wow ah, pinambabato na pala yung cold compress di ko alam yun ah.
"Joke lang eto naman, oh mga hayop labas na!" Sigaw ni Yoongi-hyung, kala mo di rin hayop eh.
Nasa pintuan kami ngayon ayaw pa kami papasukin ni Y/N, kinuha pa niya yung cam at nagsalita.
"Hi guys! So, nandiyo po tayo sa pintuan ng kwarto ko, ewan ko lang kung iisa lang talaga yung braincell namin ni bespar pero, modern princess yung akin tas kay Hoseok naman is modern prince." Pag-eexplain niya.
Wow ah yun lang naiisip kong theme saka fit naman para sa akin yung theme na yun eh kabayo de jk lang, totoo naman di ba?
Wag na tayo paligoy-ligoy pa, pumasok na kami sa room niya and wow, just wow wala akong masabi ang ganda just like her, asdfghjkl ang cringe hayeop.
"Wow! Noona, ang galing ng ginawa mo dito." Sabi ni Jungkook, naptingin naman kami sa sinabi ni JK.
"Oh! Yea, guys my wall of memories nandito lahat ng masasayang memories namin lalo na ng bespar ko." Napa tingin naman si Y/N sakin, tas yung iba ayun nag sihiyawan parang mga baliw to.
I just smile and nilapitan ko iyon at tiningnan ko yung mga naka-develop na pics. Parang kailan lang mga batang dugyot kami (pero gwapo parin ;) De jk lang.
"Noona!"
Bigla namang sumigaw si gguk na parang bata. "Bakit anong problema bunso?" Tanong ni Jin-hyung, mahal niya talaga tong batang to naol :(
Tinuro ni JK yung lumang pic, yun yung nag-swimming kami 10 years ago yung punishment para kay gguk is mag bikini siya, kaya ayun hiniram niya yung bikini ni bespar, nagsi tawanan naman kami habang si gguk ayun parang batang nagtatampo.
"Bat mo kasi nilagay diyan?" Natatawang tanong ni Jin-hyung, may sasabihin dapat si Tae kaso natapilok kaya ayun nag sitawanan ulit kami, habang si Tae nanakit na yung dibdib niya.
BINABASA MO ANG
My BesPar j.hs 'My' Series #1 || [Slow Update]
Fiksi Penggemar"Wala na ba akong pag-asa sayo?" Tanong ko, binitawan ko naman ang mga kamay niya. "Can we be just friends?" Tanong niya sakin pabalik, then she shows her pinky to make a promise. "Fine." Naasar kong sabi at nag-promise kami sa isa't isa. "Pano ako...