Krystal' s POV
Tahimik lamang akong nakaupo dito sa aking kwarto habang nakatanaw sa may bintana at tinatanaw ang asul na kalangitan. Pangatlong araw na ngayon simula na umuwi ako dito sa mansyon. Napagpasyahan kasi ni daddy na dito na lamang ako manatili para sa kaligtasan ko. Agad naman akong sumang-ayon dahil sa takot na baka may bigla na lamang may dumating at patayin ako. Nakakapagtaka nga dahil kakalabas pa lang ng blind item ay nakahanda na agad ang mga bodyguards ko tila ba pinaghandaan talaga ito. Gusto ko mang magtanong kay daddy ay mas pinili ko na lamang na manahimik.
Wala kong ibang ginagawa dito sa mansyon kundi ang tumulala, manuod ng mga palabad at makinig ng music para malibang ako at mabawasan ang pagkainip ko. Mahigpit din kasi akong pinagbilinan ng manager ko at ni Ms. Stevan na pansamantala muna nila akong pagbabawalan na gumamit ng social media dahil na rin sa kaguluhan.
Kasalukuyan kasing nagkakagulo pa din ang goverment sa mga oras na ito. Pati ang mga mamamayan. Magkabilaan ang mga interviews, press con at mga pagbabalita.
Marami ding reposters ang sumubok na kumuha ng panayam saakin ngunit hindi sila nagtagumpay dahil sa higpit ng mga bantay ko. Kahit sa gate ay hindi sila makalapit at makapasok dahil sa dami ng bodyguards na nagbabantay. Sa labas at maging loob ng mansyon, sa kaliwa't kanan maging sa baba at taas. Kahit saang dako ka lumingon ay makikita mo ang mga men in black na nagbabantay sa akin.
Pero kahit na magkaganoon ay hindi ko pa ring maiwasang makaramdam ng takot. Dahil baka may espiyang makapasok at patayin na lang ako bigla.
Kahit nga ang pagkain ko ay ako na din ang naghahanda dahil sa sobrang takot. Alam kong napansin ng mga kasambahay ang mga kinikilos ko, pero so far hindi naman sila nagtatanong dahil siguro ay naiintindihan nila.Alam ko din na naririnig nila ang mga iyak at paghikbi ko tuwing gabi. Oo gabi-gabi akong umiiyak ng palihim dahil ayokong mag-alala sila sakin masyado at ayoko ding kaawaan nila ako.
Pero hindi ko mauwasang makaramdam ng awa para sa aking sarili dahil sa bawat araw na lumilipas ay mas lalong bumibigat ang aking pakiramdam. At sa pagsapit ng gabi ay walang tigil sa pagluha.
Minsan nga ay nasa mahimbing ako na pagkakatulog nang bigla na lamang akong magising ay maiyak. Dahil sa paulit-ulit na bangungot na bumabalik sa aking alaala.
Ang mga sakit at paghihirap na inabot nya ng dahil sakin. Walang gabi na hindi ko iyon napapanaginipan. Wala naman akong magawa dahil sa sitwasyon ko ngayon. Gusto ko mang alamin kung ano ba talaga ang nangyare sa kanya ay di ko magawa. Dahil natatakot akong malaman. Natatakot ako. Paulit-ulit ko itinatangi sa aking sarili ang katotohanang wala na sya.
.....
Krystal
Nagdilat ako ng aking mata ng marinig ko ang tinig nya na tumatawag sa aking pangalan. Bigla na namang tumulo ang aking nga luha na makita ko sya. Nakatayo sya sa dalampasigan habang nakatingin sa akin. Agad akong tumakbo palapit sa kanya uoang hagkan sya. Hindi naman ako nabigo dahil sa wakas ay naramdaman kong muli ang yakap nya.
Umiiyak ako sa kanyang leeg habang hinahagod nya ang aking likod at buhok. Lumayo ako sa kanya upang pagmasdan ang kanyang mukha. Nakangiti sya sakin ng pagkatamis tamis kaya naman napangiti na din ako. Pinahid nya ang aking mga luha gamit ang kanyang dalawang hintuturo tapos hinawi nya ang ilang hibla ng aking mga buhok na humaharang sa aking mukha.
"Please don't cry my lady. It hurts me"
Tumango lang naman ako sa kanya, at ngumiti ng abot sa aking mata. Ang kaninang lungkot sa kanyang mga mata ay napalitan ng saya.
Napapikit ako ng halikan nya ako sa noo. Tsaka hinagkan ng pagkahigpithigpit
"Mahal kita Krystal"
Napahigpit ang aking yakap sa kanya ng marinig ko ang mga salitang iyon. Rinig na rinig ko ang tibok ng kanyang puso.
Ngunit sa muking pagdilat ng aking mga mata, sinalubong ako ng malamlam na liwanag na nagmumula sa aking lampshade. Bumangon ako at naupo sabay yakap sa aking sarili nang ma-realised ko na isa na namang panaginip.
Pinunasan ko ng pilit ang aking mga luha na walang tigil sa pag-agos. Kahit anong tago at pilit ko ay hindi maitatangging masakit. Kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.
Ilang sandali ay narinig ko ang mga nagmamadaling yabag oatungo sa aking kwarto, kasunod ang noon ay ang sunod-sunod na pagkatok sa aking pinto. Ngunit tila ako'y nabingi kaya hindi na ako nagabala pang buksan ito. Umiyak lamang ako ng umiyak.
May mga ilang yabag pa ang narinig ko ngunit huminto din. Alam kong sila daddy at nay Kusing iyon.
...
Pababa ako ng hagdan ng mapansin ko ang mga nagkakagulong tao sa mansyon. Ang mga bodyguards ay walang tigil na paparoo't parito. Bigla naman akong kinabahan dahil iba ang kanilang awra ngayon. Kaya nagmadali akong bumaba ng hagdan. Nakita ko naman si Ate Rosa, isa sa kasambahay namin. Kita ko din ang takot sa kanyang mga mata at pag-alala
"Ah ate Rosa, ano pong nangyayare?"
"Hay naku! Senyorita, mas mabuting manatili po muna kayo sa loob ng kwarto nyo"
"Hah? Bakit may nangyari bang masama?"
"K-kasi po maam, yung isa sa bodyguard mo ay espiya po pala. Buti na lamang at nalaman agad ni Ren. Kaya ayon po, nagkakagulo ang mga bodyguards mo dahil kasalukuyan po itong hinahabol ni Ren. Kaya naman nagtungo agad ang iba upang tumulong na mahuli agad sya"
Dahil sa sinabi nya ay nakaramdam ako ng takot. Pero hindi ko maintindihan dahil parang mat tumulak sa akin na tumakbo palabas.
Kaya naman nagmadali akong naglakad patungo sa labas.
"Teka lang po senyorita, delikado!"
Pero hindi ko sya pinansin nagpatuloh lamang ako.
Hanggang sa makarating ako sa labas."Tumigil ka! Kayo habulin nyo sya! Madali!"
Narinig kong turan ng isang pamilyar na boses na mas lalong nagpatibok ng mabilis sa aking puso.
Nakita ko naman ang mga bodyguards na tumatakbo sa di kalayuan. Patungo sila sa direksyon ng gate.
Masyado na silang malayo kaya hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanila
"Yes sir! Kami na pong bahala na isecure ang safety nya! Opo!-- alpha be alert!"
Narinig kong sabi ng isang bodyguard bago nagsikalat muli ang iba at pinalibutan ang buong mansyon. Nilapitan naman ako ni Nanay Kusing at Ate Rosa.
Sinabihan nila akong mas makakabuti kung doon na muna ako sa kwarto ko dahil delikado. Pero hindi ako pumayag, pakiramdam ko ay nanghihina ako. Inalalayan naman nila akong makaulo muna sa couch dito sa sala, tsaka naman tumakbo si Ate Rosa sa kusina para kumuha ng tubig. Hinihingal ako dinaig ko pa yung mga bodyguards ko na humabol doon sa espiya."Salamat"
Pagkatanggal na pagkatanggap ko ng tubig ay agad ko itong ininom hanggang sa makalahati ko ito. Hinihimas naman ni nay Kusing ang aking likod upang pakalmahin.
"Totoo ba yung sinabi ni Maghanoy?"
"Oo! Grabe nga eh. Sino kaya ang nagpadala ng death threat na yun"
"Sino pa ba? Alam mo na kung sino ang mga iyon. Wala na talaga silang ibang gawin. Hindi pa ba sila nakuntento sa ginawa nila sa mga kasamahan at kababayan natin"
"Kaya nga eh. Nako! Buti na lamang nandon si Cap-hmm!".
"Shhh! Baka may makarinig sayo"
"Pwe!kadiri naman ang alat ng kamay mo! Oo alam ko, pero pasalamat pa din dahil nandon si Ren"
"Kaya nga eh! Ano na kayang balita? Sana naman mahuli nya ang espiya"
"Sana nga!"
Iyan ang usapang narinig ko mula sa mga bodyguards ko
"Romeo and Victor! They need back up! "
Pagkasabi ng isa pang bodyguard noon ay umalis agad ang dalawa at patakbo patungo sa kung saan. Hindi na ako nag-usisa pa, nanatili lang akong tahimik upang pakalmahin ang aking sarili.
Tsaka nagdasal ng taimtim. Para sa aking at aming kaligtasan kasama na ng mga bodyguards ko....
....
.....
BINABASA MO ANG
Borrowed Time (GxG) (Completed)
AcciónKrystal Del Gado- isa sa pinakasikat na artista at Kilala sa larangang kinabibilangan nya. Ngunit may taglay din na masamang ugali, bitchy at spoiledbrat. Nag-iisang anak ni Alfonso Del Gado isa sa mga business tycoon na kinikilala sa bansa. Ngunit...