Chapter 38

530 15 1
                                    

Krystal's POV

"Sigurado ka bang okay ka na?"

"Oo naman, isa pa andyan naman ang mga bodyguards na hinire ni daddy. Kaya wag ka nang mag-alala, sigurado naman ako na walang magtatangka sa buhay ko. Isa pa, wala akong ginagawa sa kanila kaya confident ako. Mas mahalaga ang event na ito noh! Namiss ko kaya mga fans ko"

"Ewan ko talaga sayo Krystal. Nababaliw ka na"

Inirapan ko lamang sya sabay lingon sa aking kanan. Tahimik lamang ako habang nakatanaw sa labas ng heavy tinted window ng van na sinasakyan ko patungo sa San Francisco Mall para sa isang event.

Mabuti na lamang at pumayag ang buong team na isakatuparan ang planong ito. Isa pa ito ang unang beses na mame-meet kong muli ang aking mga fans matapos ang dalawang linggong pagkakakulong sa loob ng mansyon namin kung saan pinalibutan ng mga bodyguards para masiguro ang safety ko.

At salamat naman sa diyos dahil sa loob ng dalawang linggong pagkakakulong ay wala namang ni isa ang nagtangka sa aking buhay. Maging ang mga death note ay natigil na din, kaya kampante akong aattend sa meet and greet namin ng mga fans ko.

Habang papalapit ang aming sasakyan sa mall ay sya namang pagkabog ng dibdib ko dahil sa labis na tuwa ng mabungaran ko ang napakaraming tao sa labas ng mall habang may mga hawak sila na banner at mga tarpaulinel. Napangiti naman ako dahil nakikita ko sa kanilang mga mata ang galak at tuwa dahil magkikita-kita na kaming muli ng mga fans ko.

Hindi mapantayan ang saya at excitement na nararamdaman ko dahil sa mga taong sumusuporta at laging umaalalay sa akin. Sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ko ay mas naging matatag ako nang dahil sa kanila kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ko. Pansamantalang nakakalimutan ko ang takot na nararamdaman ko dahil sa kanila.

Nahuli na ang mga taong dapat hulihin kaya naman panatag na ang loob ko dahil alam kong ligtas na ako. Ligtas naman ako dahil sa dami ng mga bodyguard na nagbabantay sa akim, pero hindi ko maintindihan ang sarili. Dahil kahit alam kong nahuli na ang mga salarin ay hindi ko maiwasang makaramdam ng takot at pangamba, pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin nagmamatyag at pinanunuod ang lahat ng mga galaw ko.

Kaya naman hindi ko din maiwasan ang kaba dahil baka may bigla na lamang umatake sa akin lalo na ngayon madaming tao, magulo ang paligid

"Kyaaah! Ms. Krystal namiss ka namin!"

"Waaah! Ms. Krystal!!!"

"Krystal! My loves!"

"Our Krystal we miss you!"

Ilan sa mga salitang natanggap ko sa nagkakagulong fans sa aking paligid, mapalalaki man o mapababae. Kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng init sa aking puso. Pakiramdam ko ay lumalaki ang puso ko dahil sa init ng pagtanggao nila.

Halos hindi magkamayaw ang mga fans, bodyguards, staff ng buong team namin at ng mga medias. Kaya naman hindi maiwasang masiksik kami ni Alex, ang manager ko. Pero buti na lamang ay nandyan ang mga bodyguards ko at ang staff ng mall para mapigilan ang mga tao na tuluyang makalapit sakin dahil na rin sa pag-iingat. Syempre hindi naman kami sigurado kung lahat ng tao dito ay fans ko, malay natin may nagpapanggap lang pala na fan ko pero haters ko pala tapos batuhin na lang ako ng itlog o paliguan ng tubig at harina. O kaya naman ay baka assasin pa na pinadala para patayin ako, pero alam ko namang imposible iyon.

Haler! Si Krystal Del Gado lang naman ako. Isa sa pinakasikat na artista sa buong bansa at around the world. Idagdag mo pa na ako lang naman ang mag-iisang anak nang kilalang business tycoon na nagmamay-ari ng malalaking hotel, restaurants, resorts, airlines at manufacturing company na si Alfonso Del Gado, na kilala rin sa isa sa ma-empluwensyang tao, respetado at madaming connections.

Borrowed Time (GxG) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon