chapter 4 : Pizza

152 5 11
                                    

*Nicole's Pov *

Hay Nako. Sa kakulitan netong Kirstein na to, pumayag na din ako sumama samin si Paul. Balak namin pumunta ng PizzaHut nang may humarang samin... isang grupo ng babae.

"Hey kuya. Pwedeng papicture?" Sabi ng Isang ka-Gangmember - este, Isang bababe na parte ng gropo..... WAIT! Picture? Ano to? Sikat ba tong Pagong na to?

"Sure" Ngiti ni Paul sa mga babae sabay unakbay sa dalawang nasa gitna. Gets?

Nagtinginan kami ni Kirstein na tila parang nalilito na natatawa na ewan.

Natigil ang pagtitinginan namin ni Stein nang may nagsalita.

"Uhmm, Ate..Papicture naman oh." Lumapit ito at may inabot. Isang Instax ( Yung Camera na automatic na lalabas yung picture )

Kinuha ko ang camera at ibinato ito sa lapag....JOKE!

"Okay. Pwesto na, Ate" Plastik kong ngiti. Eh, Bat ba? Ang Kapal ng mukha. Pwede namang si Kirstein, Ako pa.

"1..2...3...click" Pinicturan ko sila ng hindi pa handa sabay lapag ng camera sa isang lamesang malapit samin at Umalis kasama si Kirstein.

"Kita mo yun, Stein? Sikat pala si 'Ah-re-GAY-oh' dito sa University?" Sabi ko nang nakatingin kay Kirstein habang kami ay naglalakad papuntang Pizzahut.

Oo. Nilalakad namin. Malapit lang kasi ito sa building namin. Actually, Nasa loob ng campus namin yung Pizzahut.

Tumingin din siya sakin at sumagot with matching taas ng kilay pa "Ewan ko dun." .

"Pero, Tangina ka talaga. Picturan ba naman ng hindi handa? Malamang nun, Yung mga babae, nakanganga pa.... NGANGA!" Natatawang dagdag neto.

Nagtatawanan lang kami na parang mga baliw habang naglalakad nang biglang may tumawag samin.

"NICOOOOLLLLEEE!!!!!!!!! WAIT!! KIRSTEIN!!!" Si Adrian. Tumatakbo ito papunta samin.

"Wag kang lilingon, STEIN. Sisipain kita dyan." Natatawa kong bulong sa kanya nang hindi lumilingon.

"Huy. Wait lang naman. Papables ko yan e. Malay mo magtatapat na siya sak-" Napahinto si Kirstein sa pagsalita nang may biglang tumapik sa kanya.

"Hi Kirstein." Sabi neto.

"A-adrian?" Kinikilig na sabi ni Kirstein na siyang naging dahilan sa pagtawa ni Adrian.

"Oh, Bat ka natatawa dyan?" Tanong ni Kirstein kay Adrian.

"Wala lang. Hehe. Ang cute mo kapag nag b-blush e" Sagot ni adrian habang nakahawak ito sa makinis na pisngi ni Kirstein.

Kinikilig nanaman ang Gaga. HAHAHA

"San kayo pupunta?" Tumingin sakin si Adrian.

"Sa Pizzahut. Sama ka?" Aya ko dito. Syempre, mahal ko ang kaibigan ko kaya Inaya ko siya.

"Sige ba!" Umakbay ito kay Kirstein tapos lumakad na silang dalawa.

KAMUSTA NAMAN DIBA?

Kung tatanongin niyo kung bakit ang Kapal ng mukha netong Adrian na to, Ito lang ang sasabihin ko : Kabarkada namin siya nung Highschool.

Matagal na rin kasing crush...ay hindi pala. love. Ayun. Matagal nang love ni Kirstein. Hindi ko alam kung may gusto din si Adrian dito. Basta ang alam ko, Malandi silang dalawa sa isa't isa.

"HOY! Bat niyo naman ako iniwan dito? Kirstein!! Adrian!!" Pinilit ko silang tawagin pero hindi ATA nila ako naririnig. Hininaan ko kasi boses ko e. Nakakahiya kaya. Ang dami pa namang estudyanteng pakalat kalat dito.

Time to Love again (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon