Dreigory's POV
Kasalukuyan na kaming nakikipagbakbakan ng mapansin kong nawawala si Laurene. Inilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko sya makita. Hanggang sa may mahagip akong pamilyat na pigura na buong tapang na naglalakad at nagpapaputok sa mga kalaban. Nanlaki ang mata ko ng marealised ko kung sino iyon
"Laurene!"
Tinawag ko sya ngunit hindi sya lumingon tila ba wala syang naririnig. Hanggang sa mawala ang paningin ko sa kanya ng itulak ako ni Yazi uoang makapagtago dahil may bumaril sa amin na kalaban
"Ano bang balak mo hah? Gusto mo bang magpakamatay? Buti na lamang ata naitulak kita kasama ko kung hindi baka malamig na bangkay ka na"
Paninermon sa akin ni Yazi habang nagpapalit sya ng magazine. Nakasilip sya sa mga kalaban na walang tigil sa pagpapaputok kaya naman wala kaming nagawa kundi maghintay ng tsempo
"Yazi, si Laurene delikado!"
"Anong pinagsasabi mo? Hindi lang naman si Laurene ang nagdedelikado. Haler, baka nakakalimutan mo lahat tayo nasa delikado. As you can see madami na sa mga kasamahan natin ang nawala"
Sabay paputok nya sa kalaban na biglang sumulpot sa aming harapan
"Kailangan natin syang sundan. Pinasok na lang nya bigla ang bahay, alam mo namang madaming kalaban doon for sure"
Buhat sa sinabi ko ay biglang nanlaki ang kanyang mata
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Dalian mo!"
Lumabas sya sa pagkakatago at nakipagpalitan ng putok sa mga kalaban. Ngunit parang hindi naman nauubos ang mga kalaban eh. Sabagay expected naman na namin na ganito ang magiging sitwasyon namin.
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nakausad. Habol hininga iyan ang ginagawa namin.
"I think I lost them!"
*Laurene where are you? Hindi ka namin makita?
"Andito ako sa isang tunnel. Sinundan ko ang VP at si Mangubat pero bigla silang nawala. Sabihin mo sa iba pa nating kasamahan na maging alerto sigurado akong hindi pa nakakalayo iyon. Wala pa ba ang back up na--"
*Laurene? Laurene! Anong nangyari?
Bigla akong kinabahan ng maputol na lamang ang sasabihin nya. Kaya naman ang ginawa namin ay pinilit namin ang lahat ng aming makakaya hanggang makapasok kami sa loob ng bahay. Pagpasok namin ay nagulat ako sa mga nakita ko. Nagkalat ang bangkay ng mga kalaban. Lahat ito ay dead on the spot dahil sa mga tama nito sa dibdib at ulo.
Napabuntong hininga ako dahil umarangkada na naman ang pagiging short tempered ng babaeng iyon. Walang awa nyang pinatay ang mga kalaban, naawa ako para sa kanila kahit na kalaban ko sila ay hindi ko maiwasang maramdaman iyon dahil una sa lahat pareho din kaming tao at kababayan ko din ang mga ito. Isa sila sa mamamayan ng bansang pinaglilingkuran ko ngunit naligaw ng landas.
Gulat na gulat din ang iba pa naming kasama ng makita nila ang mga ito.
"Woooh! Who did this?"
"Obviously, The only One Laurene Salazar"
"This is what I'm telling you guys, don't you ever dare to mess up with Laurene Salazar. Dahil sigurado ako ganito ang kahahantungan nyo"
"Is this the reason why they called her the enemies ace killer?"
"Yes"
"Tama na iyang usapan nyo kailangan na nating puntahan si Laurene"
"She's dangerous and evil"
BINABASA MO ANG
Borrowed Time (GxG) (Completed)
ActionKrystal Del Gado- isa sa pinakasikat na artista at Kilala sa larangang kinabibilangan nya. Ngunit may taglay din na masamang ugali, bitchy at spoiledbrat. Nag-iisang anak ni Alfonso Del Gado isa sa mga business tycoon na kinikilala sa bansa. Ngunit...