Chapter 54

537 12 2
                                    

Laurene's POV

Nakaupo na ako sa aking pansamantalang kama habang ang first aid kit naman ay nakapatong sa isang side table katabi din ng kama. Kahit na nasanay na ako sa pagtamo ng sugat ay hindi ko pa din maiwasang mapadaing dahil sa sakit ng pagdampi ng tela sa aking sugat upang linisan.  Tahimik ko lamang nililinisan ang aking sugat nang may maramdaman akong tao mula sa labas ng pinto, kaya naman napahinto ako sa aking paglalagay ng gamot. Tumingin ako sa paahan ng pintuan kung saan may maliit na siwang kaya naman naaaninag ko ang isang aninong nakatayo. Hindi ko alam kung sino ito dahil hindi naman ito nagsasalita, nakatayo lamang sya. Kumilos ako ng dahan-dahan, tsaka inabot ang aking baril. Habang hindi pa din inaalis ang aking paningin sa paanan ng pinto, ilang saglit ay bigla itong gumalaw.

Napataas ang kilay ko dahil pabalik-balik itong naglalakad kaya naman rinig na rinig ko na ang kanyang munting yabag. Tumayo naman ako ng dahan-dahan at naglakad patungo sa pintuan. Kahit nananakit ang aking balikat ay hindi ko na muna ito pinansin. Sumandal ako sa pader, habang nakafocus ang aking pandinig sa labas ng pintuan. Nakarinig naman ako ng buntong hininga. Bumaba ang aking paningin sa seradura ng pinto nang gumalaw ito dahil sa pagpihit mula sa labas. Inangat ko ang aking baril tsaka ikinasa ng malakas, yung talagang maririnig mula sa labas.

Napangiti ako dahil tama ang naisip ko, biglang huminto ang pagpihit sa seradura dahil sigurado akong narinig nya ang pagkasa ko ng baril. Tumikhim ako, upang palalimin at palakihin ang boses ko upang matakot itong lalo. Dahil hindi ako sigurado kung sino ito, alam ko naman kung sila ate Rosa iyon or Nay Kusing dahil bago iyon kumatok ay tatawagin agad ang pangalan ko

"Sino yan?" Tanong ko sa taong nasa labas ng pinto, habang pinalakihan ko naman ang boses ko

Narinig kong napasinghap ito, kaya napangiti ako o sabihin na nating napangisi ako.

"Magsalita ka, sino ka?"

Ilang saglit ay narinig ko ang nagmamadaling yabag na papalayo sa aking kwarto, kaya nagpasya na akong buksan ito ng masiguro kong wala na ito. Binuksan ko ito ng tama lang tsaka ko inilabas ang aking ulo upang silipin at tingnan ang paligid. Ngunit wala akong nakita na ibang tao, bukod sa mga bodyguards na nakakalat at nagbabantay sa buong bahay. Kaya naman napakibit balikat na lang ako ngunit napadaing nang maramdaman ko ang kirot dito. Muntik ko pang makalimutan ang sugat ko. Isinara ko nang muli ang pinto ngunit ni-locked ko ito bago ako bumalik sa kama at ipinagpatuloy ang paggamot at pagbalot sa aking sugat. Nang matapos na ako ay nagbihis na ako ng damit, white t-shirt lang at naglabas na din ako ng black leather jacket. Iniligpit ko na din ang mga kalat at mga gamit na ginamit ko. Kinuha ko na din ang itim na maleta ko na nakatago sa pinakataas na parte ng cabinet, inilapag ko ito sa kama tsaka binuksan. Pagkatapos ay humarap na akong muli sa cabinet upang kunin na ang mga damit ko at iba pang gamit. Inayos ko na ito sa aking maleta.

Nasa gitna ako ng pagaayos ng mga gamit ko nang may biglang kumatok sa pinto kaya napatigil ako at napalingon dito.

"Ren, pinapatawag ka daw ni senyor Del Gado ngayon na, sa office nya daw"

Si ate Rosa pala. Sumagot lamang ako sa kanya na susunod na lang ako. Umalis din naman ito, kaya binilisan ko na ang pagliligpit ko upang makapunta na sa office ni Mr. Del Gado. Muntik kong makalimutan hindi ko pa pala sya nakakausap.

Napabuntong hininga na lamang ako habang nakapamewang ng masiguro kong tapos na ang lahat. Dinampot ko ang leather jacket ko para isuot pati na din ang baril ko na agad ko namang isinuksok sa aking  likuran.

Nagpasya na akong lumabas ng kwarto upang mapuntahan na si Mr. Del Gado. Pagkalabas ko ng aking kwarto ay inilibot ko ang aking mata habang hila ko ang aking maleta. Nakita ko naman si Victor. Nilapitan naman nya ako tsaka bumati na agad ko din namang ginantihan. Nag-alok na din sya sakin na sya na ang magdadala ng gamit ko. Kaya tumango na lamang ako tsaka ko binigay ang susi ng kotse ko upang maihatid na nya sa aking sasakyan ito. Nakita ko rin naman si Romeo na may dala na ring bag at maleta, siguro ay mga gamit nila iyon. Syempre tulad ko ay tapos na din ang trabaho nila dito kaya naman aalis na din sila upang bumalik sa field kasama ko.

Borrowed Time (GxG) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon