The day before the abduction of Krystal Del Gado
*Puerto Cabello Mall
*hello Ms. Krystal mas maganda po pala kayo sa personal. Pwede po bang magpa-picture
"Salamat"
Hiyawan doon, hiyawan dito. Tilian doon, tilian dito. Tulakan doon, tulakan dito. Ang walang tigil na pagdagsa ng mga taga hangga ni Krystal. Papicture doon, papicture dito.
Halos mapunit na ang muka ng dalaga dahil sa kakangiti at halos nangangawit na rin ang kanyang mga binti sa walang katapusang papicture ng mga fans. Nandito sya ngayon sa Puerto Cabello Mall para sa isang fan signing event at may ilan ding mga reporter na walang tigil sa pagkuha ng litrato. Halos nagkakagulo na ang mga tagahanga at ang mga bodyguard maging ang ilang cast at staff ng successful drama na Los Quatros: Till death do us part.
Ilang oras ang binilang ng dalaga bago sya tuluyang makaupo at makapagpahinga. Ngunit nakaramdam sya ng tawag ng kalikasan kaya't nagpaalam sya sa kanyang manager na pupunta sya ng comport room hindi pa man nakakasagot ay umalis na kaagad sya dahil hindi na nya kaya.
Palihim syang umalis at siniguradong walang makakapansin sa kanya lalo na ang fans nya. Ngunit hindi nya alam na may nakamasid sa kanya at pinanunuod ang bawat kilos nya ng palihim. Kayat nagmadali syang tumakbo papasok ng comport room.
At nagpasalamat dahil wala syang naabutang tao sa loob kung hindi baka maharang sya. Kaya bago pa mahuli ay agad syang pumasok sa cubicle upang gawin ang sadya nya. Tila laking ginhawa ng makapaglabas sya. Napabuntong hininga sya dahil na rin sa pagod nya. Kayat nang matapos na sya ay lumabas na sya ng cubicle nagtungo sa sink kaharap ang malaking salamin.
Pinagmasdan nya muna ang kanyang itsura. At kita nya ang pagod dito, naghugas sya ng kamay at nag ayos ng kaunti upang magmukhang presentable pa rin sya sa harap ng media lalong lalo na sa kanyang mga fans.
Matapos ay inilagay na nya sa kanyang bag ang pag-retouch nya. Palabas na sana sya ngunit nagulat na lamang sya ng may isang janitor ang pumasok ng walang paalam at hindi nya naramdaman ang pagdating nito. Dala-dala ang ilang cleaning material, malaking container na sa tingin nya ay lalagyan ng mga basura at kung ano-ano pa. Hindi nya gusto ang presensya nito dahil ibang iba ito, nakaramdam din sya ng kaba. Kaya't naglakad sya papalapit dito dahil nasa pintuan ito. Habang papalapit ay lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Pinagsawalang bahala nya ito, dahil baka kung anong isipin ng taong ito. Ngunit may mali talaga syang nararamdaman. Nang malapit na sya sa pintuan ay tumabi ang janitor. Ngunit ng hahawakan nya pa lamang ang door knob ng pintuan upang buksan ito ay, naramdaman nya ang kamay at panyo na tumakip sa kanyang ilong at bibig kasunod noon ay ang nakakahilong amoy. Pinilit nyang maglaban ngunit masyadong malakas ang lalaki at napakatapang ng gamot na syang unti-unting nagpapahina sa kanyang sistema. At makalipas lamang ang ilang segundo ay tuluyan na syang nanghina at nawalan ng malay. Agad naman syang sinalo ng lalaki upang maiwasang gumawa ng ingay. Ini-lock nya muna ang pinto at maingat na nilapag ang walang malay na babae sa sahig upang ayusin ang napakalaking garbage container na paglalagyan ng dalaga. Nang mai-ayos na nya ang pagkakalagay ng dalaga sa loob ng garbage container ay tinabunan nya ito upang hindi mahalata na tao pala ang laman nito.
Saktong pagbukas ng pintuan ay ang pagdating ng mga tao upang gumamit ng cr at magretouch.
Habang busy ang karamihan, mga tagahanga, staff at cast, director and media. Ay walang kahirap hirap na nailabas ng kidnapper ang babae. Matagumpay na naisakay sa isang itim na van at walang kahirap-hirap na naitakas at nailayo ito sa naturang lugar.
"Hello boss, nakuha na po namin ang babae"
*very good dalhin nyo na sya sa hideout
"Opo boss"
agad ding tinapos ang tawag at may tinawagan na namang ibang number
"Dark, ano na? Naasikaso mo na ba yung mga cctv footage?"
*oo nagawa ko na Kill
"Mabuti naman kung ganon. I-hack mo lahat ng footage sa lahat ng route, papasok at papalabas ng Puerto Cabello. Para maiwasan nating matuntun ng kapulisan"
*bakit lahat?
"Nag-iisip ka ba? Kung sa isang particular na route lang ng footage ang buburahin at iha-hack natin. Maaari nila tayong matunton, dahil maaring isipin nila na doon lang tayo sa route na yun dumaan. Kaya burahin at i-hacked mo ang lahat ng sabay-sabay
*oo na naiintindihan ko na. Sige madami pa akong gagawin. Papunta na ba kayo sa hide out?
"Oo papunta na kami, nakaready na ba ang sasakyang yate?
*wag ka magalala kayo na lang ang hinihintay
"Sige"
Agad naman nyang pinagmasdan ang mahimbing na natutulog na babae.
"Napakaamo ng mukha at napakagandang babae. Pero wala din yang silbi kung mamamatay ka na"
"Pasensya ka na kung nadamay ka pa. Hindi ko man gustong gawin ito pero kailangan. Dahil kung hindi namin ito gagawin kami naman ang papatayin ng boss namin"
Sabay hawi ng hibla ng buhok upang mas lalo nyang mapagmasdan ang kagandahan ng dalaga. Napabuntong hininga ang lalaki dahil may naalala syang isang tao at napasandal na lamang upang makapagpahinga.
Samantala sa kabilang banda ay hindi na mapalagay ang mga tao sa mall lalo na ang manager ng dalaga dahil sa biglang pagkawala ng dalaga. Halos kalahating oras na silang naghahanap at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nila makita nagpatulong na din sila sa ilang security guard ng mall. Upang hanapin si Krystal
"Alex, hindi namin makita si Krystal!"
"Ano? Saan naman pupunta ang babaeng iyon. Sa Comport room ba tiningnan nyo na?"
"Oo pinuntahan na namin pero wala din sya. Nagtanong tanong na din kami if may nakakita sa kanya ay wala din"
"Diyos ko! Sabi nya mgc-cr lang naman daw sya"
"Hindi kaya--
Nagkatinginan silang nanlalaki ang mata
"Hindi! Hindi pwedeng mangyari iyon. Hinanap nyo na ba sya sa buong mall?"
"Alex, wala din daw!"
"Anong gagawin natin. Mahigit isang oras na tayong naghahanap sa kanya"
"Humingi na kaya tayo ng tulong sa mga pulis?"
"Sige mabuti pa nga, para macheck din nila baka sakaling makita sya ng mga pulis"
"Dave, anong sabi?"
"Alex, chineck na namin ang lahat ng cctv footage ay wala talaga. At mas nakakapagtaka ay may ilang footage na nawawala"
"Anong ibig mong sabihin?"
"May footage kasi yung tumayo si Krystal nagpaalam ata sya sayo. Nakita doon na umalis sya ng walang nakakapansin. Pagkatapos ay nawala na yung sumunod. Parang may nag bura. At tiningnan na din namin sa ibang cctv footage ganoon din ang nangyari"
"Diyos ko po! Diyos ko po!"
Pabalik-balik na sya ng lakad at hindi na mapakali. Mga ilang sandali ay dumating na rin ang kapulisan. Kayat may mga bulong-bulungang nagaganap. At wala pang ilang minuto ay kumalat na nga ang balita na nawawala si Krystal.
Mabilis na kumilos ang kapulisan, tawag dito tawag doon. Upang makipag cooperate sa iba pang police station upang mas mapadali ang paghahanap.
Dahil mahigit isang oras na bago nareport na nawawala si Krystal. Kaya hindi na nagsayang ng oras o segundo dahil maaaring nakalayo na ang mga kidnappers
Maraming katanungan ang ipinukol ng mga pulis sa mga taong nasa event upang makakuha ng impormasyon. Ngunit pare-pareho lang din ang mga sagot nila.
Kayat napaisip ang police officer, dahil imposibleng walang nakakita o nakapansin sa pagkawala o pag alis nya. Nagkagulo na din ang media dahil sa balita. Kaya naman, nagpasya ang buong cast at staff na bumalik na muna sa agency upang mapag usapan ang nangyari. May ilang police naman ang nag paiwan sa mall upang ipagpatuloy ang imbistigasyon at pag aralan ang bawat footage na naiwan bago ang pagkawala ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Borrowed Time (GxG) (Completed)
ActionKrystal Del Gado- isa sa pinakasikat na artista at Kilala sa larangang kinabibilangan nya. Ngunit may taglay din na masamang ugali, bitchy at spoiledbrat. Nag-iisang anak ni Alfonso Del Gado isa sa mga business tycoon na kinikilala sa bansa. Ngunit...