Chapter 4

804 28 0
                                    

PUERTO CABELLO DEL GADO RESIDENCE

"Wala pa rin ba kayong balita kung nasan ang anak ko?"

Ang galit at halatang nag-aalalang tanong ng isang lalaki

"Pasensya na po kayo Mr. Del Gado, masyadong mautak po ang mga kidnnaper. Wala kaming makuhang lead kung saan nila dinala ang anak nyo. Pero ginagawa po namin ang lahat ng paraan para mahanap na sya. Maghintay na lang po tayo"

Ang mahabang paliwanag ng police officer na syang namumuno sa kaso ni Krystal Del Gado. Ilang araw na simula na mawala sya ng dukutin sya at magpahanggang ngayon ay wala pa ding lead ang kapulisan kung saan ito dinala at kung sino ang may pakana. 3 araw na wala pa din silang natatanggap na kahit ano mula sa kidnapper

"Officer gaein nyo po ang lahat upang makita ang anak ko. Kahit magkano ay handa akong magbayad masiguro lang ang kaligtasan nya"

"Naiintindihan po kita Mr. Del Gado, dahil tulad nyo ama rin po ako. Alam ko ang pakiramdam ng nasa sitwasyon nyo. Basta magtiwala lang po tayo at manalig sa diyos hindi po sya pababayaan ng amang nasa langit"

"Sana nga, sana nga"

*ring

Napatingin sila sa telepono ng magring ito. May nga nakakabit na na wire at kung ano-ano dito upang matrack kung nasaan ang kidnapper

Napalunok naman ang ama na syang tinanguan agad ng police officer. Tila hudyat iyon na sagutin ang tawag dahil baka ang kidnnaperna iyon

"He-hello?"

Kahit nanginginig ay pinilit nya pa ring lakasan ang kanyang loob para sa kanyang anak

"Hello Mr. Del Gado, ano? Sigurado akong miss na miss mo na ang unika ija mo--HAHAHA"

"Kung sino ka man ibalik mo na ang anak ko. Kahit magkano ibibigay ko! Basta wag mo lang sasaktan ang anak ko, pakiusap!"

"Ow... nakaka-touch naman. Gago, hindi ko kailangan ng pera mo! Ikaw ang kailangan ko"

"Anong ibig mong sabihin? Sino ka ba talaga? Magsalita ka sino--

"Mukang kailangan mo munang kumalma. Ipapaalam ko na lang sayo kung saan ko iiwan ang bangkay ng anak mo at magkita na lang tayo"

"Teka! Hello? Hello!"

*tot tot tot

"Mr. Del Gado ano po ang sabi ng kidnapper?"

"Kailangan nating mahanap ang anak ko sa lalong madaling panahon. Pinagbantaan nya ako nya ako na papatayin nya ang anak ko. Hindi pera ang motibo nya sa pagdukot sa anak ko, Officer"

"Kumalma lang hoh muna kayo Mr. Del Gado. Mahahanap po natin sya. Mahahanap po natin"

Tumango lamang si Mr. Del Gado sa Police Officer dahil hindi rin nya alam kung ano ang gagawin niya upang mahanap ang nag-iisa nyang anak.

Tatlong araw na ang nakakalipas matapos nang huling makita si Krystal Del Gado sa isang interview at fan signing event matapos ay bigla na lamang syang nawala na parang bula. Ni walang nakakaalam kung saan nga ba sya naroroon. Idiniklarang nawawala sya ng hindi na sya makita ng manager at mga staff ng event ng magpaalam syang pupunta muna ng cr. Ni isa ay walang kaalam-alam na mangyayari ang pandurukot sa kanya. At hindi rin lubos maisip ng mga fans nya kung bakit sya dinukot, samantalang ang iba ay pera ang dahilan kung bakit sya dinukot. Ang iba naman ay sinasabing baka stalker ng sikat na aktres ang gumawa. Ngunit tatlong araw na ay wala pa ring lead kung nasaan sya, tiningnan na ng buong kapulisan ang cctv footage ng mga daan papasok at papalabas ng mall at iba pang route na pwedeng daanan ng mga kidnappers para makatakas upang malaman at magkaroon ng lead. Ngunit tila pinagplanuhan ng mabuti ang ginawang pagdukot dahil binura  ng kung sino ang cctv footage. Kaya inisip ng kapulisan na hindi lang simpleng pagdukot ang naganap. Kaya't patuloy pa rin ang imbistigasyon sa maaaring motibo ng pagdukot, ang ilan sa motibo ay ang bussiness. Dahil isang bigating negosyante ang kanyang ama. Kaya maaaring iyon ang dahilan. Bilang bigating bussinesman madami itong kakompetensya at maraming galit ngunit wala pa silang lead kung sino sa mga ito ang may motibo sa pagdukot.

PUBLIC

*hey girl! Ano na daw balita kay Ms. Krystal?

*wala pa nga daw girl eh

*hala sino kayang walangya ang dumukot sa kanya?

*kaya nga eh. Hanggang ngayon wala pang lead ang kapulisan kung nasan sya

*grabe tatlong araw na syang nawawala hanggang ngayon wala pa ring balita

*huhuhu crush ko pa naman yun si Ms. Krystal

*sana matagpuan na si Ms. Krystal, fans pa naman ako nun

*Sana nga eh at nang mahuli na ang may kagagawan nun

INTERTAINMENT AGENCY

"Ano wala pa rin bang balita kung nasan si Krystal?"

"Wala pa rin po Maam Stevan. Hanggang ngayon ay wala pa rin pong lead"

"My gosh! Ano ba kasi ang pinaggagawa nyo at ni-isa sa inyo ay walang nakapansin sa pagkawala nya!"

"Sorry maam"

"Alam nyo bang hindi ko na alam kung ano ang isasagot sa mga sponsor natin at sa media kung paano nangyari ang kapabayaang ito"

"Hindi na po ito mauulit"

"Hindi na talaga! Ano bang silbi ng mga bodyguard na hinire nyo!"

"Nai-stress ako sa inyo! Tumawag kayo sa lahat ng pwedeng makatulong para mahanap sya! Kailangan syang maibalik"

Flash Report

...tatlong araw na ang nakakalipas ngunit magpahanggang ngayon ay wala pa ring lead ang kapulisan sa whereabout ng actress na si Krystal Del Gado

...dahil sa biglang pagkawala ng kilalang actress na si Krystal Del Gado ilan sa ating mga mamamayan ang labis na nalulungkot at nagaalala dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin sya natatagpuan

...labis ang kalungkutan at pagaalala sa Del Gado Residence dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang kanilang unika ija na si Ms. Krystal Del Gado

...panawagan po sa kung sino man ang makakapagturo sa kinarororonan ni Ms. Krystal Del Gado ay may pabuyang matatanggap na may halagang 1 million

...naglabas na ng pahayag ang pamilya Del Gado sa biglaang pagkawala ng kanilang anak na si Ms. Krystal Del Gado. Handang magbigay ng pabuya na may halagang 1 million sa kung sini man ang makakapagturo ng kanyang kinaroroonan, inaasahan po namin ang inyong cooperation

Borrowed Time (GxG) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon