Prologue

3.6K 57 1
                                    

Laurene's POV

"Its been a months since you're gone. Kung nasan ka man ngayon, sana'y masaya ka. I'm sorry Kung Hindi kita naprotektahan nang mga oras na yon, but believe me I try. Sinubukan ko pero huli na, Hindi na ko umabot. Patawad, patawarin mo ko Kristen. Mahal na mahal kita"

Pagkatapos ay umupo na ako at kinuha ang in can beer. Hanggang ngayon sariwang sariwa pa rin sa aking mga ala-ala ang nangyari sa aming dalawa, sa huli naming mission na magkasama. Sana sa pangalawang pagkakataon o sa pangalawang buhay at magkita tayo o makita kitang  muli, hinihiling ko na sana ay ibang buhay ang piliin mo. Hindi ang buhay ng isang sundalo, at sana hindi na magkrus ang mga landas natin.
plano sana naming dalawa magpunta dito pagkatapos ng aming mission. Ngunit ito ako nag iisa, imbis na nagsasaya ay nagluluksa sa pagkawala nya.

Krystal's POV

Oh my! Saan ba ako pupunta!

"Ayun yung babae! Dalian nyo ang kilos nyo bago pa makalayo!"

Jusko po, nakita na nila ako.  Kaya naman nagmadali ako sa pagtakbo para matakasan ang mga panget na kidnappers na yun. Ano ba naman kasi itong lugar na ito puro puno, at mga damo.

"Nasan ba ako? Dito na ba ako mamatay? Ayoko pang mamatay! Madami pa akong gustong gawin! May mga upcoming movie pa ako!"

Wala akong ibang makita kundi mga puno, sa tingin ko ay nasa isa kaming isolated na isla. Walang katao tao at kabahayan.
Kanino ako manghihingi ng tulong.

Kailangan kong makatakas, baka may naligaw ditong tao na maaaring makatulong sakin para makatakas....

Borrowed Time (GxG) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon