Krystal's POV
"Krystal!!!"
Bigla akong napabalikwas dahil sa sobrang gulat nang marinig ko ang tila naghehesterical na boses ni Alex habang tinatawag ang pangalan ko.
Agad akong lumabas ng kwarto ko dito sa condo at pinuntahan ko sya. Anong oras pa lang naman, 6:30 pa lang ng umaga.
"Ano ba yun?! Sandali nga lang! Bakit mo ko hinihila?!"
Kaya agad kong binawi ang aking mga braso nang huminto kami sa harap ng tv. Masama ang tingin ko sa kanya dahil sa pambubulabog nya tapos biglang panghihila
"Wag ka na munang magsungit tingnan mo ang balita!"
Pagkasabi nya ay kinuha nya ang remote pinalakasan ang volume. Agad naman akong humarap doon. Nangunot ang noo ko sa isang blind item
Blind item of the day: isang sikat na actress na dinukot at halos isang linggo ang nakalipas bago sya natagpuan. Ang actress na ito ay papangalanan na lang natin K. Ayon sa source si K daw ay dinukot dahil sa napakalaking pera na gustong makuha ng opisyal ng gobyerno na papangalanan na lang natin V. Ayon din sa source ang dahilan ng pagdukot kay K ay dahil sa isang event kung saan kabilang ang company ng father nya. Pinadukot sya para ipa-cancel ang proposal at para makuha nila ang kontrata na may nakalakip na napakalaking halaga. Sinabi din ng source na hindi lang basta pera ang dahilan ng pagdukot kay K, dahil may mas malalim pa na dahilan sa pagdukot sa kanya. Ayon din sa source may kinalaman ito sa isang pangyayari kung saan daang sundalo ang nasawi. Sinabi din dito na ang taong tumulong kay K at nagligtas sa kanya mula sa pagkakadukot ay isa sa mga nakasurvived sa insidenteng iyon. At sa kakatwang pangyayari, ang taong ito pala ay fiancee din ng isa pang sundalo na papangalanan na lang nating Lt. K na nasawi sa insedenteng iyon, samantalang papangalan naman nating L ang taong tumulong kay K na makatakas sa tulong din ng isa pang tao na papangalanan natin D na kapatid pala ni Lt. K. Sa ngayon nga si L ay tinutugis ng gobyerno dahil itinuturo itong espiya at traydor. At ang final at pinakakaabang-bang sa blind item natin ay, ang insedenteng nangyari na kumitil sa daan-daang kasundaluhan ay kagagawan mismo ng ilang opisyal. Sino-sino kaya sila?
Iyan ang sinabi ng isang babae sa kanilang blind item. Para akong natulos dahil sa mga sinabi nila. Napamura na lang ako ng lihim.
Obvious naman na ako ang tinutukoy sa blind item na actress. At ang insidenteng sinasabi sa blind item ay ang shootout sa Los Quatros, pati and event na nabanggit ay ang bidding event kung saan nanalo si daddy kaya napunta sa kanila ang contract. At ang ilan ay kilalang kilala ko kung sino-sino sila.
"Krystal, sabihin mo nga ang totoo"
Napatingin ako sa kanya dahil sa bigla nyang pagsasalita
"H-huh? A-anong i-ibig mong sabi-bihin?"
Mautal-utal kong turan sa kanya at napaiwas ng tingin
"Obviously Krystal ikaw iyong actress na tinutukoy sa blind item. Pero the rest ay palaisipan, kaya sabihin mo na ang totoo. Kailangan kong malaman dahil manager mo ako. Lalong-lalo na napakalaking gulo ito Krystal, dahil hindi lang pala simpleng pagdukot ang nangyare sayo"
Napabuntong hininga na lamang ako at pumikit ng madiin. Kailangan kong sabihin, dahil tama sya napakalaking gulo ang kinasangkutan ko. Natatakot ako na baka may mangyaring hindi maganda, lalo na si Laurene wala na sya. Wala nang tutulong at poprotekta sakin. Sya lang ang natatanging tao na maasahan ko.
"Krystal sabihin mo na. Please, para rin ito sayo. Para alam ko kung paano kita mapoprotektahan. Dahil ayon sa blind item, malalaking tao ang kasangkot dito. Ibig sabihin makapangyarihang tao ang makakabangga mo"
BINABASA MO ANG
Borrowed Time (GxG) (Completed)
ActionKrystal Del Gado- isa sa pinakasikat na artista at Kilala sa larangang kinabibilangan nya. Ngunit may taglay din na masamang ugali, bitchy at spoiledbrat. Nag-iisang anak ni Alfonso Del Gado isa sa mga business tycoon na kinikilala sa bansa. Ngunit...