CHAPTER 37

3K 106 2
                                    

Meet my Parents...

Lumipas ang dalawang linggo na masaya kami ni Leodemar sa pagiging in a relationship namin. Masasabi kong maganda ang araw araw naming magkasama, sa business nya at sa aming dalawa. Mabilis ang araw kaya ay hindi na namin napapansin na magdadalawang linggo na pala kami ni Leo. Ang saya ko at kita ko rin sa kanya na masaya si sya. Ngayon, alam kong magiging espesyal ang araw na ito dahil uuwi sina mama at tito .

Nandito ako ngayon sa airport at hinihintay na darating ang eroplano na sinasakyan nila mommy. Napapatingin ako lagi sa relos ko dahil excited na akong makita ulit sina mommy at tito.

Si Leo naman hindi ko na pinasama pa , kahit nagpumilit sya hindi parin nya ako nakombinsi. Ako yata ang boss sa relasyon namin. Kaya ayon, naiwan sya sa opisina nya, ayoko naman kasing may maiiwan syang trabaho.

Narinig kong paparating na ang eroplano na sinasakyan ni mommy and i a minute from now makikita ko na ulit ang mommy ko ..

Ng makita kong lumabas na sila, napatayo ako sa waiting area at agad na tinaas ang kartolina na hawak ko na may nakasulat na Welcome home mom and tito , nakita naman kaagad nila ako at  agad ko silang sinalubong ng yakap .

" mom, I miss you so much .. "

Yakap ko si mama. Niyakap naman kaming dalawa ni tito.

" we missed you Jessa "

Sabi ni tito. Humiwalay ako sa kanila at agad na tinulongan silang bitbitin ang dala nilang bagahe, at sumakay kami ng taxi.

" mabuti pa anak , bilhan ka na namin ng kotse mo. Para naman pag uwi namin dito may sasakyan ka "

Hinawakan ko ang kamay ni mama.

" mom, wag po kayong mag alala pagnakakaipon po ako ng mas malaki ay bibili po ako "

" naku ayan ka na naman anak eh, ayaw mong bigyan ka namin ni tito mo. Kahit man lang yun eh sana payagan mo na kami "

Nakanguso na sabi ni mama. Kaya napayakap ako sa kanya.

" i miss you po talaga mommy.. "

Niyakap nya rin ako.

" naku itong anak ko, naglalambing na naman. Palibhasa kasi may ipapakilala sa amin "

Wika ni mama tapos kinurot ako sa tagiliran ko , hindi naman iyon masakit pero napahiwalay ako sa pagkayakap ko sa kanya.

" mommy naman, excited nga po akong makilala nyo sya. "

Napatingin ako kay tito.

" tito , you want to meet my boyfriend ? "

Ngumiti naman sya at tumango tango.

" yeah sure, I'm so excited and always ready. We're always here for you Jessa"

Niyakap ko rin si Tito .

" thank you tito .. you're the best "

AGAD naman kaming nakauwi sa bahay, at inihain ni Nanang ang paboritong lutong pinoy ni Tito na Adobong baboy kaya agad kaming kumain.

" this one is always be my favourite filipino dish .. ang sarap sarap "

Komento ni tito habang hinimas himas ang malaking tiyan nya. Napatawa naman ako sa accent nya sa pag bigkas ng tagalog.

" If i will stay here for more than a month then, I will become more bigger than this "

Napatawa kami sa sinabi nya , kahit kailan talaga maypagka kolelat rin itong si tito eh at iyon din ang isa sa katangian nya na nagustohan namin ni mama sa kanya bukod sa mabait , joker pa .

ONE IN A MILLIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon