Chapter 40

550 11 0
                                    

Laurene's POV

"Ano na ang lagay? May mga kahinahinala bang nangyayare?"

"So far wala naman. Siguro ay mga nagpapalamig pa sila sa mga oras na ito"

"Ganon ba. Baka nga, pero kahit na ganoon ay kailangan pa din nating magmatyag ay magbantay ng mabuti dahil baka malusutan tayo"

"Tama ka dyan Laurene, kahit na wala pa naman silang pinapadalang tao para sa kanya ay kailangan nating higpitan ang pagbabantay para maiwasan ang mga maaaring mangyare"

*sir, may packaged po palra kay Ms. Krystal

*okay. I'm on my way

"Sige Dreigory, ikaw na muna ang bahala may titingnan lang ako sandali"

"Sige, mag-ingat ka dahil baka kung ano na naman ang laman ng mga iyon"

Tinapik ko lang ang kanyang likod tsaka tumawa ng mahina dahil sa sinabi nya, sumilip akong muli sa monitor kung saan makikita ang buong kapaligiran ng mansyon ng pamilya Del Gado, maging sa loob at labas ay mayroong mga cctv camera para mamonitor ang lahat ng nasa paligid kung sakaling may magtangka.

"Baba na ako"

Tumango lamang sya at nagtaas kamay bilang paalam ngunit nakapako pa din ang kanyang atensyon sa monitor gaya ng ginagawa ni Yazi. Sila muna ang maiiwan dito sa loob ng van, dahil may kailangan akong icheck.

Mahirap na baka kung ano ang laman ng mga iyon. Mas naging alerto kami ngayon, dahil simula ng lumabas ang blind item ay walang humpay ang pagdating ng mga death threats kay Krystal. Hindi pa man natatapos ang araw mula ng magsimula ang undercover security namin ay sunod-sunod ang dumating, dahilan kung bakit labis ang takot ni Krystal ngayon.

Kaya naman nang malaman ko iyon ay ako na ang nag-volunteer na mag-check sa mga packages at regalo na dumarating para sa kanyan, upang masuri ko ito ng maayos.

Magpahanggang ngayon ay hindi ko pa natutukoy kung sino ang may kagagawan ng mga ito, pero hindi ako maaaring magkamali. Ang taong pwedeng gumawa nito ay walang iba kundi ang mga taong tumatarget sa kanya dahil sa blind item na kagagawan namin.

Kaya nagpasya ako, kaming gumawa ng hakbang upang masiguro ang kanyang seguridad. Dahil sa lahat ng tao na sangkot sa usaping ito, si Krystal ang biktima. Dahil ginamit namin ang pangalan nya, nadawit sya ng dahil sa amin upang masimulan ang plano laban sa mga tiwaling opisyal. Kaya naman bilang isang tunay na sundalo, na nangako sa watawat ng Pilipinas na proprotektahan ang aming mamamayan laban sa mga kalaban na magtatangkang magnakaw o umagaw sa kalayaan at kapayapaan ay, responsibilidad ko ding akuin ang consequences sa ginawa ko. Kaya naman nandito ako upang gawin ang respondibilidad ko na protektahan at masiguro ang kaligtasan nya, dahil malaki din ang naging ambag nya upang maisakatuparan ang mga planong ito para sa mamamayan at sa bansang ito.

"Salute sir!"

Sumaludo din naman ako sa kanila bilang pagbati at paggalang dahil sa ginagawa nila ng maayos ang trabaho nila.

"Iyan na ba iyon?"

Tukoy ko sa kahon na hawak-hawak nya

"Opo sir"

Pinakatitigan ko ito at sinuri ang kabuuan. Wala namang kahinahinala, bukod sa isang plain lang sya na white box at may nakadikit na papel kung saan nakasulat ang pangalan ni Krystal Del Gado.

Sinuri ko ang paligid upang tingnan kung may kahina-hinala bang tao na nagmamatyag sa amin. Ngunit napakunot lamang ang aking noo dahil sa tirik ang araw ngayon. Kahit nakasumbrero ako ay hindi ko naiwasang makaramdam ng pagkasilaw ng may tumamang liwanag sa aking mata na nagmumula sa isang salamin kung saan nagreflect ang sinag ng araw.

Borrowed Time (GxG) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon